Chapter 17
WARNING: R18
LEA KRISTINE'S POV
Nang matapos na mabihisan ni Lea ang anak at tinahak na nila ang daan pababa sa unang palapag.
"Bilis Mommy, baka dumating na school bus ko po," hila-hila ni Steven ang kamay ng Ina para ipahiwatig na lalo pa niyang bilisan sa pag-lalakad.
"Sandali lang sweetheart, huwag mong bilisan at baka madapa ka niyan eh."
"Hihi," hagikhik pa itong tumawa–na hindi pina-kinggang ang sinabi at paalala ni Lea.
Nahinto sila pareho ni Steven ng maka-labas na sila sa labas at naroon nga ai Mark, kasama si Mae at anak nilang si Mia.
Naka-suot si Mia ng cute na uniforme sa pinapasukan nitong private school at naka-tali ng ribbon ang mahaba nitong buhok na cute nitong tignan. Sa likuran naman ni Mark, naka-sunod naman si Mae na suot ang puting bestida.
"Bye Mommy." Humalik pa si Mia sa Ina at yumakap ng mahigpit na tanda ng pag-papaalam.
"Okay, mag-pakabait ka sa school okay?"
"Yes po Mommy, always po kaya akong good girl. Diba daddy?" Hagikhik na tawa ni Mia