Habang abala ako sa paggawa ng lesson plan para sa klase kinabukasan, tahimik lang ang paligid ng opisina. Tanging tikatik ng ballpen at mahinang pagtipa sa laptop ang maririnig. Ilang mug ng kape na rin ang naubos ko pero hindi pa rin nababawasan ang pagod na dala ng maghapong pagtuturo.
Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng activity tungkol sa postmodern literature nang biglang nag-pop ang notification ng email ko.
Sa una, hindi ko pinansin. Marami na akong spam mail galing sa faculty group, minsan pati mga forwarded jokes. Pero nang masulyapan ko ang pangalan ng sender, para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Larkin Trump.
Nanigas ang katawan ko. Napahinto ang mga daliri ko sa keyboard. Parang lahat ng ingay sa paligid ay biglang nawala.
I stared at the screen for several seconds. My chest started to tighten.
And for a moment, I considered closing the laptop and pretending I never saw it. But I couldn’t.
Pinindot ko ang inbox at tumambad sa akin ang subject line:
Subject: Fi