Ayla’s P.O.V
Ano ba’ng pumasok sa kokote niya at nagawa niya akong yakapin sa harap ng apat na ‘yon?!
Nakakahiya!
“Ayla!”
Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo nang marinig ko ang pagtawag niya.
‘Bakit pa ba niya ako sinusundan?!’ bulong ko sa isip.
Nanlaki ang mata ko nang makuha niya ang kamay ko at agad na hinarap sa kanya. Nakangiti na para ba’ng nagtagumpay siyang mahuli ako. Ngunit mas ikinagulat ko nang hatakin niya ako papalapit sa kanya.
“Na-miss kita.”
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Naiilang ako sa mga tingin niyang hindi ‘man lang maalis kahit na isang beses sa ‘kin. Gusto ko’ng sampalin ang sarili ko, dahil paniguradong nagmumuka akong ewan na hindi alam ang gagawin. Sinubukan ko’ng kumalas sa pagkakayakap niya ngunit hindi naman ako nagtagumpay.
“Sabi ko na-miss kita.”
Kailangan ko ng hangin! Hindi ako makahinga ng ayos sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
“Dalawang linggo mo na ko’ng iniiwasan, ‘ni lingunin ‘man lang hindi mo nagawa.”
Tss, para naman sa kanya ang g