Chapter: HANGGANG SA MULIBiglang natahimik ang buong sala. Maging ang batang si Gabriel ay tila hindi makahinga habang nakatingin sa kanilang dalawa. Unti-unting umurong si Jobert, ngunit nananatiling matalim ang tingin kay Andrea. “Sinungaling ka…” mahinahong boses ni Jobert pero may diin. Tumulo ang luha ni Andrea ngunit hindi siya umiwas ng tingin. “Kasi kailangan kong paalisin ka, At iyon lang ang paraang alam kong makakapigil sa’yo.” mahinang sagot ni Andrea. Napakuyom ang kamao ni Jobert. “Hindi…” umiling ito. “Hindi mo pwedeng paglaruan nang ganito ang buhay ng tao!” “Hindi ko nilalaro! Ikaw ang ayaw tumanggap!” sigaw ni Andrea. Napatingin si Gabriel sa kanyang ina, litong-lito. “Ma… ano ho ba talaga?” Napapikit si Andrea. At sa wakas, sinabi rin niya ang katotohanang ilang taon niyang itinago.
Last Updated: 2026-05-31
Chapter: ANG MULING PAGPAPAKITA NI JOBERTMahimbing na sana ang gabi nina Andrea at ng sampung taong gulang niyang anak na si Gabriel. Humahampas ang malamig na hangin mula sa dagat sa manipis na dingding ng kanilang maliit na bahay sa Siargao. Tahimik ang paligid, tanging lagaslas lamang ng mga puno ng niyog at mahinang ugong ng alon ang maririnig.Katatapos lamang patayin ni Andrea ang ilaw nang biglang..KRAAASH!Napabalikwas siya sa higaan.“Ma?” takot na tawag ni Gabriel habang napakapit sa kanyang braso.“Shhh…” agad na bulong ni Andrea.Iniwan niya ang anak sa loob ng kwarto at isinara ang pinto. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang marahang lumapit sa maliit na siwang ng bintanang gawa sa bakal.Madilim sa loob ng sala kaya imposibleng makita ang kanyang anino mula sa labas.Maingat siyang sumilip. At doon niya nakita, isang matangkad na lalaki na dahan-dahang naglalakad sa loob ng kanyang bakur
Last Updated: 2026-05-29
Chapter: ANG PAGBABALIK NI DON RAFAELMakulimlim ang langit nang tuluyang bumukas ang bakal na tarangkahan ng bilangguan. Marahang lumabas si Don Rafael Buenavista, tangan ang maliit na lumang maleta na tila ba iyon na lamang ang natitirang bakas ng kanyang dating marangyang buhay. Sampung taon. Sampung taon ng pagkabilanggo, sa likod ng kahihiyan, at katahimikan sa loob ng bilanguan. Sa dating makapangyarihang negosyante at pulitikong kinatatakutan ng marami, halos walang nakakilala ngayon sa matandang lalaking nakayuko habang dahan-dahang naglalakad palabas ng kulungan. Ang dating maitim niyang buhok ay tuluyan nang pinuti ng panahon. Mahaba ang kanyang balbas, at bakas sa kanyang mukha ang mga gabing walang tulog at mga umagang puno ng pagsisisi. Huminto siya sandali sa harap ng gate. Malaya na siya. Ngunit alam niyang hindi na maibabalik ng kalayaan ang lahat ng nawala sa kanya. Ang pangalan niyang minsang ginagalang sa buong Cebu ay nag
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: ANG LIHAM NG PAG IBIGTo Andrea; Hindi ko na mababago ang nakaraan. Hindi ko mabubura ang sakit na idinulot ko sa iyo, ang takot na pinadama ko sa iyo. Pero susubukan kong bigyan ka ng kinabukasan, kinabukasang na maging malaya ka, ligtas, at makahihinga nang walang pader o kadena.Kalakip dito ang mga dokumento para sa isang bahay at lote sa isla ng Siargao. Natatandaan mo? ipinangako ko sa iyo noon na magbabakasyon tayo sa dagat.. ito ang dapat na surprise ko sayo. Sana magdala ito sa iyo ng kapayapaan, sikat ng araw, at kaligayahan. Sa iyo ito... at walang kondisyon, walang tali, walang inaasahan. Isang lugar lang kung saan mo maibangon mo muli ang buhay mo ayon sa gusto mo." - RAFAELNapakurap si Andrea matapos basahin ang mga salitang iyon. Hindi siya makapagsalita noong una. Mas malakas ang epekto sa kanya ng bigat ng mga salita kaysa bala na tumama sa kanya.Tiningnan niya si Jobert, na tumango lang, tahimik na hinihikayat siyang basahin ang mga dokumen
Last Updated: 2026-05-21
Chapter: PAGSUKOMaya-maya’y umugong ang malakas na sirena ng ambulansya sa buong paligid. Ang ilaw nitong pula at bughaw ay paulit-ulit na sumasalamin sa lupang pinalambot ng dugo ng dalawang tao, sa nanginginig na katawan ni Andrea, at sa walang malay na si Jobert.Pati na rin sa wasak na mukha ni Sheila.“Parating na sila!” sigaw ng isa sa mga tauhan ni Don Rafael habang mabilis na itinutulak palayo ang mga taong nagsimulang magtipon.Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Don Rafael.Maingat ngunit nagmamadaling kinarga niya si Andrea sa kanyang mga bisig, parang natatakot na baka tuluyan itong mawala kapag binitiwan niya kahit saglit lamang.“R-Rafael…” mahina at putol-putol ang boses ni Andrea habang napapapikit sa sakit.“Nandito lang ako,” agad niyang sagot, halos hindi maitago ang panginginig ng kanyang tinig. “Huwag kang matutulog, Andrea. Pakiusap…”Mahigpit na napakapit si Andr
Last Updated: 2026-05-18
Chapter: ISANG BALA SA PAGITAN NG PAALAM“Ikaw… na sumira sa lahat, mabubuhay ka na lang ba at basta aalis?!”Parang ang bawat salita ni Sheila ay bala ring tumatama sa dibdib ni Andrea.Napaluha si Andrea habang dahan-dahan siyang umatras.“Sheila… hindi ko ginusto ang mangyari… ”“Tumahimik ka!” muli niyang sigaw, mas basag na ngayon ang boses.Biglang humakbang si Jobert at buong katawan na hinarangan si Andrea. Matigas ang kanyang mukha habang mariing nakatitig kay Sheila.“Ibaba mo ang baril.” mahinahon niyang pagkasabi.Ngunit tila wala siyang narinig. Hindi man lang tumingin si Sheila kay Jobert. Dahil ang buong mundo niya sa sandaling iyon ay si Andrea lamang. Ang babaeng umagaw sa lalaking minahal niya. Ang babaeng dahilan kung bakit unti-unting nawala ang asawang minsang nangakong siya lamang ang iibigin habang-buhay.“At alam mo kung ano ang pinakamasakit?” nanginginig niyang bulong.Unti-unting pumatak ang luha sa kanyang pisngi. “Mas pinili ka pa r
Last Updated: 2026-05-14
OUR THING
Si Talya Cacho ay ang bata na ibinenta kay Geralt Monro, ang pinuno ng pinakamalaking Italian mafia sa Asia. Makalipas ang ilang taon, pinili ni Geralt si Talya para iregalo sa kanyang nag-iisang tagapagmana, ang kanyang nag-iisang anak na si Oliver Monro. Patuloy na pinaglilingkuran ni Talya ang kanyang malupit at malibog na pangalawang amo, si Oliver Monro, hanggang sa mahulog ang loob nito sa kanya. Ngunit may sikreto si Talya na isa talaga siyang sikretong espiya na itinalaga ni Geralt para sa kanyang anak. Dahil sa miscommunication at pagtataksil ng ilang miyembro, mananaig kaya ang tunggalian? Matatapos na ba ang palitan ng putok? Matatanggap kaya ni Oliver Monro na si Talya ang nakatanim na bala para sa pagbagsak ng mafia, paano na ang pag-ibig na nararamdaman ng dalawa?
Read
Chapter: IN EXCHANGE OF "OUR THING"Lumingon sa akin ang aking anak, pero naka kunot noo ito ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya."Mama.... ?" "Go to your room," instead na sagutin ko siya ay pina-paakyat ko na lamang sa kanyang kwarto. Sumunod naman ito na tumakbo sa hagdan."Bakit mo naman sinabi yan?" inis na tanong ko."Hahaha. sinusubukang ko lang naman tawagin niya akong papa. Gues what? Sinabi naba ni Alexa sa iyo na buntis siya?""Ee ano naman ngayon, do we have to celebrate that?" tanong ko sa kanya."Yes, kayong dalawa ni Ole ang special guest. Darating din ang ilan sa mga close friends ko sa negosyo." nakangiting sinabi ni Kuya Jayson. Naka uwi na pala siya at sa ganitong oras pa ako sinurpresa."Congratulations!" sinabi ko sa mahinanong boses."Hanggang ngayon ba ay galit ka pa din sa akin?" tanong niya at umupo sa sofa malapit sa akin."Wala namang saysay kung magagalit ako sayo. Gayong tapos na ang lahat." sagot ko sa kanya."Gaano ba talaga ka halaga sayo ang tumira sa Isla ng Siargao?""Hindi lang
Last Updated: 2025-03-24
Chapter: ANG TAMANG PAGKAKATAON"The deal is closed." sinabi ko sa dalawang negosyanteng kaharap ko."Abah.. gumagaling ka na ata sa pagnenegosyo!" sinabi ni Luciana na nagdadalang tao. Nakapangasawa siya ng isang mangingisda sa bayan ng Arayat. Limang taon matapos mamatay si Tantan. Ang akala ko noon ay silang dalawa ang magkakatuluyan, hindi pala."Kumusta naman si Candice..?" tanong ko kay Alice."Ayon, ayaw humiwalay sa afam niya. Parang pugita na parating nakapulupot.." nagtawanan kaming tatlo dahil sa pagbibiro ni Candice."Ehh ikaw Talya.. kumusta na kayong dalawa ng anak mo? Malaki na rin si Olifiano. Ayaw mo bang hanapan ng Tatay yan..?" tanong ni Luciana."Hindi na... Masaya na ako na kaming dalawa lang..""Eeh maghahanap pa rin ng tatay iyan.." bulong ni Luciana sa akin. Malapit lang kasi sa kinauupuan namin an
Last Updated: 2025-03-18
Chapter: THE LAST TALKAng lalaking ito ay masyadong mapangahas, magaspang, at mapuwersa. Siya ay 23 taong gulang at masyadong mapusok.Napahawak ako sa likod ng lalaki, senyales na nakikiusap ako na tigilan ang kasalukuyang ginagawa."Hmpp!!" unggol ko.Isang pagbulusok ang sumunod na pangyayari, na maramdaman ang hapdi na tumutusok sa aking private part. Mabilis ang pangyayari na hindi ko inaasahan. Ngunit nang mag-laon ay ginagawa na niya ito sa slow-motion na parang pagpa-plantsa lang ng damit."I want you more..." sinabi niya na itinigil ang kanyang paghalik at seryosong nakatingin sa aking mukha na naka-kunot noo.Nagpatuloy ang paglabas pasok ng dalawang daliri niya, hanggang sa ito ay parang nagugustuhan ko na rin, dahilan na nakita ng lalaki kung paano ako mag-moan.Ang naiinis na itsura ay napalitan ng pagmamakaawa. Kagat labi akong nakatingin sa lalaki na kasalukuyang gi
Last Updated: 2025-03-17
Chapter: ANG MALUPIT NA SEKRETOHinawakan ko ang kanyang baba, itinaas ko ang aking mukha para mabasa ko ang bawat nuance ng kanyang ekspresyon."For the third time, why are you here?" tanong ko sa kanya.Ngunit ang kanyang kamay ay nagtagal, hinimas ang isang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. Nakatingin siya sa akin na para bang may kailangang sasabihin."You know why." Bumuntong hininga siya at ibinaling ang pisngi sa palad ko. Hawak niya ang aking kamay na parang aso na nagpapa-amo."Nakapag-desisyon na ako. Tungkol sa sinabi mo noon. Hayaan mo sanang pag aaralan ko ang kaso mo.""Malaking kaso ang maari mong hahawakan, maraming kilalang personalidad ang madadamay, politiko at ibang mga opisyales na nagtatrabaho sa gobyerno. Kaya mo bang maparusahan sila?" tanong ko sa kanya."Gagawin ko.." sagot nito.
Last Updated: 2025-03-16
Chapter: END OF THE CONTRACTNagliwanag ang mukha niya, unang nakita ko ang mahabang balbas niya at katangusan ng ilong. Papunta sa itaas nito, ay ang kanyang mga mata, na derektang nakatingin sa akin."From the very first, I already trust you. But my son failed to analyze how to run my business. Even though, I still hope that it will be corrected by you, but I did not expected that some of my investors has a big dream too. Big Boss is one of my top investors, but he cheat on me. And even steal something from me." paliwanag niya."Don Geralt?" bangit ko. Nagulat ako sa biglang pagkikita namin ngayon
Last Updated: 2025-03-15
Chapter: KUMAWALA SA KAMAY NI BIG BOSS"Take this all" sigaw ni Bigboss sa kanyang dalawang taohan. Agad kumilos ang dalawa at nilagay ang dalawang malaking bag na itim sa tabi.Marahan akong gumapang na hawak-hawak ang taenga ko sa kanan, sira pa rin ang aking pandinig. Nag-echoe lang sa akin ang mga tunog at kalaskas sa paligid. Sumunod ay hinila ako ng isa sa mga taohan at lumabas ng basement. Paglabas ng warehouse ay agad sumalubong sa amin ang malakas na pagsampal ng hangin, bumaba ang isang helicopter sa second floor at naunang sumakay si Big Boss na paika-ika, dahil hindi niya hawak ang kanyang baston.Pinasok ng mga taohan sa loob nito ang dalawang malaking bag na naglalaman ng mga kinuha nila sa
Last Updated: 2025-03-14