Saglit na nag-isip si Menard. Ano nga ba ang ireregalo niya kay Leya?
“Ikaw na ang bahala mag-isip. Mas kilala mo naman ang pamangkin mo. Ano ba ang gusto ng bata?” tanong ni Menard sa asawa. Wala pa siyang pamangkin kaya clueless siya.
Napaisip tuloy si Graciella. Gusto niya na bigyan ng magandang regalo ang anak ng paboritong pinsan. Natutuwa siya kay Leya lalo at mukha itong manika. Napakainosente ng mukha nito at mas lumilitaw ang ganda ‘pag binibihisan nang maayos.
Ayaw naman ni Graciella na gumastos ng mahal lalo at marami pa siyang bayarin kay Menard. Ayaw niyang abusuhin ang generosity ng asawa lalo at hindi pa naman sila totally nagkakaigihan.
Sa isip naman ni Menard. Pwedeng gold item ulit pero baka sermunan na naman siya ng asawa. Napakakuripot pa naman ni Graciella at masyadong mainit sa mata ng lola nito ang alahas.
“Pupunta na lang ko ng mall bukas. Maglilibot ako at maghahanap ng abot kayang panregalo,” saad ni Graciella.
Si