Maghanap
Library
Home / Romance / The Rich Man's Fall / Chapter 3

Chapter 3

Author: Kirstenn Wolf
2024-11-21 10:18:26

"We will send you an email for the initial interview," nakangiti ang clerk na tumanggap ng resume ni Issa. Mag-a-alas singko na ng hapon at 'di na mabilang sa daliri ang mga konstruksyon at engineering firm na in-applyan niya sa araw na iyon. Maliit man o malaking kumpanya.

Kaagad nagpaalam ang dalaga pagkatapos iiwan ang kopya ng resume niya sa reception desk. Lumabas siya ng gusali, saka tinungo ang pinakamalapit na pawnshop sa lugar. Walang katiyakan ang mga pinasahan niyang trabaho lalo't kakatapos lang niya ng kolehiyo at hahabi pa lang ng karanasan. Kalimitan ay mga bihasang inhinyero ang mas may tsansang matanggap agad.

Hindi siya maaring maghintay nang matagal at kung mangyari man ay madaling mauubos ang savings niya sa bangko. Inilalaan niya iyon para sa maintenance ng kanyang ama.

'We need to perform a bypass surgery, though it may cause complication, it will further increase the patient's heart rate recovery...'

Iyon ang isinuhestiyon ng doctor bago inoperahan ang ama niya sa puso. Ngunit gaya ng inaasahan, idineklarang stroke patient ang papa niya pagkatapos. Walang makapagsasabi kung gaano ito katagal na mananatiling imbalido at hirap sa pagsasalita. Ang isiping makukulong ito sa ganoong kalagayan ay mental torture kay Issa.

Isang linggo na lang ang natitira bago ang inaasahang kabayaran kay Vince. Posible pang tamaan siya ng kidlat kaysa maibigay niya ang halagang hinihingi nito. Buntong-hininga na pumasok siya sa sanglaan at hinubad ang mamahaling relos sa kanyang bisig. Iyon ang natitirang alahas niya. Hindi iyon maipangbabayad sa utang pero malaking halaga para sa pang-araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya.

Madilim ang langit at nagbabadya ng pag-ulan sa paglabas niya. Tatakbuhin na lamang niya ang sakayan ng jeep nang tumigil sa mismong tapat niya ang isang kotse. Isang itim na Lamborghini na ang sakay ay 'di hamak na mas mamahalin—si Vince.

Lumabas mula sa driver's seat ang binata suot ang pares ng salt-and-pepper trousers at pormal na long-sleeves shirt na ang tatlong butones sa taas ay nakabukas. The thin fabric was hugging him tight like second skin. Lean and tall. All muscles were on the right places, filling each and every space of his godlike body like a DC hero. His hair was clean and sleekly brushed up—raven and ravishing.

She was awed and tried not to sniff the luxurious scent of his male perfume. Sa halip ay pag-atras niya nang bahagya mula rito. "Anong ginagawa mo rito?"

"Naniningil?" a glint of smile in his penetrating eyes. Sumandal ito sa kotse nito at namulsa.

Tinaasan niya ng kilay ang binata. "Aba't daig mo pa ang five-six. Ayon sa usapan natin, dalawang linggo ang palugit ko. I still have seven days left."

"Seven days para makaipon—or am I supposed to be hearing wedding bells?"

"You should go," ignora niya rito. "Malakas ang ulan na parating. Baka magasgasan ang kotse mo," patuyang sabi niya rito.

"I won't mind kahit mabutas pa ang bubong ng kotse ko," kibit ni Vince sa pagsakay sa biro niya. Napasulyap ito sa kaliwang braso niya. "You pawned it?" he said in half-statement. Bumalatay ang kaseryosohan sa mata nito.

Ibinaba niya ang tingin sa kanyang kamay. Sa palapulsuhan niya ay ang faint mark ng pinaghubaran niya ng relos. Banayad niyang nahaplos iyon. "It's not that very important," kunwa'y nonchalant niyang sabi rito.

But it was far from truth. Hindi man nagpakilala ang nagregalo ng timepiece na iyon noong eighteenth birthday niya, pinahalagahan niya iyon kasama ang maikling sulat na kalakip ng regalo.

'As the old song sings: My eyes adored you, Elisabeth, though I never laid a hand on you... all because you wouldn't let me. Happy birthday!'

Gusto niyang ipikit ang mata at sariwain sa alaala ang sulat mula sa mystery giver. Kung sana'y nagpakilala ito kahit man lang sa maid na pinakisuyuan ng regalo, at nang sa ganoon ay nakapagpasalamat siya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Vince bago kumilos. "Hop in. Ihahatid na kita," anitong pinagbuksan siya ng pinto sa passenger seat.

"Kaya kong umuwi mag-isa." Kipkip sa balikat ang bag na naglakad ang dalaga.

"You wouldn't want me to carry you from here," may babala sa tinig ni Vince na sumunod sa kanya at siyang ikinatigil niya. Nakapameywang ito nang lingunin niya. May kislap ng kapilyuhan sa mga mata nito.

Sa dami ng taong nakapaligid, tiyak na makakaagaw sila ng atensyon oras na totohanin nito ang sinabi. The mere sight of his lavisly handsome Lamborghini was enough to steal a second look. Magpoprotesta pa sana siya nang bumuhos ang malakas na ulan. Nang malingunan niya ang nakaantabay na jeep sa 'di kalayuan ay paalis na iyon. Nababasa na rin siya at kung hindi pa sa kamay na humila sa kanya ay hindi siya matitinag.

"Sinabing hindi nga—"

Vince grabbed her as he gently pushed her inside his car. Mabilis itong umikot sa driver's seat at naupo. Singhap siyang napasiksik nang abutin nito ang seatbelt niya at saka ikinabit sa katawan niya. "Safety first," his warm breath was an inch closer to her neck. She held her breath for a second sa takot na mahalata nito ang incomposed breathing niya.

Hindi nagtagal ay binabagtas na nila ang maulan na daan patungo sa address ng apartment niya. Makailang-beses na napapatingin pa rin sa palapulsuhan niya ang binata, at ewan kung galit ang nababasa niya sa madilim na anyo nito. Nagsalita ito nang tumigil ang sasakyan sa stoplight. "Iyan bang pagbebenta o pagsasangla ng alahas ang paraang sinasabi mo para makabayad?" mahihimigan ang disgusto sa tono nito.

"Kung sana'y ganoon lang kadali ang lahat, 'di ba?" a smirk on her face. Iniiwas niya ang mukha at tumingin sa bintana sa tabi niya. Nagbabadya ang luha sa sulok ng mata niya.

"You may want to reconsider my offer, Issa. It's a lot easier and convenient—"

"And unfair," maagap niyang dugtong.

"It's a win-win, Issa."

"Damn you, Mr. Sevilla!" marahas niyang baling dito. Teary-eyed and in a feral snap, "Damn you and all your means! Pabor lang sa 'yo ang kasunduan. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi aatakihin si Papa!"

"Now we're talking." Mariing humawak sa steering wheel ang binata. Halos maggalawan ang muscles sa pangahang mukha.

"It's all your fault!" she began to weep. Oh, good lord, she's losing it.

"Dammit!" Vince cussed as he steered the wheels past the green light in a fast, sweeping motion. "Isumpa mo ako kung iyan ang ikagagaan ng pakiramdam mo but don't you fuckin' cry in front of me!"

Kung hindi sa seatbelt niya'y baka nasubsob na siya sa dashboard. Tumaas-baba ang dibdib niya sa bumibilis na tibok ng puso niya. Patuloy sa mabilis na pagmamaneho ang lalaki nang tumunog ang cellphone sa loob ng kanyang bag. Pinigil niya ang pag-iyak at saka sinagot ang tawag.

"Hello—" Kamuntik na siyang mapatili sa biglaang pag-U-turn ni Vince. Nagtataka man sa pagbabago nito ng direksyon ay ipinagpatuloy niya ang pakikipag-usap.

"Hindi ako pinayagan ng boss ko mag-undertime. Pero malapit na rin naman akong umuwi. Masasamahan pa kita sa ospital," si Apolo mula sa kabilang-linya.

"I-I understand. Pauwi na rin ako," aniyang hindi pinansin ang pagtalim ng tingin ni Vince.

"Umiiyak ka ba?" Nakini-kinita na niya ang pagkunot ng nobyo. Hindi maitatago sa garalgal niyang boses ang pag-iyak.

"Hindi. Konting sipon lang," sa halip ay tugon niya sa kausap.

Barista sa isang coffee shop si Apolo at hindi niya gugustuhing mag-alala ang nobyo sa oras ng trabaho. Gaya niya'y naghihintay ng trabaho na mas angkop sa kursong tinapos nito ang binata. Nag-aaral pa lang sa kolehiyo ay suma-sideline na ito. Overseas worker sa Singapore ang ina ni Apolo, isang nurse doon. Pero dahil nag-iisang tinataguyod ng ina ang pamilya ay napagpasyahan ng binata na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Panganay si Apolo. Dalawa ang kapatid, ang isa'y nasa ikalawang taon sa kolehiyo at nasa high school ang bunso. Sampung taon nang namayapa sa komplikasyon sa atay ang ama at si Apolo na ang halos tumayong tatay sa mga kapatid.

Hindi mayaman ang kasintahan. But he was a decent, hardworking man.

"I love you," matamis na sambit ng nobyo na kung sa ibang pagkakataon ay nasagot na niya agad.

Hindi niya alam kung bakit nag-aatubili siya. Hindi alam kung tama na sagutin niya iyon. Subconsciously, alam niyang hindi niya mababayaran si Vince and she would end up marrying him.

"B-bye," guilt struck her as she mumbled the bland word. She hang up, saka kunot na binalingan sa tabi niya si Vince. Pinahid niya ang kanyang luha. "Hindi ito ang daan papunta sa apartment ko."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App