“Ilang beses na nagkaroon ng salary increase ang Skeptron kaya huwag mo sabihin na nalulugi na ang kumpanya,” sabi pa ni Menard.
Ayaw niya sa taong sinungaling. Kung hindi lang siya nagpapanggap sa harapan ng asawa baka kanina pa niya pinakaladkad sa mga bodyguard ang bayaw.
Speechless si Harry. Tiningnan ang mga kasama kung nakikinig sa usapan nila. Mabuti na lang mahina ang boses ni Menard dahil pag nagkataon, mabubuking siya ng asawa na hindi niya sinasabi ang totoong sahod niya. Busy ang asawa na sundan ang anak. Kung malalaman nito na tumaas na ang sahod niya, kukulitin naman siya nito na dagdagan ang binibigay niya.
“Hindi naman din madali sa akin na ako lahat ang umaako ng gastusin sa pamamahay ng asawa ko,” pagmamayabang pa ni Harry kay Menard.
“So, sinasabi mo hindi nagbibigay si Graciella noon?” Tumaas ang kilay ni Menard sa pagmamayabang ni Harry sa kanya. Ayaw niya sa mga mayabang na credit grabber.
“Easy lang, bayaw. Ang sabi ko malaki ang am