=Aria Maeve’s Point Of View=
He looked away. “Never mind.”
Umawang lalo ang labi ko at hindi nakasagot. Habang nasa sasakyan ay sakto lamang ang bilis ng kanyang pagmamaneho. Hindi ganoon kabilis at hindi rin ganoon kabagal.
Isang kamay lamang ang nasa manibela at nasa kandungan niya ang isa. His back is relaxed and his eyes were on the road.
Panay ang sulyap ko sa kanya.
Hanggang sa huminga siya ng malalim. “Know that I can see you on my peripheral view, Aria.” Pagpansin niya kaya pasimple akong umiwas tingin.
“You’re so quiet, I’m not used to it.”
“I am always quiet. Ngayon ka pa nanibago?” sarkastikong aniya niya at tinaasan ako ng kilay. Lumabi ako at hindi ginawang umimik.
Pagkarating sa bahay ay binuhat niya rin ‘yon ngunit halos matigilan ako nang matanaw ko si mommy at daddy na nag-aaway.
“Palagi kang wala sa bahay, Veyn! Tapos ngayong uuwi ka sasabihin mo na namang aalis ka sa susunod na linggo? Unamin ka nga sa akin! May babae ka ba sa ibang bansa ha?!” siga