WADE'S POV:
Isang umaga ay nadatnan ko si Rosenda na hinahalo ang hot chocolate niya na nilagyan niya ng napakaraming whip cream. Kumunot noo lang ako at hindi na siya pinansin ngunit napansin kong masama pa rin ang loob niya sa nangyari noong nakaraang gabi. Pinilit ko kasing kunin sa kanya ang sing-sing hanggang sa umiyak siya ngunit ayaw talaga maalis dahil sukat na sukat iyon sa daliri niya.
Actually, that engagement ring is for my long time girlfriend named Halle pero mukhang ayaw pa akong ipakasal ni tadhana dahil sa mga nangyayari ngayon.
Maybe it's not the right time to tie the knot. Pinagmasdan ko pa si Rosenda na ngayon ay tahimik na kumakain, tinatanggal niya na naman yung gilid ng loaf bread, yung sa part na maitim tss. Ang arte talaga.
"Rosenda? Wade?! Nandito na ako!" nagulat kami pareho sa nagsalita at iniluwa ng pinto si Kuya.
Kaagad na napatayo si Rosenda at tumakbo palapit kay kuya, sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.
"Daddy, you're home!" saad ni Rosenda