Tinitigan siya ni Lara. Ito ang unang beses na hindi siya nakakita ng takot sa mata ng ibang tao pagkatapos niya takutin nang ganoon.
Lumapit siya at hinila ang buhok ni Daisie. “Sa tingin mo ba hindi ko gagawin yun?”
Napasinghal si Daisie sa sakit at mahinang ngumiti. “Basta tanggalin mo ang tali sa akin, sinisigurado ko sa'yo na hindi ako magagalit sa kahiy anong gagawin mo sa akin.”
Tumingin si Lara sa mga tao na nasa likod niya.
Natanggap ng lalaki ang senyas ni Lara at kinuha ang kutsilyo para putulin ang lubid.
Pero, sa oras na bumagsak ang lubid sa sahig, hinawakan ni Daisie ang pulsuhan ng lalaki at inagaw ang kutsilyo sa kamay niya.
Pagkatapos nun, tumayo siya sa sahig at lumapit kay Lara. Nilagay niya ang kutsilyo sa leeg ni Lara at sumigaw, “Lumayo kayo!”
Hindi sinubukan ng mga lalaki na lumapit.
Natigil si Lara. Ang lamig na nararamdaman niya sa leeg niya ang dahilan kung bakit siya namutla sa takot. “A-ang lakas ng loob mong atakihin ako!? Sinasabi ko sa'yo. Kapag