"Mommy, sino ang lalaking kausap ni daddy?" tanong ni Tharia sa ina.
"Si Tito Bernard mo, sweetie. His cousin, anak ng kapatid ng namayapa mong Lola Carolina," sagot ni Gretel sa anak.
"How did you know him, mom?" tanong ni Dianah.
"Well, sinabi sa'kin ng Tita Aialyn niyo. Nagkita na kami ni Tito Bernard niyo nang hindi pa kami nagkitang muli ng daddy niyo."
"Kaya pala kamukha niya si daddy," sagot ni Tinay. "At kamukha din niya si Tito Hugo at Hercules!"
Ngumiti si Gretel sa mga anak, araw ng Sabado kaya nasa bahay lang sila. Pero balak nilang ipasyal ang mga bata mamaya pag-alis ni Bernard. May pinag-uusapan ang dalawa patungkol sa business. Kasalukuyang naghahanda ng cookies si Gretel requested ng tatlo niyang chikiting na ngayo'y nakatunghay lang sa kanyang ginagawa habang paunti-unting kinakain ang natapos niyang cookies.
"Enough, Tinay. Ubos na naman ang gawa ni mommy paano mapupuno ang tray?" nakangising tugon ni Dianah sa kapatid.
"Hindi ko kasalanan ate dahil may di