Maghanap
Library
Home / Romance / Hindi Inaasahang Asawa / Ligaw man lang, wala!

Ligaw man lang, wala!

Author: Rose_Brand
2025-06-26 10:19:53

Nanatili si Haven na tahimik pagkaalis ni Laura, ang isip ay nasa sinabi ng babae, ‘Paano kung masaya na siya sa piling ng taong napili niya?’ Natatakot siya sa posibilidad na iyon. Hindi dahil sa pagkawala ni Ruby—hindi niya mawawala ang babae—kundi dahil sa posibilidad na ang pag-ibig ni Ruby ay hindi na para sa kanya.

Tumayo siya at naglakad papunta sa malaking salamin na nagpapakita ng syudad ng New York. Ang malaking syudad ay mukhang maliit mula sa kinatatayuan niya. Mula sa malayo, tumingin siya, umaasa na ang maliit na tuldok na nakikita niya ay ang lugar kung saan naroon si Ruby.

Halos dalawang buwan na ang nakalipas mula nang umalis si Ruby, pero para kay Haven ay parang isang libong taon na, napakahirap.

‘Ganito rin ba ang naramdaman mo noon?’ tanong niya sa sarili.

‘Ganito pala ang pakiramdam ng umiibig nang hindi alam kung nasaan ang mahal?’ tanong niya ulit. Mula nang mapagtanto ang nararamdaman niya para kay Ruby, madalas siyang nag-uusap mag-isa sa kanyang isipan.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App