Search
Library
Home / Romance / The Substitute / Chapter V

Chapter V

Author: Lady Empress
2024-05-10 16:30:06

Pagkaalis ng pamilya ni Calvin ay agad niya akong sinabihan na may kailangan daw kaming pag-usapan pumayag naman ako kasi kailangan ko din naman siyang kausapin. Nagulat ako ng pagpasok ko sa kwarto ay may nakahanda siyang papel at ballpen sa sa mini living area ng Master's bedroom.

I sat in the opposite direction of him questioning what I should do with that but instead of answering directly he just gave me the pen and paper and looked at me intensely.

Grabe ang bipolar din ng lalaking ito ano kanina habang kaharap namin ang pamilya niya akalain mong ang sweet at napaka caring niya sa akin. Kaso ngayong dalawa na lang kami lumalabas ang tunay niyang ugali, at maling mali ang description sa kanya ng media at mga magazine articles. Masyado siyang pakitang tao, apaka plastic hmp. 

“So what should I do with these?” I briefly asked as I broke the silence eloping between us. “I want you to write everything about you, like full name, family background, age something like that and please don't ask too much just fill up that d*mn paper ”

Luh bakit bigla siyang naging interesado doon? Akala ko ba wala kaming pakialamanan? Tapos may paganito siya at actually form ang ibinigay niyang papel daig pa niya ang nagpapagawa ng resume. 

“What for? I thought things between us are just political and no strings attached right?” Ang gulo niya kasi kausap, just last night that's what he said now he wants this? 

“Whose it was? You agreed to move into my grandparents house so we need this, kilala ko si grandma she will pester us so kailangan kilala man lang natin ang isa't isa para kahit papaano hindi tayo nangangapa kapag nagtanong siya”

That's a reasonable point at dito kami magkakatalo ni Andy, hobbies and obsessions of me and my sister are insanely different lalo na ang personality pero dahil ako nga si Andrea I will write according to her liking. As write mine he also writes his at hindi na ako nagtataka na pati allergies at pet peeves kailangan kong  ilagay. Muntik pa nga akong magkamali sa educational background kasi muntik na isulat na nag-aral ako Huazhong University of arts sa Wuhan, China kaya nandoon ang kabuhayan at trabaho ko. Mabuti na lang at naalala kong sa isang sikat na local na university nga lang pala siya graduate kasi hindi kaya ng powers niya mas inuuna kasi niya noon ang landi at kaartehan kaya ayun dalawang taon din siyang naging repeater. Paano ko iyon nalaman well nakalagay sa email niya kaya hindi n'yo ako masisisi kung tinatawag kong siyang walang utak kasi totoo naman. 

After filling up we exchanged at pinag-aralan namin ang isinulat ng isa't isa. I looked up on him at nabasa kong nagtapos pala siya ng dalawang Master's degree sa Cambridge at with flying colors pa. Kung ikukumpara mo talaga ang kambal ko sa mga achievements ng naging asawa niya lugi si Calvin sa kanya napakatinong lalaki ng husband niya kaso ang kambal ko? Never mind, buti na lang maganda siya eh ano doon lang siya may laban. Because in my eyes she is just spoiled brat whose nothing without her money. 

‘Everything around me should be neat and clean’ pagbasa ko sa isa sa mga sinulat niya so that means perfectionist siya grabe ah. “Neat and clean huh? As in every single single time?”

“Yes everything around me including you I hate seeing mess so be aware of that”

Aba't nagbabanta ah. “Don't worry sinisigurado kong hindi ako ganung klase ng babae”

Well ako alam kong hindi ako ganun ewan ko lang sa isa doon, oh wait wag na nating pag-usapan ang isang iyon wala naman siya dito eh. At isa pa kailangan ko palang makipagkita kay Lily kaya mayaya para mapag-usapan namin ng maayos ang live stream schedule ko at bukod pa doon kailangan ko din pala mag handa ng wig at costumes hindi ako pwedeng humarap sa audience ko ng ganito ang itsura I can't let anyone know that I am pretending to be my sister. 

“Is that all?” I asked at kumukuha na rin ako ng tamang tyempo para sabihing may kailangan akong gawin mamaya at kailangan kong umalis it's so rude naman di ba kung basta na lang akong umalis eh. 

“Yes why?”

“I need to meet up my friend it's kinda important so I hope you don't mind me going out”

I waited for his violent reaction but he seems fine with that kaya nakahinga ako ng maluwag. “I won't mind, just like what I've said you can do whatever you want it's just don't tarnish your own reputation because I would never save your ass if you got in any problems with the media”

Napairap na lang ako sa kanya dahil doon. I know that our marriage is not yet publicly announced but I what should I do hindi na niya ako kailangan ulit ulitin pa I am a decent woman naman. “I know what I am doing”

“SERIOUSLY!? Audrey alam mo bang pwede mong ikapahamak yang ginagawa mo? Kung sinabi mo naman sa akin na kailangan mo pala ng tulong para sa pagpapagamot ni tita eh di sana tinulungan kita you shouldn't had a deal with a d*vil”

Litanya ni Lilianne matapos kong ikwento sa kanya ang tungkol sa naging deal namin ni Andrea at ng kasalukuyang sitwasyon ko bilang asawa ni Salazar. “I'm sorry... It was so sudden and I was in panic kaya hindi ko na naisipang tawagan ka isa pa alam ko namang may pamilya ka rin eh kailangan din nila ang kinikita mo ayoko namang pati ang pamilya ko intindihin mo Lily-jie”

[Jie or jiejie means elder sister in Chinese, here Audrey is calling Lilianne elder sister as a sign of their sisterhood and friendship]

“Eh kahit na, Audrey no matter how big  your problem is always remember that Xiao Yu and I are willing to help you, you should have think of a better option kaisa makipag-deal sa santasantita mong kakambal we both know how twisted she is ikaw ang mapapahamak sa ginagawa mo eh”

“Ehh... Jiejie nandito na ito eh wala na tayong magagawa isa pa kailangang kailangan lang talaga namin ng pera ngayon lalo na at operation na ng mama ko this coming week”

“Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kumusta ka naman doon? Does your sister's husband treats you well? Hindi ka naman niya sinasaktan o ano man di ba?”

Nag-aalala na tanong nito matapos ang sermon. Sabagay ganito naman palagi itong si Lily-jiejie sinesermonan niya ako kasi concerned siya mabuti na nga lang siya lang ang nandito kasi mas malala sa kanya si Xiao Yu-jiejie mas nakakatakot iyong mga sermon niya but both of them are my elder sisters that I always looked up to ever since. 

Una ko silang nakilala noong natanggap ko ang scholarship mula Huazhong. Sila ang una kong naging kaibigan doon, seniors ko sila university at naging boarding mate ko rin si Xiao Yu-jie. Noong mga panahong iyon kakahiwalay lang ng parents namin at ayoko sanang tanggapin ang scholarship kasi ayokong mapahiwalay kina mama dahil alam ko kung gaano kasakit ang pinagdaanan niya noon. 

But my mom pushed me to grab the opportunity minsan lang daw kasi iyon dumating at napaka swerte ko kasi sa dami ng nag-apply at nag take ng scholarship exams ako lang ang bukod tanging nakapasa sa dalawang round ng examination. At it was a very foreign place for me but thanks to Lily and Xiao Yu I overcome it all at ayun even after we graduated we are still close at mag ka trabaho pa rin kaming tatlo. 

“Jie you don't have to worry about me he's treating me well, he's a kind man and I know what I am dealing with so just support me okay?”

“Siguraduhin mo lang ah kasi hindi ako magdadalawang isip na i-reveal ang secret ninyong magkapatid kapag napahamak ka d'yan sa pinaggagawa mo”

I just hugged her as an answer. I knew I can trust her really well sa lahat ng taong kilala ko si Lily-jiejie lang talaga ang pinaka pinagkakatiwalaan ko. Mas may tiwala ako sa kanya kaisa kay Andy, totoo 'yun hindi naman kasi katiwa tiwala ang bruhang iyon eh. Kung hindi ko lang talaga siya kamukha grrr…

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP