"Boogsh"
Parang bombang sumabog ang malakas na paghampas ng pinto, na tumilapon sa dingding. Ang tunog ay nagpagulat nga mga taong nasa loob ng bawat kwarto.
"Uuuhh!"
"Itaas ang mga kamay!" sigaw ng isang leader na mga taohan ni Don Rafael.
"Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa amin?" nanlaki ang mga mata ng isang matandang lalaki na hubo't hubad pa, kasama ang kanyang babae sa kama.
"Sino ang kasama ninyo dito? sagot!"
"Wala ho! wala kami lang ang mag kasama dito simula kagabi, galing pa kami ng probinsiya. Ano ho ba nagawa namin bakit kayo nandito?" pag aalalang tanong ng matandang lalaki. Nagulat ito at nanginginig sa takot dahil naka-armado ang mga lalaki na biglang pumasok sa kinaroroonan nila.
"Tingnan ninyo ang bawat sulok, baka nagtatago lamang siya!" sunod na utos ng leader nila.
"Pasensya na.. may hinahanap lang sila.." isang babae na may kaedaran ang nagsalita ng mahinahon sa isang magka-pares na nasa kama. Ito ay ang tunay na may-ari nang nasabing hotel.