Se connecterSi Andrea Rosario, ang dalagang walang maalala sa kanyang nakaraan, ay tila binabangungot habang nakatira sa marangyang hotel ni Rafael Buenavista. Ang kanyang pag-iral ay hindi isang fairy tale dahil sulit ang gastos ni Rafael sa kanya bilang isang mistress. Habang nahuhulog ang loob ni Andrea sa lalaking ito, ay saka niya napagtanto na isa lang siyang laruan na anumang oras ay itatapon. Sino ngayon ang kanyang magiging "bayani" para tulungan siyang makatakas sa malupit at babaero na si Rafael Buenavista.
Voir plus“Bakit ka bumalik?”
Mabigat ang boses ni Andrea, halos hindi maibuka ang bibig dahil sa takot na baka sa pagbuka pa lang nito ay bumuhos na ang lahat ng sakit na matagal na niyang kinikimkim. Nakaharap sa kanya si Jobert, nakatayo sa gitna ng restaurant na parang lumiliit ang mundo sa pagitan nila. “Kasi… gusto kita.” Mahina ang boses nito pero diretso. Parang bala na walang ingay pero tumagos sa puso niya. Hindi siya kumibo. Hindi siya huminga. Hindi siya kumurap. “Ano pa bang gusto mo sa’kin?” sinabi ni Andrea na halos pabulong, pero puno ng poot at pagod. Naglakad si Jobert palapit sa kanya, sa tabi ng mesa na parang iyon lang ang bumubuhat sa kanya. Sa hindi inaasahan, bigla siyang lumuhod sa harap nito. “Gusto kitang makita. Mahawakan. Makasama.” May halong init, may halong pagnanasa, pero higit sa lahat, may desperasyon. Napahigpit ang hawak ni Andrea sa kanyang bag. “Bakit ako? Kung ang dami mo namang ibang babae?” Itinaas ni Jobert ang kanyang mukha, na pinipigilan kanyang luha. “Kasi ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang pinipili ko… araw-araw. Pwede ka na bang maging akin ulit?” Umalingawngaw ang isang mapait na tawa mula sa dibdib ni Andrea... mahina pero puno ng galit. “Kung ganun… bakit mo ako niloko?” At doon, tuluyang bumalik ang alaala; Maliwanag... masakit, at mas detalyado pa sa totoong nangyari. Yung gabing nakita niya si Jobert… Yung paghatid nito sa babae sa may kanto… Yung halik sa pisngi… Yung sa bawat pagtawa nila ay napakagaan… na parang walang taong nakakita at nasasaktan. Yung mga matang kumikislap sa tuwa. Tuwa na hindi niya kailanman nakita sa mga mata ni Jobert kahit ilang taon silang magkasama. Tuwa na ang dulo't ay sakit at pagdurusa sa isang puso'ng totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya. Parang tinuhog ang puso niya ng barbed wire. Sobrang sakit, at dumurugo na.. pero sa lalaking manhid at walang paki-alam, hindi niya ito ramdam at hindi niya ito nakikita. At ngayon nagpaliwanag si Jobert, na parang biktima at nakakaawa ang itsura. Kasabay nito, may mga nakikialam, komento at mga intriga na maririnig sa paligid nila. Komento Uno: "Ano ba yan.. kawawa naman ang lalaki, pinapahiya niya.." Komento Dos: "Oo nga.. bat di pa pagbigyan. Akala mo naman kagandahan siya!" Komento Tres: "Kanina pa yan nakaluhod, ba't di nalang niya prangkahin, kung ayaw na, e di wag! napakaraming babae diyan, bakit pa siya magtitiis diyan?!" Sa lugar kung saan maraming chismosa. Madalas nakikita nila kung anong tama sa mali. Dahil kung ano ang nakikita ng mata, ay diyan sila magaling humusga. “Hindi kita niloko! Siya… siya yung ayaw magpa-let go. Sinabi ko na matagal na kaming tapos!” paliwanag ng lalaki na basag ang boses . Napapikit si Andrea, na halos mapa-iyak na. “Paano ko malalaman na totoo ‘yan?” “Anong gusto mong gawin ko?” Kagat-labi na sinabi ni Jobert, at nanginginig. “Lumuhod ako? eto... ginagawa ko na... Ganito ba?” Hindi sumagot si Andrea. Pinanood lang siya ito. Lumipas pa ang ilang sigundo. Huminga si Jobert nang malalim, walang paki alam sa mga nakakakita sa kanilang dalawa ngayon, kahit pa nanginginig na ang tuhod. Sa harap ng maraming tao, nananatili siyang nakaluhod. Na lahat ng mga kumakain sa loob ng restaurant, ang attensyon ay nasa sa kanila na. Namilog ang mata ng mga customer. Nagsilayo ang mga waiter, parang may eksenang hindi dapat makita. “Andrea… patawarin mo na ako…” Boses niya’y pinunit ang tahimik na hangin. Pero hindi nayanig si Andrea. “Tinry mo ibang putahe… tapos ngayon babalik ka kasi alam mong mas masarap ito? Ganoon ba?” Napalunok si Jobert, namumula na sa hiya. "Hindi gano’n... oo, natukso ako... pero Andrea, mahal kita!” “Pero hindi ako pagkain Jobert. Hindi mo ako pwedeng tikman lang kapag nagugutom ka.” At dito na tuluyang napaiyak si Andrea. Hindi siya dapat umiiyak o ma stress, lalo na’t limang buwan na siyang nagdadala ng bata sa sinapupunan… pero hindi na niya kinaya. “Ano bang gusto mong gawin ko?” pabulong ni Jobert, nanginginig ang kamay sa pagkakahawak sa pantalon niya habang nakaluhod. “Sabihin mo lang… gagawin ko. Para lang mapatawad mo ako.” “Wala.” Isang sagot ng umiiyak, pero diretso ang tingin ni Andrea sa kabila, malayo sa mga malamig niyang tingin. “Wala kang pwedeng gawin. Tapos na tayo. Winasak mo na ang puso ko." Hindi siya makahinga sa sakit. Parang pinipiga ang puso niya mula sa loob. “At kung pwede lang… hayaan mo na akong mag isa.. maging malaya..." At saka dumagdag siya ng mga salitang mas mabigat pa sa kanyang tunay na saloobin. “May hihilingin lang ako sayo… mahalin mo siya. Yung babae mo. Alagaan mo siya… gaya ng pag-aalaga ko sayo.” Sumilay ang katahimikan. Napayuko ang lahat ng nakatingin. Na parang tumigil ang oras at naglaho ang mundo. Ang natitira lang, ay siya. Ang sakit... Sapagkat ito na ang huling sandaling pagbitaw. Tumayo si Andrea, hindi na inintindi ang malamig na pagkain, ang natunaw na ice cream, at ang kapeng hindi man lang naubos. Lumabas siya ng restaurant… hindi na lumilingon. “Andrea! Andeng!” Sigaw ni Jobert, na nagmamakaawa ang boses niya. Humabol si Jobert palabas, pero mabilis si Andrea kung maglakad. Kahit pregnant, kahit nanghihina, kahit umiiyak... Tumakbo si Andrea... Ayaw niyang marinig ang boses niya... Ayaw na niyang makita ang mukha niya. At higit sa lahat, ayaw na niyang maramdaman ang presensya niya. Sa gitna ng maingay na kalsada, at maraming taong naglalakad sa gilid nito. Nakakasabay si Andrea. Nang umabot na siya sa tabi ng stop light. Tumatawid siya, na hindi man lang tiningnan ang stoplight. Basa ng luha ang mata. Kumakabog ang dibdib. Naguguluhan ang utak. At doon nangyari. Isang mamahaling kotse ang lumiko mula sa kanto, mabilis, hindi inasahan ang pedestrian lane. “ANDREA!” isang sigaw ni Jobert. Isang saglit, at isang malakas na pag-preno. BLAG!!! Tumilapon si Andrea. Dumiretso sa metal trash bin sa gilid. Yumuko ang ulo niya na pabagsak, at duguan. Sa tiyan niya, bumalot ang maraming dugo… dumaloy ng sobrang dami mula sa kanyang tagiliran. Hindi iyon simpleng sugat. Walang amniotic fluid na sumabog... puro dugo. Makapal, at madilim. Nagtakbuhan ang mga tao para tingnan at kung paano makakatulong.. May sumigaw: “BUNTIS SIYA! MY GOD, BUNTIS SIYA!” Nanginginig ang driver, halos maiyak habang tumatawag sa ambulance. "May nasagasaan ako...hurry! Please... she’s bleeding, oh Panginoon ko... buntis siya." Nagkagulo na ang lahat. Si Jobert? Hindi makagalaw. Putlang-putla. Sobrang putla, parang wala nang dugo sa katawan. Hindi niya alam kung tatakbo siya lalapit o tatakas. Pero mas nangibabaw ang takot. Natulala lang siya. Nakatitig sa dugo. Sa babaeng minahal niya. Sa batang hindi na niya masisilayan at ma alagaan. Parang naging invisible ang hangin sa paligid. At sa gitna ng pag-angat ng stretcher… Sa gitna ng mga sigawan, ng umiiyak na driver, ng police na nagpo-posas… Tumalikod si Jobert. At... Tumakbo. Tumakbo palayo. Parang duwag, at parang walang puso. Na parang wala siyang ginawang kasalanan. Iniwan niya si Andrea… Iniwan niya ang anak nila… At iniwan niya ang sarili niyang konsensya na unti-unting bubulok habang tumatakbo siya papalayo sa eksenang siya mismo ang nagtulak na mangyari.Nagmamadaling lumakad si Jobert papunta sa paligid ng bahay, unang inikot ang likod-bahay, saka ang bakuran kung saan madalas tumambay si Andrea sa umaga. Tiningnan niya ang bawat sulok, sa ilalim ng puno ng niyog, sa gilid ng lumang poso, maging sa lumang duyan na gawa sa lubid, wala. Tinawag niya pangalan nito nang ilang ulit. "Andrea!" Walang tugon. Tanging hampas lang ng alon at lagaslas ng hangin. Sunod niyang pinuntahan ang daan papuntang tabing-dagat. Sumiksik ang kaba sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang bakas ng mga paa sa buhangin, pero hindi siya sigurado kung kay Andrea ang mga iyon. "Andrea, nandito ka ba?" Lumakad siya hanggang marating niya ang dalampasigan. Hanggang maka apak ang mga paa niya sa buhangin na nadadaanan niya, pero patuloy pa rin siya, hindi alintana ang pagod at bigat ng katawan. Wala pa ri
Napatulala na parang tinamaan ng kidlat si Rick matapos marinig ang pangalan na binanggit ni Andrea. Jobert Bagatsing. Isa sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Don Rafael. Mapanganib. Mahirap hanapin loyal sa walang iba kundi sa sarili niya at sa pera na makukuha niya. Ang pangunahing trabaho nito ay ang pagtatago sa dilim kasama si kamatayan. Natatakot na bumulong si Rick, "Oh Shit.. Andrea... anong ginawa niya sa iyo...?" Biglang nanghina ang katawan ni Andrea. Hanggang sa lumihis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Rick. “ANDREA!” Napasigaw si Rick, marahas siyang niyugyog. "Hindi...hindi, hindi, hindi! Damn it! Gumising ka!" Pero hindi gumagalaw si Andrea. Bahagyang tumaas ang kanyang dibdib. Ang kadiliman sa buong paligid ay tila bumabalot sa kanilang dalawa. Sa labas, umuungol ang hangin. Sa loob, napuno ng gulat na hininga ni
Nanginginig ang mga braso ni Andrea habang gumagapang sa malamig na semento na sahig, ang mga daliri ay nakaunat patungo sa kahoy na upuan na parang ito na ang huling pag-asa niya. Habang unti-unting lumalabo ang kanyang paningin sa mga luha, ang kanyang tibok ng puso ay napakalakas, napakasakit, sa kanyang mga tadyang. Hinawakan niya ang isang paa ng upuan, nakikiskisan ang mga pako dito habang pilit niyang hinihila ang sarili.Nadulas ang kanyang mga tuhod, muling bumagsak ang kanyang katawan.Sumigaw siya, hindi lang dahil sa sakit, kundi sa takot... malalim, at nakalulungkot na takot.
Krik… krriiinnnkkk…”Umikot ang doorknob na may tuyong kaluskos na tunog, at marahang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang guhit ng ilaw mula sa labas, kasabay ng mahaba at nakakatakot na anino ng isang tao.Hindi ito tumawag at hindi ito nagpakilala. Para siyang akyat bahay.Pero mula sa tindig, sa lapad ng balikat, at sa kislap ng sinturon sa ilalim ng jacket nito, alam ni Andrea nalalaki ito. At higit sa lahat, hindi niya ito kilala.Gumapang si Andrea patungo sa ilalim ng mesa. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kutsilyo, na halos maputol ang sirkulasyon sa daliri. Dala ng kaba at takot, magkadikit ang kanyang labi ngayon na tahimik na bumubulong ng isang dasal. "Please… please… please… Ilayo niyo po ako sa kapahamakan"Pumasok ang lalaki sa marahan na pagkilos. Kalkulado ang bawat hakbang, para bang kabisado nito kung aling bahagi ng sahig ang hindi mag-i






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.