LOGINMatapos madiskubre ang pagtataksil ng nobyo, si Selena Payne ay nagpakalunod sa alak, isang gabing puno ng pait, galit, at isang hindi inaasahang pagkakamali. Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, hindi niya naisip na mauuwi ito sa isang isang-gabing pagnanasa kasama ang isang estranghero. Nagising siyang walang saplot, puno ng marka ng gabing hindi niya matandaan, at may isang pangyayaring hinding-hindi na mababawi. Ang akala niya, madali na lang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Pero hindi ganoon kadali ang tadhana. Dahil sa isang napakapait na biro ng pagkakataon, ang bagong kliyente niya ay walang iba kundi ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon, Axelius Strathmore, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Bilang isang dating consultant, tungkulin ni Selena na tulungan si Axel makahanap ng babaeng pakakasalan. Pero sa isang hindi inaasahang twist, siya mismo ang inalok nito ng kasal. Isang taong kontrata. Isang kasal na walang emosyon, walang pag-ibig, isang pormalidad para sa parehong interes nila. Pagkatapos ng isang taon, pwede na silang maghiwalay, bumalik sa kani-kaniyang buhay na parang walang nangyari. Pero isang lihim ang hindi alam ni Selena. Binago ni Axel ang kontrata. Dahil natuklasan nitong nagdadalang-tao siya. Buo na ang desisyon ni Axel na sa kabila ng walang pag-ibig sa pagitan nila, gagawin niya ang kanyang responsibilidad at aakuin ito. Ang kasinungalingan na sinabi ni Axel ay unti-unting nabago nang mas makilala nila ang isa't isa. May namumuo sa pagitan nila sa paglipas ng araw.
View MoreHatinggabi na, pero nasa labas ng isang engrandeng hotel si Selena. Malamig ang simoy ng hangin sa labas pero mas malamig ang pakiramdam sa loob ng kanyang dibdib.
Hawak ang kanyang cellphone, mariing nakatingin sa mensahe mula sa hindi kilalang numero. ‘Kung gusto mo malaman ang lihim tungkol sa iyong nobyo na si Klyde, pumunta ka sa lokasyon ng hotel na ipapadala ko. Pumunta ka sa Room 127 at malalaman mo ang katotohanan.’ Sinubukan niyang tanungin kung sino ang nagmensahe sa kanya pero hindi ito nagpakilala. Ramdam niyang hindi ito isang prank. Sinubukan niyang alamin kung totoo dahil matagal na rin siyang kinutuban na may lihim na tinatago sa kanya si Klyde. Naging mailap ito sa kanya sa tuwing nais niyang makipagkita sa nobyo. Lagi itong may dahilan tuwing nais niyang makipagkita. Madalas pa ay hindi niya alam kung saan ito nagpupunta. Nagdesisyon na siyang pumasok ng hotel at huminto sa tapat ng front desk. “Miss, may nag-check-in ba rito na ang pangalan ay Klyde Strathmore?” tanong niya sa receptionist. Tumango naman ito sa kanya pagkatapos tignan ang records sa kompyuter. “Oo, Miss. Kaka-check-in lang ni Mr. Strathmore. Puwede ko ba malaman kung ano ka niya?” tanong naman nito pabalik. “Nobya niya,” direktang sagot niya. Napatakip sa bibig ang receptionist. Base sa reaksyon nito ay tama ang hinala niya na may kasamang iba si Klyde nang pumasok ito sa hotel. Pagkatapos magpasalamat ay mabilis siyang naglakad papasok ng elevator, paakyat sa ika-limang palapag. Nang makalabas ng elevator ay hinanap niya agad ang room number na nakasaad sa mensahe. Sa harap ng Room 127, nanginginig ang kamay ni Selena habang dahan-dahan na pinihit ang seradura. Marahang itinulak ang pinto at iniwang bahagyang nakabukas. Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang sarili pero nanlamig ang katawan niya nang marinig ang boses ng dalawang tao sa loob. “Ibang-iba ka talaga sa kapatid mo,” ani ni Klyde. Bakas sa boses nito ang pagod pagkatapos ng kanilang ginawa. “Mukhang, sobra kang natuwa sa ginawa natin ngayon,” sabi ni Nessa na pigil ang tawa. Nakangisi si Klyde habang nakahiga, pinagmamasdan ang babaeng nasa tabi niya. “Nagagawa ko ang gusto ko sa ’yo, hindi kagaya sa kapatid mo.” “Bakit, hindi ka pa rin ba pinagbibigyan ni Selena? Apat na taon na kayong magnobyo,” tanong ni Nessa. Napailing si Klyde, kita sa mukha ang bahagyang inis. “Hindi. Gusto niya magpakasal muna kami bago may mangyari sa amin.” Napatawa nang mahina si Nessa saka dahan-dahang humarap kay Klyde. “Hmm… kaya ka ba lumapit sa ’kin kasi paulit-ulit ka niyang tinatanggihan?” tanong niya, may bahagyang ngiti sa labi habang hinahaplos ang dibdib ng binata. Napangisi ulit si Klyde. “Ikaw kasi, magaling kang mang-akit.” “Pero bumigay ka naman,” bulong ni Nessa bago idinikit ang labi sa leeg ng lalaki. Sumandal sa ulunan ng kama si Klyde, nagsindi ng sigarilyo. “Mabuti siguro hindi muna tayo magkita. Baka makahalata na si Selena.” Naupo sa higaan si Nessa dahil sa sinabi ni Klyde. “Kung malaman niya, ano? Iiwan ka niya?” mariin niyang tinitigan ang lalaki, ramdam ang init ng emosyon sa kanyang dibdib. “Mahigit tatlong taon mo na siyang niloloko at nakikipagkita sa ’kin. Ngayon ka pa natakot sa—” Biglang bumukas nang malakas ang pinto. Naputol ang sasabihin ni Nessa. Sabay na napalingon ang dalawa at parang naninigas ang katawan ng mga ito nang makitang nakatayo si Selena sa pintuan. Bakas sa mukha ni Selena ang halo-halong emosyon. Gulat. Galit. Sakit. “Kaya pala ang dami mong dahilan,” galit niyang sambit. Hindi agad nakakilos si Klyde. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang katawan habang mabilis ang tibok ng puso. Gusto niyang magsalita, gusto niyang magpaliwanag. Pero bago pa siya makahanap ng tamang salita, isang matunog na sampal ang dumapo sa pisngi ni Klyde. Hindi pa kuntento ay bumaling si Selena kay Nessa. Parehas may pulang marka ng kamay mula sa sampal ang makikita sa pisngi ng dalawa. Napaatras si Nessa, hawak ang pisngi. Nakatitig ito nang masama sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mata habang tinititigan ang dalawa. “Magsama kayo sa impyerno!” sigaw niya na puno ng hinanakit at galit. Umiiyak ng lumabas ng hotel si Selena. Kaysa umuwi, napagdesisyunan niyang maglakad-lakad para maibsan ang sakit hanggang sa dalhin siya ng kanyang paa sa isang bar. Sa loob ng bar, nilunod ni Selena ang sarili sa alak para pawiin ang sakit sa kanyang puso. Ilang bote ng alak na ang kanyang nainom. Nang maramdaman niyang umiikot na ang paligid, tumayo na siya sa mesa at pasuray-suray na naglakad palabas ng bar. Malapit na siya sa pintuan nang aksidente niyang nabangga ang kasalubong niyang lalaki. “Woah!” Bago pa siya mawalan ng balanse ay hinawakan siya nito sa beywang. Nang itinaas ni Selena ang tingin, bahagya siyang natigilan. Sa kabila ng kalasingan, hindi niya maiwasang mapansin ang matangos na ilong at ang asul na mga mata ng estranghero. Nakangiti siya habang hinahaplos ang pisngi ng lalaki. “Ang gwapo mo.” Kumunot ang noo ni Axel nang maamoy ang hininga ng babae. “Sa susunod, mag-iingat ka na,” malamig at walang emosyon ang boses niya habang inaalalayan siya palayo sa kanyang katawan. Nang bitawan siya ng lalaki ay lumakad na ito palayo. Subalit hinabol niya ang lalaki at agad niyang hinawakan ang braso nito. “Sandali!” Napilitang huminto ang lalaki at lumingon sa kanya. Sa isang iglap, niyakap niya ito nang mahigpit. Ramdam niya ang paninigas ng katawan nito, at agad itong nagpumiglas. “Bitiwan mo nga ako. Ano ba ang kailangan mo?” malamig na sabi ni Axel. Kaysa sumagot ay hinalikan siya ni Selena. Nagulat si Axel. Hindi siya agad nakakilos, nanigas lang siya sa kinatatayuan niya habang nararamdaman ang malambot at mainit na labi ni Selena sa kanya. Isang iglap lang iyon, ngunit sapat para guluhin ang kanyang isip.Tumaas ang kilay ni Lyka, halatang hindi impressed sa mga tanong niya. “Simple lang ang kailangan mong gawin. Gusto ni Mr. Strathmore na magmanman ka para sa kanya.”Natigilan si Nessa nang marinig ang apelyido.“Mr. Strathmore?” ulit niya, unti-unting bumababa ang kutsilyo sa pagkakahawak. “Sino sa mga Strathmore ang tinutukoy mo? Kasi ang kilala ko lang… si Klyde.”Sandaling natahimik si Lyka bago tuluyang sumagot. “Siya nga.”Napangisi si Nessa, malamig at puno ng hinanakit. “Ano naman ang kailangan sa akin ng manggagamit na ’yon?” tanong niya, halata sa boses ang matinding galit kay Klyde.“Bago ’yon,” putol ni Lyka, “hindi ba’t matagal mo nang gustong maghiganti sa stepsister mo?” Sandaling tumigil ito bago muling nagsalita. “Pinapunta ako rito ni Mr. Strathmore. Kailangan niya ang tulong mo para pabagsakin ang sarili niyang pinsan.”Bahagyang tumaas ang kilay ni Nessa. “Ano naman ang kinalaman ko sa away niya at ng pinsan niya?”“Ang pinsan ni Mr. Strathmore—si Axelius Strathmor
Tumawa nang malakas ang babae. “Surprise!” ani Nessa, taas-baba ang kilay. “Ang tagal mo namang napagtantong ako ’to. Dahil ba sobrang ganda na ng buhay mo ngayon kaya nakalimutan mo na ako? Ha?” Ang ngiti nito ay parang kutsilyong humihiwa sa hangin.“P-paano ka nakasakay ng barko?” mahina ngunit mariing tanong ni Selena. “Imposible… imposible na ikaw lang mag-isa ang nakagawa ng paraan. At lalong imposibleng tulungan ka ni Nigel—”Hindi na niya natapos ang sasabihin.“Manahimik ka!” sigaw ni Nessa, malakas, basag, at puno ng poot na nagpatigil sa hangin sa pagitan nila. “Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng hinayup*k na ’yon!” Nagngingitngit na halos magdugtong ang mga ngipin niya. “Demonyo ang hayop na ’yon!”Namula ang mga mata ni Nessa sa galit. Mabilis na bumalik sa isip niya ang mga panahong kinaladkad siya ng mga tauhan ni Nigel papasok ng sasakyan at dinala sa night club nito.Pagdating doon, hindi siya tinanong, hindi siya pinakinggan. Ipinuwesto agad siya bilang
“Ganoon ba. Tara, ihahatid na kita pabalik sa suite natin,” sabi ni Axel habang tumatayo para alalayan si Selena.Tumayo rin si Selena, hawak ang kamay ni Axel. “Huwag na. Baka naninibago lang ako. Motion sickness lang siguro—unang beses ko kasing sumakay ng barko.”“Sigurado ka?” tanong ni Axel.Tumango si Selena. “Oo. Doon na muna ako sa open deck para magpahangin sandali.”“Sige,” sang-ayon ni Axel. Lumingon siya kay River. “Samahan mo siya roon.”Tahimik na tumango si River at sinundan si Selena palabas ng Grand Event Hall, patungo sa open deck.Paglabas nila, sumandal si Selena sa railings at malalim na huminga, nilalanghap ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Pinagmamasdan niya ang madilim na karagatan habang sinasalubong ng alon ang gilid ng barko. Maliban sa maingay na usapan mula sa loob ng hall, tanging lagaslas ng alon ang maririnig sa labas—payapa at nakakalma.Habang nagpapahinga, may tumawag sa kanya.“Mrs. Strathmore!”Napalingon si Selena, pati si River. Nakita nil
Ilang minuto silang namili ng pagkain bago sabay na naglakad pabalik sa kanilang mesa. Pagdating nila roon ay akmang uupo na sana si Selena nang may biglang humawak sa kanyang braso—isang babae, halatang nagmamadali at kinakabahan.“Mrs. Strathmore, puwede ba kitang makausap kahit sandali lang?” pakiusap nito, mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Selena.Agad napansin nina Russell at River ang sitwasyon at lalapit na sana para ilayo ang babae, ngunit pinigilan sila ni Selena sa isang mahinang senyas.“O sige, pero sandali lang, ha? Nagugutom na kasi ako at gusto ko nang kumain,” mahinahong sagot ni Selena.“Ganoon ba. Huwag kang mag-alala, Mrs. Strathmore. Sandali lang naman—ilang minuto lang ang kailangan ko,” mabilis na sabi ng babae.Tumango si Selena. “Okay. Ano ba ang kailangan mo?”“Ah, oo nga pala. Ako si Lorraine Harrington,” pakilala nito. “Lumapit ako dahil gusto ko sanang itanong kung puwede kang mag-invest sa maliit kong shop na gumagawa ng handmade perfume.”Sinimulan ni
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore