Sa tulong ni Ayla nakalaya kami sa mga taong ‘to. Dahil sa takot ni 4’11 kahit may panlaban ang baril niya, nagawa na niya ibaba ang baril pero hindi pa rin inaalis ni Ayla ang patalim niya.
“Labas.” Sinunod agad ng driver ang sinabi ni 4’11.
“Buksan mo.” Hindi maayos ang pagkakasabi ko dahil sa busal.
Nang makababa kami, agad kaming nagpunta sa likod ni Ayla na nasa unahan ng sasakyan. Hindi ko maipaliwanag, sobrang angas niya!
“Baba.” Maawtoridad na utos ni Ayla.
Sumunod agad sila kay Ayla. Pinaluhod ni Ayla ang mga ito sa harap niya.
“Ako si Ayla Desire Yamamoto.” Taas-noo pakilala ni Ayla.
Nagpalitan kami ng mga tinging lima dahil sa pagtataka na ibang apilyido ang ginamit niya.
“Pamangkin ni Madeline Dawson.” Dagdag pa niya.
Nan’laki ang mata nila nang marinig kay Ayla. Anong ba talagang may’ron kay Ayla? Kung hindi makapaniwala, pagkagulat naman.
Matunog na napangisi at napailing si Ayla. “Matagal nang nahanap ang lungga niyo, talagang nakipagkasundo pa kayo sa may ari ng hotel