Hindi ko alam kung saan na ako nadala ng mga paa ko nang tumakbo ako mula sa hospital na pinanggalingan ko kasabay ang pagbugnos ng luha ko na punong-puno ng sakit at poot. Wala na akong pakialam kung napapanood man nila akong nagiging basang sisiw sa hitsura ko at tanging nais ko lang ay mailabas lahat lahat ng naipon kong sama ng loob sa kanya.
Nanlalabo na ang mga mata ko at hindi ko alam saan ako dadalhin ng mga paa ko. Sumisikip pa ang dibdib ko.
T-This can’t be! Kung kailan mahal na mahal ko na si Jervis saka niya kami iniwan? Kung kailan nagkaroon na kami ng anak? Kung kailan tumaas na ang pag-asa kong makita siya saka niya kami iiwan? You are so unfair, Jervis! You are! Mang-iiwan ka! Wala kang pinagkaiba sa mommy ko! You left me with your son!
Napaupo ako sa harap ng church kung saan walang tao na magmamasid sa akin. Nanghihina na ang buong katawan ko. Biglang nandilim ang paligid and I just found myself bathing in the rain. Sumabay na rin ang luha ko sa galit ng ulan sa pa