"Ang mabuti pa, ibaba mo na 'ko," anang dalaga kay Vince.
"Stop being a lioness, Issa. We have to stop over somewhere and feast some dinner. Masama akong magutom." Ibubuka pa lang niya ang bibig nang lumangitngit ang gulong ng Lamborghini bago iyon tumigil sa parking sa tapat ng isang fine dining restaurant. Atubiling inalis niya ang kanyang seatbelt at akmang bababa. Pero mabilis si Vince na agad siyang pinagbuksan ng pinto. Nakasimangot pa rin siya rito. Hindi tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa harap niya. "Dito na ako papara ng taxi." "Leave your bag inside. Hindi 'yan mananakaw sa loob ng kotse ko," sa halip ay ignora nito sa pagpupuyos niya. Her eyes squinted at him. "Personal kong gamit 'to, Mr. Sevilla. Karapatan kong dalhin kung saan ko gusto," mariin niyang hinawakan ang strap ng bag na nakasukbit sa kanyang balikat. "Suit yourself. But you will have dinner with me," he hinted with finality. Sa inis niya'y hinawakan siya nito sa braso at niyakag papasok sa resto. "Bitiwan mo 'ko. Nakakalakad ako," her eyes rolling as she yanked her arm back. Vince took a deep breath and held the small of her back instead. Wala na siyang nagawa nang lapitan sila ng isang waiter, saka sila iginiya sa bakanteng table na pandalawahan. Ipinaghila siya nito ng upuan bago ito naupo sa tapat niya. Hindi umaayon ang cotton jeans at sneakers na suot niya sa klasikong ambience ng resto kung ikukumpara sa mga bisitang naroon na halos iluwa na ang mga dibdib sa mababang neckline ng semi dresses ng mga ito. Makeup and sweet perfumes wore expensively by women. She looked plain and conventional. Maraming beses na siyang naimbintahan sa mga glamorosong party at fine dining. Hindi lang niya naihanda ang sarili dahil basta na lang siyang dinala roon ni Vince. And speaking of the devil na kasalukuyang ibinibigay sa nakaabang na waiter ang order nito. Wala sa loob na napatingin siya sa menu board. Nakakatakam ang steak at Ceasar salad ngunit hindi niya maramdaman ang gutom. Okupado ni Vince ang buong atensyon niya. "How about you, darling?" anito matapos um-order. "Nothing," aniyang sa waiter nakatingin. Halos mag-isang linya ang kilay ni Vince sa pagkakatingin sa kanya. Tumikhim ito para kunin ang atensyon ng waiter. "Give us the finest cuisine that you have. That's it, thank you." Nang makaalis ang waiter ay saka siya matamang tinitigan ng binata. "You should at least have some water. For sure, nauuhaw ka kung hindi ka man nagugutom," sarkastikong wika nito. "Oh, yes, you're right. Nauuhaw nga ako," ganting-sagot niya at walang anu-anong inabot ang isang baso ng champagne na isinilbi bilang complimentary drink at saka iyon ininom. Despite the alcohol, she enjoyed the peach flavor in it. Nangangalahati ang laman ng kopita nang iangat niya iyon sa harap ng binata. "Cheers?" "Let's just eat and I'll send you home." "Bakit hindi natin pag-usapan ang kasal, Mr. Sevilla? Or better yet, kung paano natin mabibigyan ng apo ang Daddy mo?" Muli'y tinungga niya ang laman ng baso at nang maubos ay humingi pa siya sa nakaantabay na waiter. Bago pa maka-hindi si Vince ay napunan na ng wine ang kopita niya. "Stop this nonsense. I didn't come here for the drama, Elisabeth. And stop drinking bago ka pa malasing. I don't know exactly where the apartment is. Unless, you want me to drag you in my place and stay in my bed this whole damn night," his gaze filled with erotic nuance. His hand on her fingers at muli'y pagkapaso niya sa init na hatid ng paghawak nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ibigay ang alak niya rito. Lumipas ang ilang sandali bago tuluyang dumating ang mga pagkaing in-order ni Vince. Mas pinili niyang kumain kaysa kausapin ang lalaki. He really was a tease. Malayung-malayo ito kay Apolo na sweet at very considerate. Vince Sevilla was arrogant and oozed with too much confidence, as though the world owes him. "So, have you changed your mind?" si Vince kasabay ang pagsimsim sa wine nito. Lumunok si Issa bago uminom ng tubig. Ngayon kumalma na siya'y parang gusto niyang pagsisihan ang sinabi. "Maaatim mong ipakulong ang papa ko sa kalagayan niya ngayon?" tanong din niya. "He's a stroke patient now, Mr. Sevilla. Makatarungan bang i-bartolina sa kulungan ang isang taong maysakit?" Sandaling huminto sa pagkain ang lalaki. "Sinong maysabi na ang papa mo ang siyang makukulong?" Issa gawked at him. Hindi niya gusto ang nais ipakahulugan ng tingin nito. Nang wala siyang maapuhap sabihin ay nagpatuloy ito. "Si Giselle Galvez man ay sabit sa pagkakautang ng tatay mo. Pumirma sila sa kasulatan na kung sino sa kanila ang may kakayahang maparusahan ang siyang ikukulong—" "You are a beast!" she hissed as she gripped the knife firmly. Natuon doon ang mata ni Vince. Nagbababala ang tinging ipinukol nito sa kanya pagkatapos. "Am I?" "Bakit hindi na lang ako ang ipakulong mo? Palayain mo ang mga magulang ko, Vince!" Hustong nabitiwan niya ang table knife at muling humulagpos ang mga luha. "I can't afford to lose any of them. Pamilya ko sila at hindi kung sino lang." "Issa..." "Si Lolo, ang mama't papa ko. Mahalaga sila, Vince." Nag-igtingan ang bagang ng binata. If only he could wrap his arm around her sa mga sandaling iyon din. Pero tiyak na ikagugulat iyon ng dalaga, kung hindi ma'y itulak si Vince palayo. Impit ang hikbi na tumayo ang dalaga. "I wanna go home." Si Vince man ay ganoon at kasamang lumabas ng resto matapos magbayad. Sa loob ng sasakyan ay hindi sila nag-imikan ng binata. Tumigil siya sa pag-iyak at inabala ang sarili sa pagtanaw sa labas. Nang sa wakas ay marating nila ang tinutuluyang apartment ng pamilya ay agad siyang bumaba ng sasakyan. "Salamat sa paghatid," pag-iwas niya ng tingin sa binata na noo'y nasa harapan niya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at saka sinabi, "Kung ikakasal tayo, gusto ko 'yung simple lang. A civil wedding would do," aniya sa nabuong desisyon. Hindi halos makilala ni Issa ang sariling tinig. It was cold and forlorn... desolated. Nagulat man sa biglaan niyang desisyon ay banayad na humawak sa baba niya ang lalaki at saka iniangat ang kanyang mukha. "But you deserve better. We can have a church wedding sa kahit saang simbahan..." Gahibla ang layo ng labi ng binata sa labi niya. At bago pa niya mailayo ang sarili ay siyang paghinto ng isang motorsiklo sa tapat ng kotse. She distanced herself from Vince; her spine froze like ice. Si Apolo na bumaba ng motorsiklo nito ay kababakasan ng matinding galit. "Ano ang ibig sabihin nito, Issa?" "P-pol—" Hindi na niya nagawang magsalita nang walang sabi-sabing sinugod ni Apolo si Vince at saka inundayan ng suntok ang huli. Napasadsad ang lalaking Sevilla sa lupa na muli sanang susugurin ng nobyo. "Pol, tama na, ano ba!" aniyang dinaluhan si Vince na noo'y hawak ang nagdurugong labi. "Napakabilis mo 'kong palitan, Issa," kuyom pa rin ang kamaong wika ni Apolo. Tumayo siya't mahigpit na niyakap ang kasintahan. "Let me explain, Pol. Mali ka ng iniisip." Sa likuran niya ay ang pagbangon ni Vince. Pinahid ang dugo sa gilid ng bibig, saka walang gatol na sumagot. "We're getting married, iyon ang totoo." Mariing naipikit ng dalaga ang mata sa pangunguna ng binata. Dama niya ang panginginig ni Apolo at ang sakit na idinudulot dito ng sinabi ni Vince. Sa pabulong na salita ay halos madurog ang puso ni Issa. A moment of truth, 'ika nga. At oras na para pumili. "I-I'm sorry..." aniya sa nobyo. Muli'y paghapdi ng mga mata.Maiging pinagmasdan ni Issa ang nahihimbing na asawa. Vince was a demigod with prolific dark lashes and jetblack brows, mga katangiang minana nito sa griyegong ina na batid niyang namatay sa komplikasyon sa panganganak. She smiled as she stared down at his muted lips—luscious and firm at the same time, like a mix of sweet and spice in her craving mouth. Tumingala siya at hinagkan ang mga iyon.It was supposed to be light and quick. Pero sa gulat niya'y mabilis na pumulupot sa katawan niya ang mga braso ni Vince at mariin siyang siniil ng halik sa labi. "Good morning, wife..." anas nito kapagkuwan."G-good morning. Kanina ka pa ba gising?" she stuttered in sheepishness.His mouth twisted in mirth with hands all over her. Lalo siyang pinamulahan nang gumala ang palad nito sa kanyang pang-upo at kahubdan, pagkuwa'y sa kanyang dibdib. "Kung gaano katagal mo akong tinititigan at pinagnanasaan," wika nito sa bahagyang pagpisil sa kanyang tagiliran."Excuse me, hindi kita pinagnanasaan. A-an
Mula sa study table sa mismong silid ay ang mga magkakapatong na libro, papel at ballpen, at laptop. Mga gamit iyon ni Issa sa pagre-review para sa gaganaping board exam sa susunod na taon. Tutal ay wala ring balak si Vince na kausapin siya sa buong-magdamag ay inabala na lang niya ang sarili sa pag-aaral. Alas otso ng gabi, mag-iisang oras mula nang magkaayaan si Vince at Lucy maligo sa pool.Hati ang atensyon niya sa inaaral at sa manaka-nakang tawanan ng magkaibigan. Hindi niya nais bigyan ng kahulugan o malisya ang pagligong iyon ng dalawa, ngunit hindi rin gustong bale-walain ang tila pag-e-enjoy ni Vince kasama si Lucy.Inis na tinanggal ni Issa ang salamin sa mata na sa tuwina'y isinusuot niya kapag nagbabasa. Tinungo niya ang balkonahe na karugtong ng silid nilang mag-asawa kung saan matatanaw ang swimming pool sa likod ng mansion. Simangot na pinagmasdan niya ang pag-uunahan ng dalawa sa paglangoy at si Lucy sa suot nitong two-piece swimsuit. Namumuwalan ang dibdib nito sa d
Paparating ang kotseng sinasakyan ni Issa. Minamaneho iyon ng driver ni Vince gamit ang isang pulang BMW. Kagagaling lamang niya mula sa bahay ng mga magulang but when Vince told her na aagahan nito ang pag-uwi ay ganoon na lang din ang pananabik niyang makabalik agad.She wanted to scold herself for feeling that way—for thinking about him all day long. Ngunit habang sinisikil ang damdamin ay tila mas lalo iyong kumakawala. Isinandal ni Issa ang ulo sa bintana ng sasakyan ngunit kaagad ding napaangat. Kasabay niyon ay ang pagtigil ng sasakyan sa mataas na gate ng villa.Sa 'di kalayuan ay ang nakahintong motorsiklo at si Apolo, at ang mga naaaligagang katulong sa loob ng villa. Halos magiba ang tarangkahan sa malakas na pagyugyog ng lalaki roon habang pauli-ulit na tinatawag ang kanyang pangalan."Issa, lumabas ka! Mag-usap tayo! Issa!"Tigalgal na napatitig ang dalaga rito. Mahihimigan ang desperasyon sa nagmamakaawang tinig ni Apolo. His eyes were tired and heavy. Pagkahabag ang hum
Sa isang top-line club sa Manila. Lucy took a sip of her margarita and a puff of her cigarette. Mariing idinutdot sa ashtray ang hindi pa nauupos na sigarilyo at saka tinitigan ang screen ng kanyang cellphone. Not a single message from Vince. She was asking him for a hang out na malimit na lamang nitong tanggihan nang ikasal kay Issa. Buong pagkainis na ibinagsak niya ang cellphone sa table na agad ikinataas ng kilay ng dalawa niyang kasama. "May dalaw ka yata, senyora," ang baklang si Raf sa dalaga. "I can't believe it," wala sa loob na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. "Vince's totally ignoring me," she sighed. Sandaling napatda ang baklang kaibigan kay Lucy, sabay tutop sa dibdib. "Demanding na girlfriend lang ang peg... Girl, may asawa na 'yung tao. Cheer up! If I were you, hahanap na lang ako ng ibang fafa na pag-aalayan ko ng oras at landi, 'no!" wika nitong kanina pa hinahagod ng malisyosong tingin ang mga naglipanang male hunk sa loob ng bar. "Oo nga naman. Vince is
"Hello, everybody!" si Lucio, ang ama ni Vince. Casual sa suot na sports shirt at cargo shorts at kararating lamang. Nasa dining sila at nag-uumpisa na sa pagkain.They all stood up. Magaang yumakap si Vince sa daddy nito at sila ni Lucy sa pagbeso rito."Hey, dad, where have you been?" anang asawa bago naupo sa tabi niya sa mesa."Nagkaayaan ang mga ninong mo mag-golfing. Kahapon pa ako umalis at sa hotel muna tumuloy," ngiting wika ng matandang lalaki at saka naupo sa silya sa dulo ng mesa. Amused na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Lucy. "I'm so glad to see the both of you, ladies. Maswerte si Vince na may maalagang best friend at napakagandang asawa," anitong dinampot ang kutsara at tinidor."Nagpapalakas lang 'yang si Lucy. Magpa-pasko na raw kaya i-ready mo na ang aginaldo, Dad," pang-aalaska ni Vince sa dalaga."Oh, shut up, Vince! Palibhasa'y kuripot ka," irap ni Lucy.Iiling-iling at tatawa-tawang nagsalin ng pagkain sa plato nito si Lucio. "Kung bakit ay hind
Natapos ang isang linggong bakasyon ng mag-asawa sa El Nido, at sa buong byahe'y nanatili si Vince sa tabi ng dalaga. Mula sa eroplano hanggang sa lumapag sila sa Maynila. Vince held her hand habang pumapasok sila sa loob ng bahay."Kailan ang balik mo sa office?" untag niya at saglit na tumigil sa sala."Why? Do you miss me already?" si Vince sa banayad na paghila sa beywang niya.Nagpatangay lamang siya rito at kunwa'y inirapan ito. "You are so full of yourself. I just want to visit my parents habang wala ka rito sa bahay.""Anytime, darling. Kung gusto mo'y maaga akong uuwi para masamahan kita. Or how about we stay at your parents' house for a week, para hindi ka matagtag sa byahe kakaparoo't parito sa inyo at dito sa villa. We wouldn't know if..." Bumaba ang tingin ni Vince sabay haplos sa impis niyang tiyan.Hindi naikubli ang pamumula ng kanyang mukha. Sa loob ng isang linggong pagtatalik nila ng binata'y hindi malabong makabuo sila nito. He's never coy about that. He had the in