Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa kama. Pinunasan ko ang pisngi ko, inayos ang buhok at sarili. Ayokong magmukhang mahina. Ayokong makita niya na kahit papaano, may lungkot pa rin akong dinadala. Gusto kong sa gabing ito, ako lang ang makita niya—hindi ang mga multo ng kahapon ko.
Makalipas ang ilang minuto, kumatok siya sa pinto.
“Dinner is served, Claudette. Come join me,” aniya, sabay ngiti.
Pagbaba ko, natigilan ako sa nakita. Isang simpleng hapag, pero eleganteng nakaayos. Steak, mashed potatoes, fresh greens na salad, dalawang wine glasses, and a bottle of red. May tahimik na jazz music na umaalingawngaw mula sa speaker sa sulok ng sala, at ang liwanag ng fireplace ay nagbibigay ng malambot na ambiance sa buong paligid.
“You cooked all of this?” tanong ko habang pinagmamasdan ang table. Halatang pinaghirapan ito.
“Of course,” sagot niya habang inilalapit sa akin ang upuan. “I wanted tonight to be calm… and personal.”
Tahimik kaming kumain sa una. Sapat lang ang ing