Sawang asawa na si Graciella sa palaging panunumbat ng tiyahin sa kaniya. Makipagblind date siya sa isang lalaki sa pag aakala na iyon ang taong sasalba para maka alis sa poder ng tiyahin. Paano kung hindi pala dapat si Menard Young ang dapat na ka blind date? Sisibol kaya ang pag-ibig sa dalawang nilalang na ang pakay sa pavpapakasal ay para lang takasan ang panggigipit ng pamilya?
View MoreNaiinis si Graciella. Tawagin ba naman na toycar ang kanyang minivan. Umalis na si Menard matapos ihatid ang asawa. ******* Lunch break na ni Graciella at Sheila. Nagkasundo ang magkaibigan na bumaba at kumain sa isang food stall. Nasa bungad pa lang sila ng building lobby nang may isang lalaki na humarang sa kanila. Nagtataka si Graciella kung bakit may lumapit sa kanya kahit hindi naman niya ito kilala. “Excuse me, ikaw ba si Miss Graciella?” tanong ng matabang lalaki. Napaatras ang magkaibigan lalo at hindi naman niya kilala ito. Biglang naalala na ito pala ang mayabang na driver ng SUV kagabi. Bakit siya natunton ng lalaki? Ambilis naman nito nakalaya samantalang dinala ito sa presinto kagabi lang. Kinakabahan si Graciella. “Kilala mo ba siya, Graciella?” Umiling si Graciella at akmang aalis na sana sabay hila sa braso ni Sheila. Pinuwesto si Sheila sa likuran at dinukot ang pepper spray mula sa kanyang bag
Napahawak sa seatbelt si Graciella at pinindot ang cellphone para sagutin ang tawag. “Oo, papunta na ako sa shop. HUwag kang mag-alala may yupi pero maliit lang naman,” mahinang saad ni Graciella sa kausap. Nakikinig lang si Menard sa usapan ng asawa at ng kausap nito. “‘Di ba nga nakauwi pa ako kaninang madaling araw. Basta bigla na lamng ayaw umandar ng sasakyan ko. Baka sa weekend ko na dalhin ito sa shop. Naalala ko may kailangan pa akong gawin na project this week.” Binaba na kaagad ang tawag matapos magpaalam ng kausap. Napako ang tingin sa mukha ang asawa. Nakapaskil na naman ang poker face nito na madalas niyang mapansin kay Menard. May problema ba ito? “May iniisip ka ba?” “Ang sweet pala ng boses mo ‘pag may kausap ka sa phone. I’m thinking, instead of talking to you directly, might as well, tawagan kita sa cellphone. So that I get to hear your sweet voice,” malamig nitong saad. Napatiim ang bagang ni Menard. Siya ang asawa pero
Nanibago siya sa pagiging tahimik ni Graciella. Kagabi, matapos itong magwala, akala niya parati na itong bad trip. Pero, bilib din siya sa asawa at mukhang okay na kaagad ito ngayong umaga. Pababa na sila ng building. Inilabas pa kanina ni Menard ang isang malaking plastic bag ng basura habang ang asawa naman, dinala ang garlic bread. Naiinis pa rin si Menard at hindi nakain ang gustong kainin. “Ibibigay ko ito sa kaibigan ko. Huwag ka na magtampo kasi. Ang haba ng nguso mo, pwedeng isabit ang palanggana,” saad pa ni Graciella habang pinagmamasdan ang asawang nakasimangot. “Bibilhan kita nito once gumaling na ang bibig mo.” Tuluyan ng sumimangot si Menard. Gusto niyang basta na lang sana hablutin ang pagkain pero bayolente ang asawa. Baka madagdagan lang ang kanyang sugat. Napahawak siya sa kanyang labi at napangiwi. Nasa baba na sila at si Menard, sumakay na ng kanyang sasakyan. Si Graciella naman napapailing na lang habang pinagmamasdan ang yupi
Kinaumagahan. . . Maaga pa rin nagising si Graciella kahit maikli lang ang naging tulog. Nilinis pa rin niya ang living room at nagluto na rin ng almusal. Sino pa ba ang aasahan niya kundi ang sarili lang din. Dapat sana hindi niya ipagluluto ang asawa pero dahil nasaktan niya ito at nasugatan pa nga ang labi nito, at least man lang may pang peace offering siya. Nag-sorry din ito sa kanya kay mas gusto niyang kalimutan na lang ang nangyari kaninang madaling araw. Bumukas ang pinto ng master’s bedroom at lumabas na si Menard. Nakasuot na ng damit pang trabaho at hawak ang kurbata sa kaliwang kamay. “Gusto mo tulungan na kita diyan?” tanong ni Menrad habang sinusuot ang kurbata. “Good morning, Mr. Young. Malapit na itong maluto ang agahan natin. Maupo ka na lang at ikaw na magtapon ng basura mamaya.” Dumulog na sa dining table si Menard habang sinasalin ni Graciella ang nilutong almusal. Fried pork dumplings at may nakahanda na oatmeal sa hapa
“Ano?” agresibo pa rin ang tanong ni Graciella. Napahilamos na ng kanyang mukha si Menard. Ang tapang talaga ng kanyang asawa; para itong isang mabagsik na librarian na ayaw makarinig ng kahit anong paliwanag. Nakita ni Graciella na namumula ang mga tainga ni Menard. Naawa naman siya lalo at wala na itong mabato sa kanya. Hindi na siya umimik pa. Ayaw naman niyang matulog na may galit sa asawa. Dinampot na lang ni Graciella ang barbeque na hinain pa niya at binalik sa refrigerator. Sayang din iyon at libre pa naman sa kanya ni Jeron ang mga iyon. Lalong nanghinayang si Menard. Akala niya para sa kanya ang dalang barbeque ng asawa. Bakit nito nililigpit ang mga ito? Gusto niyang pigilin ang asawa pero ayaw naman ng pride niya na gawin iyon. “Gustong maging sa ating dalawa ang lahat. Hindi man ako pasok sa pamantayan mo pero may prinsipyo akong tao. Habang kasal tayo, hindi ako gagawa ng anumang bagay na magkukumpromiso ng pangalan mo. Gusto ko lang ma
“Lasing ang driver ng SUV. Buti na lang at nandun si Jeron. Kung hindi baka sinaktan na ako ng lalaking ‘yon. At kung sasabihin mo na may relasyon kami ni Jeron, diyan ka nagkakamali. Nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya lalo at pinsan siya ni Sheila.” Kinakalma ni Graciella ang sarili pero naiinis pa rin siya sa kaharap. “Kaya lang naman kami kumain sa barbecue house na iyon dahil may discount coupon na binigay si Sheila sa akin. At hindi kami nagkasundo ni Jeron na magkita. Tapos ngayon pag-uwi ko, aakusahan mo ako ng kung ano-anong malisyosong bagay?” bulalas ni Graciella. Hindi nakaimik si Menard sa sunod-sunod na mga sinabi ni Graciella. Paano ba naman ang bilis nitong magsalita. Hindi siya makasingit. Siya ang dapat na nagagalit pero bakit parang siya ang pinapagalitan sa ngayon? “Ang dumi ng isip mo. Mali na ang tingin mo sa paghatid ng isang kaibigan sa bahay nila dahil lang sa nabangga ang sasakyan ko. Nagmagandang loob lang naman si Jeron lalo at
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments