Ngayon ay kasama ko si Kuya Andrei at papunta kami ngayon sa ospital kung saan naka confine si Kuya Argel. I want to ask him some question at sana ay malaman ko ang totoo kung bakit siya binugbog ni Ash at ng mga tauhan ni Tito Wilbert.
Pagkarating namin sa ospital ay pinuntahan kaagad namin ang confine room ni Kuya Argel at nang makapasok na kami sa loob ay nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed na may benda sa kaniyang ulo at mga paa. Nakita ko rin ang iilang sugat at pasa niya sa katawan. Naawa naman ako sa kalagayan niya.
"You came here, Andrei and Bliss," Nakangiting sabi ni Kuya Argel nang makita niya kami.
Lumapit ako sa kanya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo, Kuya Argel?" I asked.
He nodded. "Yeah. I was here for two days and I'm feeling a bit better now so don't worry." He said.
I bit my lower lip. "Si Ash ba ang may kagagawan nito sa'yo?" Tanong ko.
Napahinto si Kuya Argel sa tanong ko pero 'di kalaunan ay tumango siya.
"Yes. He did this to me." Sabi niya.
"Pero bakit? Da