NANG ILANG ARAW pa ang lumipas at nanatiling tahimik pa rin si Giovanni sa isyu at hindi naglabas ng statement ay hindi na iyon tuluyang nagustuhan ni Briel. Asar na asar na siya sa Gobernador. Sa halip na kulitin pa niya itong muli na gawin ang gusto niya ay naisip niya na lang na kagaya pa rin ito ng dati na walang pakialam sa kanilang mag-ina ni Brian. Ni hindi nga nito kayang suplahin ang mga pinagsasabi ni Margie upang linisin din ang kanyang pangalan. Bagay na mas lalong nagpainit pa lalo ng ulo ni Briel. Habang hindi niya ito sinisita at pinag-uukulan ng pansin, lalo nitong pinipiling manahimik lang doon.
“Briel, sigurado ka na ba diyan sa plano mo? Huwag kang pabigla-bigla. Mahirap magpadalus-dalos. Ilang beses mo na ba iyang napag-isipan? Ngayon lang?”
“Kuya Gav, ilang araw na ang ibinigay ko sa kanya pero ni wala man lang siyang ginagawa. Paralisado ba siya? Naputulan ng dila? Wala man lang siyang statement na inilabas. Pinili niyang manahimik. Bakit siya nananahimik kung h