Jessica’s POV
Tahimik akong nakatayo sa gilid ng ilog Thames. Dito sa London. Suot suot ko ang isang makapal na coat, marahang hinihipan ng malamig na hangin ang aking buhok habang nakatingin sa malawak na tanawin sa harap ko. Tila kay payapa ng paligid.
Sa di kalayuan, tanaw ko ang London Eye, mabagal na umiikot, kumikislap sa ilalim ng papalubog na araw. Ang langit ay may halong kulay kahel at lilang gumuguhit sa ulap, tila pininturahan ng isang mahinahong kamay.
Huminga ako ng malalim. Halos mag-iisang buwan na ako dito. Ngunit, tila kahapon lang.
Napangiti ako nung makita ko ang dalawang magkasintahang naghahalikan. Ngunit, sa di inaasahan, bigla kong naalala si Nick. Gumuhit ang sakit sa aking mukha.
Pinipilit kong tanggapin, ngunit kay hirap. Minsan, naiisip ko, sana, hindi ko na lang nalaman ang totoo. Dahil ang masayang alaala namin ni Nick ay isang malaking kasalanan.
Ipinilig ko ang aking ulo.
“ Jes!” lakad takbong sigaw ni Scarlett.
“ Be careful Carly! Sigaw ko. Kita n