30 Days in Billionaire's Touch

30 Days in Billionaire's Touch

last updateLast Updated : 2024-10-27
By:  LoquaciousEnigmaCompleted
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
93Chapters
11.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

He met me at the bar. Instead of making me feel like a prostitute and a dirty woman, he made me feel like a princess and respected. So how can I follow our rule of 'not falling in love'? Eh isang linggo ko pa lang siyang kasama sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Which woman wouldn't fall for him? He might be the perfect man I've ever met. Pinaramdam niya rin sa akin na ako lang ang kaisa-isang taong sandalan niya.

View More

Chapter 1

SIMULA

A/N: Please read at your own risk. Maraming chapters po na may mga bed scene na hindi po angkop sa may edad na kinse pababa. Thank you for reading!

[SABRINA LEGASPI]

Walang may gusto ng buhay na ito katulad nitong akin. Walang may gustong sumuot ng mga sapatos ko.

Hindi ko alam kung bakit pinanganak pa ako sa mundo e hirap na hirap naman ako…

“Sabrina, wala na talaga akong mai-offer na job sa ‘yo. As you can see, nakikipag-ano lang ako sa iba’t-ibang lalaki at nagpapabayad. Well, kung gusto mo ring i-try…” Hinaplos niya ang braso ko habang nakangisi siya. “Kumikita nga ako ng mahigit two hundred thousand a month. Maganda ka kaya tiyak na maraming magkakagusto sa ‘yo,” panghihikayat niya pa. “Not only that, malalaki ‘yung ano mo…” nanlaki ang mga mata ko nang akma niyang hawakan ang mga dibdib ko kaya humakbang ako paatras. Humalakhak naman siya dahil doon. “So innocent.”

Hindi ko gusto ang alok niya bilang isang worker sa isang club, pero kailangan ko ng pera para mabuhay. Sawa na akong manirahan sa kung kani-kaninong bahay para makikain at nakakahiya nang humingi ng tulong sa kanya. Siya lang ang matyagaang taong inaabutan ako ng pera kahit magkano lang.

“Wala na bang ibang trabaho diyan?” namamag-asang tanong ko pa habang napapakamot ang ulo. Hindi ko kasi nakikita ang sarili ko na kumekembot-kembot sa harap ng maraming tao tulad ng ginagawa niya.

“Kung gusto mo ang maging praktikal, katawan ang maging puhunan, girl!” Pinalo niya ako sa braso habang ngumunguya siya ng isang bubble gum. “17 ako n’ong nag-start ako rito. Masasanay ka rin.”

“Eh…wala pa ngang gumagalaw sa akin at saka ayoko rin…pero—” naputol ang sinasabi ko nang pumarada ang isang magarang kotse sa tabi namin.

“Bye girl! Ayan na ang boy ko. Babayaran niya ako ng malaki!” pagmamalaki niya habang hinahagod ang kanyang mga daliri. “Kaya kung ako sa ‘yo huwag nang magdalawang isip at magpabayad na!” aniya pa at kung may makakarinig man ay ikahihiya ko siguro ‘yon. Ang ingay niya talaga!

“Ah, okay. Ingat,” sabi ko na lang habang pinapanood siyang lumalapit patakbo sa isang lalaking mukhang yayamanin. Nag-iwas ako ng tingin nang bigla silang maghalikan kahit na nasa daan sila.

Si Teresita talaga!

Naging kaibigan ko si Teresita dahil palagi niya akong nakikita sa daan palakad-lakad. Wala talaga akong permanenteng tirahan at nakikitulog lang ako.

Buong araw kong pinag-isipan ang sinabi ni Teresita na ibenta ko na lang ang katawan ko kaysa sa maging ganito ang buhay.

Wala na akong pamilya at hindi ko alam kung nasaan sila. Sabi ni Tita Salvia sa akin na napulot niya raw ako sa tabi ng isang puno. Hindi rin maganda ang trato ni Tita Salvia sa akin kaya lumayas din ako sa kanya kaya ngayon ay pagala-gala ako. Pero sa kanya ko nakuha ang pangalan at apelido ko so sila ‘yung legal guardian ko dapat. Hindi ko lang alam kung hinahanap ako.

Malawak ‘tong Manila kaya hindi nila ako kaagad mahahanap.

“Tere!” tawag ko sa kanya nang makita ko ulit ko siya.

“Gaga ka! Pupunta ako ngayon sa club at kekembot ako, malilate na ako at mamaya na tayo magchikahan,” nagmamadaling sambit niya. Hinila ko ang kamay niya para pigilan siya. “Sab—”

“Paano kung gusto ko ring magtrabaho tulad ng ginagawa mo?” tanong ko habang nakataas ang dalawang kilay. Nanlaki ang mga mata niya.

“Really? Oh, my God! This is very good! Makakasama na kita palagi! At promise, gaganda ang buhay mo. Kailangang maging praktikal na tayo kasi wala kang mahanap na trabaho, ‘di ba? Kilala mo si Janica Zuelta? Pornstar ‘yun pero may asawa na siya ngayon at loyal siya! I believe na may tatanggap pa rin sa atin, ‘di ba? Kaya let’s go na!” mabilis niyang pagsasalita kaya hindi ko kaagad nagets ‘yung sinabi niya basta tango lang ako nang tango.

Hindi pa ako nakakasagot nang hilain niya ang kamay ko kasama niyang tumakbo. “Tere! Nag-what if lang naman ako eh!” may pagsisising sambit ko.

“Opportunity ito! Don’t lose it!”

Wala na akong nagawa kundi magpatangay sa kanya dahil mukhang determinado na talaga siyang isali niya ako sa trabaho niya. Ipinakita ni Teresita ang ID niya sa isang lalaking nakatayo malapit sa pinto ng bar.

“Kasama ko siya.”

“Enjoy ma’am,” aniya sa akin. Ilang akong ngumiti at nagpatangay muli kay Teresita.

‘Yung tingin kasi n’ong lalaki parang huhubaran na ako. Manyakis.

“Hi, baby,” bigla kaming napatigil nang mayroong isang lalaking tumigil sa harap ni Teresita. Binitawan ako ng kaibigan ko nang bigla siyang halikan ng isang lalaki. Hindi ko mapigilan ang bibig kong mapaawang sa ginawa nila.

Ano ‘to? Bakit may ganito?!

At nanonood ka pa talaga, Sabrina?! Close your eyes! Sumigaw ka!

“Oops! Later na baby, may gagawin ako. Bye!”

“But—”

“Tara, Sab!” Hinila niya muli ako at hinawi ang mga taong nagsasayawan para makadaan kami. Pumasok kami sa isang masikop na hallway at doon ay mayroong curtain foil. Inilibot ko ang paningin ko sa loob.

“Mag-uumpisa na ang performance, Tere,” bungad ng isang babaeng nakasuot ng nighties. OMG! Kita ko ang mga singit niya at kakaunti lang ang nakatakip sa kanya. Ganyan ba ang susuotin ko? Ganyan ba ang mga sinusuot ni Teresita?

Ayoko yata! Naiisip ko pa lang na susuotin ko ‘yan naiiyak na ako at nahihiya.

“Si Madam ang kailangan ko ngayon. Nasaan siya?” tanong niya habang iniikot ang kanyang paningin.

“Ayon,” turo n’ong babae sa isang medyo may edad na babae pa na nakaupo habang naninigarilyo.

“Madam!” mala-lalaking tawag ni Teresita at hinila ako ng may pwersa. “Pinapakilala ko nga pala si Sabrina Legaspi, ang bagong sasali sa grupo natin. Kita mo naman, madam, madumi lang ‘yan pero maputi ‘yan tapos sexy!” Nirepresenta ako ni Teresita sa tinawag niyang madam. Napapakagat na lang ako ng labi sa ginagawa niya. Gustong-gusto kong kumontra pero parang naputulan yata ako ng dila.

Nilait pa niya akong madumi! Punit lang naman ‘yung damit ko pero naligo ako kanina. Nakiligo ako, hehe.

“Good! Welcome to our Club! Call me Madam Genevie,” pagpapakilala ni Madam at inilahad ang kamay. “Lima kayong bago at napakaswerte ninyo! Napakaswerte ng club natin dahil dumalo ang mga VIP’s ngayon at pipili sila, sa inyong mga bago, kung sino ang gusto nilang makatable o maarkila ng ilang araw. Malaking tip ‘yon! Mga milyonaryo sila! Teresita, ayusin mo siya at ipasuot mo ang pinakasexy’ng nighties para maakit niya ang mga millionaires!”

Huh? Anong…

“Oh! Magandang opportunity ‘to! Maswerte ka!” Hinila na naman ako ni Teresita sa isang sulok. “Okay, ligo ka muna and then balik ka rito, huh? Ito robe oh,” binigay niya ang isang roba sa akin at itinulak ako papasok sa banyo.

Teka naman!

Babaeng ‘to muntikan pa akong masubsob sa ginawa niya.

“Isipin mo na lang na malaking swerte ito para sa ‘yo. Mahirap ang buhay,” bulong niya bago niya isinarado ang pinto ng banyo. Napahawak ako sa dibdib ko. Kinakabahan ako sa mangyayari pero tama si Teresita, ayoko nang gumapang sa daan para makakakain lang.

Itong mukhang ‘to? Pagkakakakitaan ko ‘to. Masisira ang katawan ko pero hindi ko hahayaan na masira ang buhay ko tulad nang pang-aapi nila sa akin.

Katawan ang magiging puhunan…

Ayos lang ‘yon.

Judgemental man ang mga tao pero hindi nila alam ang pinagdadaanan ko.

Matapos kong maligo ay dumiretso ako sa isang sulok kung saan naroroon si Teresita na nagbihis na. Katulad siya n’ong babae kanina at mukhang sasayaw sila. Ang sexy talaga ni Teresita at ang laki-laki pa ng pwet niya.

“Come on, habang hindi pa kami nag-uumpisa,” aya niya habang inaayos ang buhok niya at ang lipstick niya. Ipinaupo niya ako sa stool, sa harap ng salamin, at sinimulang ayusin ang mukha ko. Masasabi ko na magaling si Teresita sa makeup dahil napaganda niya ako sa isang pitik lang. “Perfect! Told yah you’re pretty! Isuot mo na ‘to oh at titingnan ko kung gaano ka kasexy. Don’t worry, pwedeng hindi ka naman magheels basta’t nakaka-attract ‘yung sandals mo. Kami na ang bahala.”

Tango lang ako nang tango sa ipinapagawa ni Teresita sa akin. Napakagat ako ng labi ko nang makita ko ang hitsura ko sa salamin na halos lumabas na ang kasulok-sulokan ng katawan ko.

“Tere, ready na ba si Sabrina?” tanong ni Madam.

Hindi po.

“Opo!” Hinawakan ni Teresita ang kamay ko at ngumiti sa akin. “After naming sumayaw susunod na kayong hihilera sa harap. Relax ka lang huh? At alam mo ba nakakalaglag matres ‘yung mga VIPs!? Ang gugwapo, Jusko! Wala kang tatanggihan!” panghihikayat niya sa akin at dinala ako sa likod ng entablado. Umalis sa tabi ko si Teresita at pumunta sa harap kung saan may mga lalaking n*******d tapos mayroong pole.

Napatakip na lang ang bibig ko habang pinagmamasdan kong kumekembot si Teresita sa harap. God! Ganito ang trabaho niya? Hindi ko yata kayang magbuka-bukaka sa harap!

Hindi ko namalayan na sa sobrang pagtulala ay nakaakyat na pala si Madam sa harap para papuntahin na kami. Hindi ko pinahalatang nanginginig ang mga kamay ko. Hindi nga ako makangiti at pawis na pawis na ang mukha ko. Sana lang huwag mabura ang makeup ko kasi masasayang ang effort ni Teresita.

“VIPs, choose your best girl tonight! But, these girls…” itinuro kami isa-isa ni Madam at bigla siyang tumigil sa akin. Pinanlakihan niya ako ng mata kaya inayos ko ang sarili ko “are high costs. Let’s do the auction like. Ang pinakamataas na presyo ang makakakuha sa kanila ay magiging pag-aari niyo na sila nang ilang araw na gusto niyo but if you just want some few days with them, pwede niyo naman siyang ibalik. Basta kung tapos na kayo sa kanila, ibalik niyo sila sa club. But if you want to keep them forever, pwede naman.”

Naghiyawan naman ang mga kalalakihan.

Ano raw?! Ibig-sabihin if may magbabayad sa akin tapos hindi na niya ako ibabalik, anong mangyayari sa akin? What if pahirapan nila ako? What if patayin ako? What if gawin lang akong slave? What if…arghh!! Ayoko na rito!

Paghinga ng malalim ang nagawa ko. Dahan-dahan akong umaatras pero nasa likuran ko na agad si Madam kaya napatigil ako sandali.

“Umayos ka,” bulong niya at sinamaan ako ng tingin. “Huwag mo akong ipahiya,” dugtong niya bago umalis sa likuran ko. “Let’s start with number one, as you can see, she has a good body and skin. She has a pretty face too.” Mas lalong tumibok ang puso ko nang magsimula na silang magsitaasan ng kamay.

“I want her! Hey, guys, back off!” Sigaw ng isang lalaki at tumayo pa. Hindi na nakareklamo ang mga kasama niya nang hilain niya bigla ang babae sa stage at hinalikan ito sa labi.

Jusko po sana hindi ganyang lalaki ang makakuha sa akin at masasapak ko talaga siya. Nanghahalik bigla tapos sa maraming tao pa.

Parang gusto ko na lang tumakbo paalis dito nang matapos na lahat-lahat ang mga babae at pinag-aagawan sila. Sure ko naman na wala namang magbabayad sa akin. May mga lalaki pa na natira, mga VIPs na hindi nakapiling mga babae. ‘Yung mga lalaking nakapili kasi kanina ay nagsialisan na kasama ang mga babaeng kasama ko sa ibabaw ng stage. Nakakahiya! Ako na lang mag-isa! At nakakahiya itong suot ko na halos litaw na ang lahat.

At nakikita ko sa mga mata ng mga lalaking nakatingin sa akin ay puno nang pagnanasa.

Naiiyak na talaga ako.

Lamunin mo ako, stage!

Hindi na ako makangiti at hindi man lang makaangat ng tingin.

“Nahihiya yata siya.”

“Beginner siguro.”

“Mukhang inosente.”

“Virgin girl.”

Mas lalong namula ang pisngi ko nang marinig ko ang mga komento nila sa akin. Bumaling ako kay Teresita at sumenyas na kaya ko ‘to at sinenyas niya na ngumiti ako pero umiling lang ako ng mabagal at yumuko ulit para i-focus ang titig ko sa mga paa ko.

Please sana wala na lang pumili…

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mischelle Molina
hangang chapter 50 lang siya? asan po ang karugtong?
2024-09-02 15:14:09
0
user avatar
LoquaciousEnigma
HELLO PO SORRY FOR WAITING NABUSY LANG PO AKO NG ILANG LINGGO
2024-07-07 22:23:57
1
user avatar
Daisy Ang
Any update
2024-07-02 22:59:48
0
user avatar
LoquaciousEnigma
WAIT LANG PO SA UPDATE NABUSY AKO IN A WHOLE WEEK PO. BAWI AKO TOMORROW
2024-06-18 23:55:37
0
93 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status