Bakit ako magtataka sa kinikilos niya? Normal na sa kanya ang basta na mawala sa mood, saad ni Graciella sa sarili. Pinagmamasdan ang pinto ng silid ni Menrad.
Tinapos na ni Graciella ang mga ligpitin at lumabas para itapon sa garbage room ng palapag ang mga naipon na basura. Napapahid siya sa mga pawis na nasa noo niya. At least tapos na ang family dinner nila. Mababawasan na ang pangungulit ng pamilya sa kanya.
Inaantok na siya pero naligo pa rin siya lalo at amoy ulam na rin siya. Sinuot niya ang kanyang pantulog na may design pa na cartoon character pati na rin ang kanyang kulay green na headband. Handa na siyang matulog.
Pero, imbes na pumasok sa kanyang silid, naisipan niyang mag-scroll muna sa kanyang cellphone. Nanood siya ng mga nakakatawang video. At nalingat siya at hindi namalayan na lumipas na pala ang kalahating oras. Panay hagikgik niya sa mga pinapanood. Bumangon na siya para sa na pumasok na sa kanyang silid nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Me