Isang araw bago umalis ang magaling kong kakambal ay dinala sinundo niya ako para daw ayusin ang itsura ko. As planned I will be pretending to be her for six months at kailangan magkamukha kami ng husto para walang maghinala. Ayon kasi sa kanya kahit sina papa at ang step mom namin ay hindi alam ang plano niyang ito, ayoko man silang makita kasi hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko pa rin sila mapapatawad kaya lang wala naman akong pagpipilian kailangan mapaoperahan na namin agad si mama kaya ko ginagawa ang bagay na ito. Kaya kahit na mahirap at ayoko ay pikit mata ko na lang itong gawin para sa kanila.
“Vera make look exactly like me” utos niya sa isang beki pagpasok pa lang namin dito sa salon pagkatapos niya akong sunduin sa bahay. “Ay miss Drea need pa? Eh kamukhang kamukha mo siya ah sino ba itez?”
“My twin that's why I want you to make her look exactly like me as in exactly yung parang walang pagkakaiba at magkamukha kami na parang isang tao lamang”
Nakasimangot ako sa sinabi niyang iyon kasi naman magkamukha naman kami eh sa buhok at height lang nagkatalo. Curly kasi ang buhok ko samantalang ang sa kanya ay straight at bagsak mas mahaba rin ang buhok kaisa sa kanya kaya naman wala akong choice kundi magpagupit ng hanggang balikat. At mas matangkad din ako ng konti sa kaisa sa kanya nakasuot lang siya ng high heels kaya pantay kami.
Magmula kasi ng naghiwalay sina mama at papa ay si mama na ang nagtaguyod sa amin nakababata naming kapatid na si Anisha samantalang ang bruhang kakambal ko ay kay papa napunta kaya sa loob ng walong taon ay wala kaming naging communication.
Tapos ngayon bigla na lang siyang nagpakita dito na akala mo ay walang nangyari at ito pa ang naging bungad niya. Pilit daw kasi siyang ipinakakasal nina papa sa anak ng isa sa mga business partners ng mga ito ayos lang daw naman sa kanya ang lahat kaso may sakit din siya at kailangan niyang magpagamot sa ibang bansa.
Alam kong matagal na siyang may sakit kaya nga hindi na pinilit ni mama noon na makuha ang custody niya noong naghiwalay sila ni papa kasi alam niyang hindi niya kayang ipagamot si Andrea. Hence that became the root of my sister's anger towards our mother. Kaya nga mukhang galit na galit talaga s'ya at parang hindi na niya itinuturing na ina si mama.
The stylists and makeup artist really worked hard para ma-achieve ang gusto ni Andrea na itsura ko. I even had to wear contact lenses para sa mga mata ko. Pinag-shopping niya rin ako para naman daw hindi ako mag mukhang kawawa roon.
“There are only few key points for you to remember, una wag mong tatawaging tita si Mommy Celeste call her mom or mommy, ayos lang na magsuplada ka pero wag kang tat*ng* t*nga ikaw din ang mapapahamak kapag ganoon and lastly umiwas ka sa mga kaibigan ko mahahalata ka nila agad at kapag hindi mo na alam ang gagawin umiwas o umalis ka na lang and tell them ‘I am not available’ para lubayan ka nila wag kang mag-alala tatawag naman ako para kamustahin ka eh”
May accent pa iyong I am not available eh ang arte niya talaga psh. Pero ako tatawaging mommy ang Celeste na iyon? Gosh in-i-imagine ko pa lang parang nasusuka na ako sa lahat kasi ng tao siya ang pinaka kinasusuklaman ko eh.
“At isa pa pala don't you dare fall in love with my husband tandaan mo Audrey nagpapanggap ka lang wag kang abusado”
“Hmm. Anong akala mo sa akin marupok? Hindi mo ako kailangan alalahanin kasi kahit sa panaginip hindi ko nanaiisin ang buhay mo, ginagawa ko lang ang lahat ng ito para kay mama at wala nang iba pa”
She smiled deviously. “I am just reminding you, nga pala eto na ang 10 million mo ibibigay ko ang kabuuan 'pagbalik ko kaya galingan mo because I might give you some bonus if you did your job right”
Nakagat ko ang aking labi ng kunin ang card sa kanya. ‘Para kay mama kaya mo ito Audrey’
“Your Job starts tomorrow I've already sent you the email of every important gatherings that you need to attend nariyan na rin ang key card ng condo unit at susi ng kotse ko marunong ka namang mag-drive di ba?”
I just nod as an answer at mula doon ay naghiwalay na kami. Pagkatapos namin ay diretso na ako sa ospital para ipa-schedule ang operation ni mama. May tumor kasi si mama na malapit sa ulo at cancerous daw iyon kapag hindi matanggal agad ay maaring ikamatay ng pasyente at 3M ang initial na kabayaran sa unang operation hindi pa kasama doon ang iba pang gamutan kaya kung iniisip ninyong parang sinasamantala ko paghingi ng pabor ni Andrea at oo ang isasagot malaking pabor ang ginagawa ko para sa kanya kaya masisi niyo ba ako?
Sa gagawin ko kasi maraming posibleng mangyari kaya kailangan kong isipin ang magiging kalagayan ng nanay at kapatid na umaasa sa akin bago ang sarili ko bahala kung ano ang mangyayari sa akin basta ang mahalaga mailigtas ko si mama.
“Ate gaano katagal ka bang aalis at ang dami mong bilin? Isa pa ano ba kasi ang trabaho na nakuha at pati itsura mo kailangan mo pang baguhin mas lalo mo tuloy naging kamukha si alam-mo-na-kung-sino”
I frowned upon that joke of my sister. Kung alam lang niya kung ano talaga ang gagawin ko natitoyak akong di s'ya papayag. “Six months lang naman akong mawawala kaya ikaw na muna ang bahala kay mama at sa bahay natin ah ipapadala ko na lang sa'yo ang pambayad doon umayos ka at mag-aral ng mabuti habang wala ako nagkakaintindihan ba tayo?”
“Opo, pero anong sasabihin ko kapag nagising na si mama? Sigurado akong hahanapin ka niya”
Oo nga pala kailangan ko pa ng magandang rason kay mama. “Ako na ang bahala doon i-text or tawagan mo na lang ako kapag nagising na siya ako na lang nagpapaliwanag”
“Okay ako na ang bahala”
Malungkot na ani ni Nisha samantalang ako naman ay naghanda na ng mga gamit ko at nilagay sa suitcase na binili rin Andrea kanina dalawang identical suitcase ang binili niya para sa dahilan alam na ng lahat. Bigla ko tuloy naalala iyong dati na binibilhan din kami ni mama ng mga gamit na para sa mga kambal. Kung hindi lang nangyari ang araw na iyon maybe we didn't grew apart like this hating each other.
Kinabukasan ay maaga akong naghanda para sa pagsisimula ng twining scheme namin ni Andrea. Maaga rin aalis si Nisha ngayon dahil sa operation ni mama hindi ko siya masasamahan pero binilin ko naman sila kay ninang Lara siya na daw muma ang bahala sa kanila habang wala ako.
“Handa ka na ba?”
Andrea wearing a different get up arrives at our doorstep. Sa itsura niya ngayon para siyang celebrity na may pinagtataguan. “Of course I am, you can rest assure walang makakaalam at walang makakahalata na umalis ka”
“Good, now go to my condo and wait for Mommy Celeste's arrival with the makeup artists and more stylist ngayong araw na magaganap ang kasal and don't worry the will be a very private and civil one walang pupunta kundi family lang ng both parties, so just ask like you don't want to get married at napipilitan ka lang that way you'll survive without them noticing”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sumakay na siya ng taxi na maghahatid sa kanya sa airport. Samantalang ako naman ay sumakay na sa kotse niya papunta sa condo niya. The security guard even greeted me good morning as I arrives at pag ngiti lang sinagot ko doon umakyat ako sa 16th floor kung nasaan ang unit niya at hindi na ako nagulat sa mga nakita ko pagpasok ko pa lamang sa loob niyon dahil unang tingin ko pa lang sa kanya I've already known that she was a spoiled child bagay na hindi namin naranasan ni Nisha.
Hindi ko maiwasang mainggit pero ano ba ang magagawa ko? Kung wala talagang pakialam sa amin ni Nisha si papa? At gagamitin ko rin ang oportunidad na ito para ipaalala sa kanya hindI lang isa ang mga anak niya tatlo kami. Oo tanggap ko na na kahit na kailan hindi na ulit mabubuo ang pamilya namin pero may mga anak pa siya bukod kay Andrea, mga anak na kailangan din ng kalinga at pagmamahal niya bilang ama. Pero sa ngayon kailangan ko munang atusin ang lahat at kondisyon ang sarili ko dahil simula sa mga oras na ito hindi na at kailangan ko munang kalimutan na ako si Audrey Del Rio, sa ngayon ako muna si Andrea Rodriguez…