WADE'S POV:
Habang nagtitimpla ako ng kape isang umaga ay nakikinig ako ng balita sa TV.
(Showbiz Chika: Sexy Starlet na si Karen, nagbabalik Pinas ngayon matapos ang kanyang movie sa States na Behaving Badly With You. Inulan ng napakaraming komento ang kanyang movie dahil sa sobrang intense na mga bed scenes at very professional na acting skills)
Ah, nakauwi na pala ulit si Karen. Wait– what?! Karen is here?! oh! I need to see her. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi sa isiping iyon.
"Uncle, sa akin na tong sing-sing ah, hindi ko na ibabalik," saad ni Rosenda na kakagising lang at naglagay ng loaf bread sa oven.
"Hoy, anong sayo? ang kapal ng mukha mo, ibalik mo iyan!" paangil na saad ko sa kanya.
"Anong ibalik?! pagkatapos ng ginawa mo noong isang gabi sa Bar ko?! Alam mo bang ang daming nabasag na shot glass, at nasirang upuan at lamesa dahil nagkagulo doon sa Bar dahil sa kagagawan mo at ng babae mo?! Galit na galit sa akin si bruhildang Acee! Uncle naman, Hindi lang ako ang