Search
Library
Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Ika-pitumpu't siyam na kabanata

Ika-pitumpu't siyam na kabanata

Author: Saigestsolaaaar
2021-10-25 13:05:53

Sa dalawampu’t pitong taon ko sa mundong ito na pasan ang mabigat na responsibilidad ay ito ang pangalawang beses na nakatulog ako nang mahimbing. Ang una ay noong nasa mundo ako ng mga mortal habang kasama si Cyrus, at ang sumunod ay ngayon, na siya pa rin ang aking katabi na ngayong mas napagtibay na at mas nabigyan ng linaw ang aming koneksyon.

Naramdaman ko na para bang may sumusuklay sa aking buhok na nakapagpagising sa akin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Cyrus na nakangiti. Awtomatiko ring gumuhit ang isang ngiti sa aking labi dahil doon.

“Magandang umaga,” bati niya sa akin, at ipinagpatuloy ang ginagawa niyang pagsuklay sa aking buhok.

“Magandang umaga rin,” bati ko sa kanya pabalik. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at kinintilan ako ng halik sa labi, bago ako hinila pasiksik sa kanyang katawan. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan dahil dikit na dikit ang aming m

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP