“Dan, malayo pa ba kayo?” naiinip na tanong ko kay Dan sa aking isip. Pabalik-balik akong naglalakad rito sa loob ng aklatan dahil kanina ko pa hinihintay ang pagbabalik nila. Hindi ko na natapos ang pagbabasa dahil sa inip sa paghihintay sa kanilang pagbabalik. Hindi ko mailagay ang buong atensyon ko sa binabasa ko dahil pati ang isip ko ay sumunod ata sa kanilang pag-alis kanina.
“Fajra, kakatanong mo lang niyang sampung segundo lang ang nakakaraan. Ano bang nangyayari sa iyo?” sagot ni Dan sa aking isip na aking ikinahinto sa paglalakad. Sampung segundo pa lang ba ang nagdaraan?
Wala si Dan dito sa kastilyo at kasama niya si Cyrus at ang ibang kawal. Umalis sila kanina dahit ito ang araw ng kanilang takdang paglilibot sa mga hangganan ng aming mundo upang alamin ang lagay roon at kuhanin ang mga ulat. Kahit wala na kaming kalaban ay hindi pa rin naman nawawala ang mga maliliit na nanggugulo at nakakalampas kung kaya’t ang pagbabantay sa mga lugar na iyon