
Consultant Turned Contracted Wife
Matapos madiskubre ang pagtataksil ng nobyo, si Selena Payne ay nagpakalunod sa alak, isang gabing puno ng pait, galit, at isang hindi inaasahang pagkakamali. Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, hindi niya naisip na mauuwi ito sa isang isang-gabing pagnanasa kasama ang isang estranghero.
Nagising siyang walang saplot, puno ng marka ng gabing hindi niya matandaan, at may isang pangyayaring hinding-hindi na mababawi. Ang akala niya, madali na lang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Pero hindi ganoon kadali ang tadhana.
Dahil sa isang napakapait na biro ng pagkakataon, ang bagong kliyente niya ay walang iba kundi ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon, Axelius Strathmore, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa.
Bilang isang dating consultant, tungkulin ni Selena na tulungan si Axel makahanap ng babaeng pakakasalan. Pero sa isang hindi inaasahang twist, siya mismo ang inalok nito ng kasal.
Isang taong kontrata. Isang kasal na walang emosyon, walang pag-ibig, isang pormalidad para sa parehong interes nila. Pagkatapos ng isang taon, pwede na silang maghiwalay, bumalik sa kani-kaniyang buhay na parang walang nangyari.
Pero isang lihim ang hindi alam ni Selena. Binago ni Axel ang kontrata. Dahil natuklasan nitong nagdadalang-tao siya.
Buo na ang desisyon ni Axel na sa kabila ng walang pag-ibig sa pagitan nila, gagawin niya ang kanyang responsibilidad at aakuin ito.
Ang kasinungalingan na sinabi ni Axel ay unti-unting nabago nang mas makilala nila ang isa't isa. May namumuo sa pagitan nila sa paglipas ng araw.
Read
Chapter: Chapter One Hundred Sixty TwoSimula nang dalhin sa lugar na ito ang tatlong lalaki, walang araw na hindi sila dumanas ng pahirap at paulit-ulit na pagtatangka para sila’y paaminin at magsalita.Ngunit sa kabila ng lahat, wala pa ring kahit anong impormasyon ang kanilang nakukuha.“Ibig sabihin lang niyan, kulang pa ang pagpapahirap niyo sa kanila,” malamig na saad ni Axel habang nakatitig sa tatlong lalaking nakatali at nakaupo sa sahig.Tumalim ang titig niya, tila ba kayang butasin ang balat ng mga ito sa tindi ng kanyang tingin.“Russell. Neera. Barry.”Agad lumapit ang tatlo, handa sa anumang ipag-uutos niya.Bago pa makapagsalita si Axel, humakbang na si Neera palapit sa mga lalaking nakagapos. Naningkit ang kanyang mga mata, matalim at mabigat ang bawat hakbang. Tila binabasa niya ang kaluluwa ng bawat isa habang mariing nakatitig sa kanilang mukha.“Pahngi ako ng tubig at tela,” malamig na utos niya. Kaagad siyang inabutan ng isa sa mga tauhan ni Axel.Walang alinlangan, ibinuhos ni Neera ang tubig sa ulo
Last Updated: 2025-08-12
Chapter: Chapter One Hundred Sixty OneAlam nilang hindi na sila sinusundan, ngunit nanatiling mabigat ang pakiramdam.Maya-maya, narating na nila ang private ward ni Selena. Maingat na kumatok si Russell, at pagkarinig ng mahinang “pasok,” ay binuksan niya ang pinto at naunang pumasok, kasunod si Neera.Nag-angat ng tingin si Axel mula sa kinauupuan, at agad napansin ang presensya ng dalawa.Kumunot ang kanyang noo, halatang hindi kuntento. “Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mo,” malamig na sambit nito, mababa ang tono pero mabigat ang dating.Bahagyang kinabahan si Russell, ramdam ang pagtusok ng tingin ni Axel. “Pasensiya na, Mr. Strathmore,” mabilis niyang tugon. “Kailangan ko pa kasing siguraduhing hindi na nakasunod sa ‘kin si Ms. Faulkner,” paliwanag niya, sinusubukang gawing kalmado ang boses.Tumaas ang kilay ni Axel, bakas ang pag-aalinlangan. “Anong ginagawa ni Heather dito sa ospital?” tanong niya, puno ng kutob.“Ayon kay Ms. Faulkner,” sagot agad ni Russell, “isinugod si Mr. Faulkner matapos atakihin sa puso da
Last Updated: 2025-08-11
Chapter: Chapter One Hundred SixtyHabang papalapit si Russell sa private ward ni Selena, abala siya sa pag-iisip ng tamang paraan para ilabas ang mga dala nang hindi nakakagulo. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit, isang biglaang paghila sa kanyang braso ang nagpahinto at nagpagulat sa kanya.“Neera?!” halos pasigaw na reaksyon niya, bahagyang nanlaki ang mga mata.Makahulugang tinitigan ni Neera si Russell, ang mga mata’y matalim at may kahulugan. “Ang tagal mo,” sabi nito na may halong pag-aaktong inis. “Kanina pa kita tinatawagan, ngayon ka lang dumating.”Kasabay nito, nagkunwari pa siyang hirap maglakad at kumapit nang mahigpit sa braso ni Russell, na para bang kailangan niya ng suporta.“Ano’ng pinagsasasabi mo—” naguguluhan pang tanong ni Russell.“Ikaw naman!” putol ni Neera, patuloy ang kanyang pag-arte habang mahigpit pa rin ang kapit. “Kanina pa nga kita pinapapunta rito!”Habang nagsasalita, bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya, mula sa kunwaring inis, ay naging seryoso at matalim.Tumango siya nan
Last Updated: 2025-08-11
Chapter: Chapter One Hundred Fifty NineBago pa man siya umakyat patungo sa private ward ni Selena, naisipan na rin niyang bumili ng makakain para kina Selena, Axel, River, at pati na rin kay Neera.Pagkalabas niya ng elevator, maingat siyang naglakad papunta sa ward. Ngunit sa gitna ng kanyang paglalakad, natanaw niya sa dulo ang isang babae na tila kilala niya sa itsura, ang pamilyar na mukha ni Heather.Si Heather, sa kabilang banda, ay abala sa pag-iikot sa pasilyo. Iniisa-isa nitong silipin ang bawat kwarto na nadaraanan, at mabusisi rin sa pagtitig sa mga taong nakakasalubong, wari’y may hinahanap.Biglang kumirot ang kutob ni Russell.Ayaw niyang magpahalata, kaya nanatili lamang siyang kalmado at naglakad na parang walang napapansin.Ngunit gaya ng inaasahan niya, hindi siya nakaligtas sa matalim na paningin ng babae. Agad siyang hinarang ni Heather at walang pasubaling tiningnan mula ulo hanggang paa, pati na rin ang mga dala-dala niyang supot.“Russell?” tawag ni Heather, sabay lapit. “Anong ginagawa mo rito?” usi
Last Updated: 2025-08-10
Chapter: Chapter One Hundred Fifty EightHindi pa rin gumalaw si Klyde sa kinauupuan. “May balita ka ba kung ano ang nangyari kina Vincent?” malamig pa rin ang tinig niya.“Sinubukan kong tingnan ang mga hidden cam sa buong hideout nila, pero wala akong na-recover. Mukhang binura nila ang lahat ng record at sinira ang mga camera sa loob ng apartment. Kahit ang mga files sa loob ng mga computer nila ay nabura at walang bakas ng kahit anong history ng pag-transfer, pag-copypaste, o kahit log in,” paliwanag ni Lyka, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses kahit ramdam niyang nanlalamig ang kanyang mga palad.“Hanapin mo sila, at kapag nahanap mo na kung nasaan sila… alam mo na ang dapat mong gawin,” mariing wika ni Klyde, mabigat ang tono at malamig ang titig.Walang alinlangan, agad na naunawaan ni Lyka ang nais ipagawa sa kanya. Walang tanong, walang pagdadalawang-isip. Bahagya siyang yumuko bilang paggalang at agad na nagpaalam na aalis na.Alam niyang mahalaga na mahanap kaagad si Vincent at ang mga kasama nito. Kila
Last Updated: 2025-08-10
Chapter: Chapter One Hundred Fifty SevenLumapad ang ngiti sa labi ni Selena. “Oo naman,” masayang tugon niya, malinaw na nagustuhan ang napiling pangalan.Hindi na siya makapaghintay na mahawakan at mahagkan ang kambal. Ramdam niya ang pananabik sa bawat tibok ng puso. Maging si Axel ay hindi rin makapaghintay na makarga ang kanilang mga anak sa unang pagkakataon.Pinanood pa nila nang ilang minuto ang kambal sa loob ng NICU, tahimik na nakamasid sa maliliit na katawan na unti-unting nadadala ng antok.Nang sa wakas ay makita nilang mahimbing at malalim na ang tulog ng mga sanggol, nagpasya silang bumalik na sa private ward ni Selena.Habang naglalakad pabalik ang dalawa, hindi nila namalayan na may ibang pares ng mata na nakasunod sa kanila.Sa parehong hapon, naroon din sa ospital si Heather. Inatake sa puso ang kanyang ama, si Harold, kaya agad itong isinugod sa ER. Sa likod ng biglaang pangyayaring iyon ay nakasalalay pa ang mabibigat na problemang kinahaharap ng kumpanya ng kanilang pamilya.Ngunit lahat ng iyon ay til
Last Updated: 2025-08-09