Good afternoon. Stay tuned for more updates 🙂
Habang nakaupo kami sa loob ng sasakyan niya, pareho kaming tahimik. Walang salita, pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa paligid namin—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa dami ng hindi pa nasasabi. Nakahawak si Killian sa manibela, pero hindi siya umaandar. Nakatitig lang siya sa dashboard, saka marahang huminga at lumingon sa akin. “I want to do this properly,” ani niya, low and firm. “Claudie, I want to court you. Officially.” Napalingon ako agad sa kaniya. Napatitig. Napalunok. “Huh?” “I want to visit your house. I want to ask your Ate Caleigh and your mom if I could court you. I want them to know that I’m serious about you.” Nanlaki ang mata ko. Agad akong napaupo ng tuwid, napapikit sa kaba. “Killian…” mahinang tawag ko. “Hindi mo pwedeng basta na lang sabihin ‘yon.” “Why not?” tanong niya agad. “I’m not ashamed of what I feel for you. I’m not afraid of your family. I can face them.” “Hindi dahil sa ayokong malaman nila,” sagot ko. “Pero kasi… alam ng pamilya ko na hind
Linggo ng hapon nang yayain ako ni Killian na mamasyal sa mall. Wala naman akong ibang plano kaya agad akong pumayag. Sa totoo lang, gusto ko ring makalabas at makalanghap ng ibang hangin—malayo sa trabaho, malayo sa chismis, at malayo sa mga pangungusga ng iba. Pagdating namin sa mall, agad niyang hinila ang kamay ko papasok sa isang high-end boutique. “Killian,” tawag ko habang sinusundan siya. “This store looks ridiculously expensive.” He smirked. “That’s the point.” “Wala akong balak gastusan ka,” dagdag ko, half-joking. “I’m not asking you to,” sagot niya habang pinipili na ang ilang blusa sa rack. “I’m buying you stuff. You barely brought anything sa bahay.” Nagpipigil ako ng ngiti habang pinapanood siyang namimili na parang alam na alam ang size ko. Sa kabila ng pagiging bossy niya, may kakaibang kilig sa tuwing naglalambing siya sa paraang ito. Ilang sandali pa, nakalibot na kami sa apat na store. May dalawa na siyang paper bags sa bawat kamay, habang ako ay may hawak n
Pagpasok namin sa loob ng banyo, marahan niya akong ibinaba. Nakatitig lang siya habang dahan-dahang inabot ang hem ng suot kong shirt—shirt niya—at inangat iyon. Tumambad sa kaniya ang hubad kong katawan. Napalunok siya. “You’re beautiful,” bulong niya, halos pabulong, habang hinahaplos ang baywang ko. “Too beautiful to be hidden from the world.” Hinawakan ko ang harapan ng tuwalya niyang nakatapis pa rin at tumingin sa kaniya. “Then maybe we should stop hiding.” Saglit siyang tumitig sa akin. Parang may lalim ang tingin niya—parang may ibig sabihin ang bawat tingin. Pero hindi niya sinagot ang sinabi ko. Unti-unti niyang inalis ang tapis niya. Tapos pinihit niya ang shower knob. Bumuhos ang mainit-init na tubig mula sa showerhead, nagmistulang ulap ang paligid namin dahil sa steam. “Come here,” bulong niya, sabay hilang muli sa katawan ko. Magkadikit ang balat namin, parehong basa, parehong nananabik. Pinasandal niya ako sa malamig na tiles habang hinalikan ako sa balikat, pa
Masakit ang buo kong katawan nang dahan-dahan akong dumilat mula sa mahimbing na pagkakatulog. Para akong binugbog—lalo na sa gitna—pero sa kabila ng lahat, may kakaibang ngiti ang nakaukit sa mga labi ko. Napatingin ako sa tabi ko sa kama. Wala na si Killian. Saglit akong natahimik, pinakiramdaman ang sarili. Walang saplot ang katawan ko, at kahit pa bahagya akong kumikirot, naroon pa rin ang init na iniwan ng gabi naming dalawa. Paglingon ko sa may nightstand, may isang bouquet ng fresh white roses. Nakabalot iyon sa eleganteng cream wrapper, may golden ribbon at isang maliit na card. “Good morning, Professor. — K.” Napangiti ako nang kusa. Kinuha ko ang mga bulaklak at dahan-dahang inamoy, saka ko mas lalong naalala ang bawat halik, haplos, at ungol kagabi. Hindi ko maitanggi. Pagod man ang katawan ko, pero ang puso ko—nando’n pa rin sa init ng bisig ni Killian. Nag-ayos ako ng kaunti. Isang oversized shirt lang niya ang sinuot ko, tapos ay bumaba habang tangan pa rin ang bula
Nang marinig ko ang paalam ni Killian sa mga bisita, kusa akong napatigil sa paghuhugas ng mga pinggan. Wala akong intensyong sumabay sa kanya. “I have an early meeting tomorrow. Mauuna na ako,” casual niyang sambit habang kinakamayan si Drako at nakangiti sa pamilya ko. Ngumiti lang ako mula sa loob ng kitchen, akmang babalik na sana sa ginagawa ko. “Claudette!” tawag ni Ate Caleigh. Napalingon ako. Nakatayo siya sa likuran ni Killian, may hawak na wine at isang malikot na ngiti sa mukha. “Sabay na lang kayong dalawa sa biyahe. Magpahatid ka na kay Killian pauwi. Wala ka namang dalang sasakyan, ‘di ba?” sabay tulak sa likod ko papalapit sa pintuan. “Wait, Ate—” Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. Ngunit parang wala siyang narinig. Mas lalo pa niya akong itinulak palapit kay Killian, na tahimik lang na nakatingin sa amin. May bahagyang ngiti sa labi niya, ‘yung tipong parang aliw na aliw sa eksenang nangyayari. “Ate naman—” bulong ko, halos pabulong na reklamo. “Just go. It’s
Pagkatapos ng laro, nagbalik sa normal ang ingay sa loob ng sala. Tila walang nakapansin na halos hindi ako makahinga habang pinapanood ko si Killian na pinupuri pa rin ng mga bisita. “You two look so good together,” narinig kong bulong ng isa sa mga bisita. “Sayang, kung hindi lang annulled ‘yan, baka pwede pa silang maikasal ulit,” sabay turo sa akin. Napakagat ako sa labi. Tumingin ako kay Killian—na ngayo’y nakangiti lang sa isang sulok, hawak pa rin ang softdrink na inabot ng isang pamangkin ko. Pero saglit lang ‘yon. Dahil ilang segundo lang ang lumipas, nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Intense. Hindi basta ngiti—may sinasabi ang mata niya na ayaw niyang banggitin sa harap ng marami. Lumapit siya sa akin. “I need a break,” bulong niya. “Come with me.” “Where?” “Somewhere we can breathe.” Hindi ko alam kung dahil ba sa mga titig niya o sa mismong pagkalapit ng katawan namin, pero kusa na lang akong tumango. Tahimik kaming lumakad papunta sa guest room sa second floor.