Na-realize niya na hindi tama ang pagkakaintindi ni Menard sa relasyon nila ni Jeron.
“Graciella, may pinarmahan tayong kasunduan at kailangan natin sundin ang mga nakasaad doon. Kung may iba ka palang gusto na lalaki, sabihin mo sa akin. Wala akong problema kahit makipaghiwalay ka na sa akin ngayon din. Kung gusto mo, tutulungan pa kita mag-file ng annulment. Wala akong pakialam!” bulalas ni Menard. Nag-iinit ang kanyang pisngi.
“Mag-asawa na tayo ngayon. Dala ko ang pangalan ko at apelyido. Bakit kailangan mo pa ipamukha sa akin na may iba kang gusto?”
Kahit wala silang nararamdaman sa isa’t isa, naapakan ang pride ni Menard na nakikipagdate at nakikipagkita sa ibang lalaki ang kanyang asawa.
“Ano ba ang mga pinagsasabi mo?”
Masama ang loob ni Graciella. Masamang babae pala ang tingin sa kanya ni Menard.
“Ang lalaking naghatid sa akin, si Jeron Gonzales yon. Matanda ako sa kanya ng six years at matagal na naming kilala ni Sheila na kaibigan.