Jessica's POV
Gustong-gusto ko nang ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Nick, pero paano kung tama si Ate Andrea? Paano kung sa pagpipilit kong ipaalala sa kanya ang tungkol sa amin ay may masamang mangyari sa kanya? Paano kung sa halip na gumaling siya ay lalo pang lumala ang kalagayan niya? Natatakot ako… nasasaktan… at nalilito.
“Huhuhuhu… Nick, patawarin mo ako, pero kailangan kitang palayain… Nick!!!”
“Huhuhu…”
Akala ko tanggap na ni Ate Andrea na kami na ni Nick, pero nagkamali ako. Dahil sa mga sinabi niya kanina, parang hindi siya ang Ate Andrea na kilala ko. Ang lambing at pagmamalasakit niya ay napalitan ng matalim na pananalita at malamig na titig. Handa pala niyang gawin ang lahat kahit saktan ako para lang hindi bumalik ang pagmamahal ni Nick sa akin. Handa niyang ilayo si Nick sa akin, kahit masaktan ako… kahit masaktan si Nick… kahit masira ang lahat.
Napayakap ako sa aking sarili habang patuloy ang pagluha. Ang bigat ng nararamdaman ko. Mahal na mahal ko si Nick… pero