Hind sineryoso ni Lara ang banta ni Nollace.
“Walang binatbat ang Knowles kumpara sa Reese. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas para pagbantaan ako. At saka, bakit kumakpi ka sa kanila Ken? Gusto mo ba ako pakasalan o hindi?”
Huminga ng malalim at niluwagan ang hawak niya. Walang emosyon siyang tumingin kay Lara at tumawa. “Hindi na dapat kasal natin ang inaalala mo.”
Nagulat si Lara.
Samantala, sa loob ng sasakyan…
Nakasandal si Daisie sa bisig ni Nollace—nanginginig ang katawan niya at nagsusumigaw sa sakit.
Hinigpitan ni Nollace ang bisig niya at hinaplos ang sugat sa gilid ng mata ni Daisie. “Masakit ba? Saan ka pa niya sinaktan?”
Pilit siyang ngumiti at sumagot, “Sobrang sakit ng buong katawan ko.”
Nararamdaman niya ang sakit sa dibdib niya sa tuwing hihinga siya.
Inutusan ni Nollace si Edison na bilisan ang pag maneho at sumunod ai Edison sa inutos sa kaniya.
Mahinang nagtanong si Daisie, “Mag iiba ba ang mukha ko?”
“Hindi,” sagot ni Nollace habang mahinang