KABUBUHAY lang ni Luna ng kaniyang cellphone dahil pabalik na siya sa trabaho. Pero bago siya pumunta doon ay dadaanan niya muna ang anak sa school pero dahil sa mga natanggap niyang text at missed calls kay Caroline ay nalaman niya na kasama ni Yannie si Celine.
Ayon dito ay hinahanap siya nito, nagtataka pa siya nung una kung bakit pero ng mabasa ang message ni Caroline matapos ang maraming missed calls ay naihinto niya ang kotse sa isang tabi.
Dali-dali siyang nagbukas ng kaniyang social media and again nasasaktan nanaman siya. Pero hindi na ganon kasakit kanina. Bago siya tuluyang umalis doon ay buo na ang desisyon ni Luna na aalis na sila doon ni Celine. Wala ng dahilan para magtagal pa sila doon lalo na ngayon na nakita niya ang news tungkol sa babaeng pakakasalan nito.
“Kaya mo ‘to Luna. Gawin mo para sa anak mo. Kaya mo nga ng walang ama si Celine ngayon pa kaya?”
Pagpapalakas niya sa kaniyang loob at dali-daling pinaandar ang kaniyang sasakyan papunta sa kaniyang offic