"Bliss!"
Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko at si Kevin iyon kasama si Loen na mukhang kakauwi lang galing sa bakasyon nito sa kanilang probinsya.
Umiwas naman ng tingin si Kale sa kanila nang makalapit na sila sa amin.
Sinundo ako ni Kale kanina sa bahay namin at bilang isa na raw siyang manliligaw ko ay kailangan niya na akong ihatid at sunduin sa bahay maging sa pagpunta sa school.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nanliligaw na siya sa akin dahil parang napakabilis nang lahat ng ito.
"Kevin, Loen kayo pala," Sabi ko saka muling sinulyapan si Kale na tumiim-bagang bigla.
Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nina Kevin at Loen dahil kasama ko si Kale.
"Bakit kasama mo 'yan?" Tanong sa akin ni Kevin at itinuro nito si Kale.
"Ah, kasi-"
"I'm courting Bliss from now on." Sagot ni Kale na ikinagulat naman nina Kevin at Loen.
"P-papaano nangyari 'yon? Hindi ba't boyfriend mo si Ash?" Nagtataka namang tanong ni Loen sa akin.
Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung