“And about din pala sa toys. Every day mo ba siyang binibilhan? Every day siyang may dala eh. At saka ‘wag mo siyang masyadong pakainin ng ice cream. Matamis at malamig ‘yon. Konti-konti lang dapat!” sermon ko, “parang hindi kita sinabihan eh ‘no? ‘pag sinipon ‘yung si Kyro ulit, lagot ka sa akin!” banta ko pa. “Alam mo naman na kagagaling lang niya sa ubo.”
Hindi siya makapaniwala nang balingan niya ako. “Hoy! Ilang beses ko pa lang nabigyan ng toys si Kyro ‘no! At saka dalawang beses ko pa lang ibinili ng ice cream ‘yon n’ong magkakasama tayo sa mall!”
“So, nagsisinungaling ang anak ko? Kakasabi niya lang na ibinili mo siya ng ice cream kanina at pati toys. Nakita ko ‘yon sa bag niya!”
Mukhang naririnig na kami nina Daddy at Rosanna dahil nakita ko sa gilid ng mata ko na lumapit sila.
“Ayos lang ba kayo?” tanong ni Daddy. Marahan akong tumango.
“Kulit naman ni Rosie eh. Sabi ko nga busy ako. Kaya nga pumasyal ako ngayon kahit pagod ako dahil gusto kong makita si Kyro!” pag-