“Hmp!” Akmang kakagatin ko na sana ang kamay niya ng sinenyasan niya akong tumahimik at may tinatanaw ito sa ‘di kalayuan sa aming kinatataguan ngayon.
“You know what man? That girl named Elona is freaking living hot!” Rinig kong saad ng isang tinig ng lalaki. Hindi na ako nagpumiglas pa at kinuha na rin ni Laurier ang kaniyang malapad na kamay sa aking bunganga. Hindi ako kumportable sa posisyon namin ngayon.
Nakaupo kasi siya sa malaking gamot ng kahoy habang ako naman ay nakaupo sa kandungan niya at ang dalawang kamay pa nito ay naka pulupot sa beywang ko.
“P’wede bang paki bitawan na ako?” parang natauhan naman agad siya. “Oh, sorry.” Dahan-dahan niya akong pinakawalan at doon na ako naka hanap ng tiyempo para makinig at mas sumilip pa sa nag-uusap na mga kalalakihan ngayon.
Nanlaki agad ang mata ko ng makita ko ‘yung parang shokoy na lalaki kanina. ‘Anong ginagawa nila dito?&rsqu