LOGINNanlaki ang kanyang mga mata. Mas hinigpitan niya ang kapit, ngunit kahit anong gawin niya, patuloy pa ring kumakawala ang kanyang mga daliri.Bumigat ang kanyang dibdib. Sumikip ang paghinga niya. Unti-unting sinakop ng takot ang kanyang isipan.“Kaunti na lang… sandali na lang…” nanginginig niyang bulong, pilit pinapalakas ang sarili.Ngunit nang maramdaman niyang muling dumulas ang kanyang kamay, tuluyan nang bumigay ang kanyang tinig.“River… bilisan mo…” umiiyak niyang sigaw.Sunod-sunod na tumulo ang kanyang luha—luha ng takot, sakit, at desperasyon—habang mahigpit niyang hawak pa din ang basket, handang ibigay ang lahat para lang hindi sila bumitaw.Pero mukhang sa pagkakataong ito, kahit ilang beses siyang manalangin na sana makarating agad si River para iligtas sila bago siya mawalan ng lakas sa pagkapit ay unti-unti ng dumudulas ang kamay niya, kaunti na lang ay makakabitaw na siya.Mas umigting ang takot niya. Napayuko siya at tumingin sa baba. Napakataas ng babagsakan nila
Dahan-dahang inilabas ni Heather ang kutsilyong itinago niya sa loob ng kanyang damit. Kumislap ang talim nito sa ilaw, tahimik ngunit nagbabanta.Walang kaalam-alam si Axel sa paparating na panganib sa kanyang buhay.Mahigpit ang hawak ni Heather sa kutsilyo, nanginginig sa galit ang kanyang mga kamay habang unti-unti niyang itinaas ang sandata, handang ibaon sa likod ni Axel.Lumingon si Selena at nakita si Heather na naglalakad palayo.“Heather! Saan mo dadalhin ang mga bata?!” nanginginig na tanong niya.“Tapusin na natin ’to, Selena,” malamig na sabi ni Heather. “Dahil sa panlilinlang na ginawa sa ’kin ni Axel, wala na akong sasantuhin ni isa sa inyo. At uunahin ko na ang mga anak ninyo!”“Huwag!” sigaw ni Selena, pilit siyang lumapit.Napabalikwas siya nang makita ang ginawa ni Heather.Naglakad ito patungo sa bakal na railings at itinaas sa ere ang basket—kung saan naroon ang umiiyak na kambal.Parang kinuryente ang buong katawan ni Selena. Nanigas siya sa kinatatayuan habang m
Ngunit bago pa tuluyang pumutok ang baril, isang malakas na paghablot ang sumunod. Napaatras si Heather nang biglang mahigpit na hawakan ni Axel ang baril, pinipigilan ang pagputok nito.Parehong napatigil sina Selena at Heather—gulat sa biglaang paglitaw ni Axel.“Axel!” sigaw ni Heather, pilit binabawi ang baril. “Ano’ng ginagawa mo?! Bitawan mo ‘ko!”Ngunit hindi gumalaw si Axel. Mahigpit ang kapit niya—at mas matindi ang babala sa kanyang mga mata.Dahil sa mahigpit na hawak ni Heather sa baril, pilit itong inaagaw ni Axel. Sa biglaang paghablot niya, muling nagmintis ang bala—at muli, hindi ito tumama kay Selena.Nakahinga nang maluwag si Selena nang mapansing buhay pa rin siya at hindi tinamaan.Sa gitna ng marahas na agawan nina Heather at Axel sa baril, narinig ni Selena ang papalakas na pag-iyak nina Asher at Samuel mula sa basket na hawak pa rin ni Heather.Mukhang nagising ang kambal dahil sa ingay ng sigawan at sa sunod-sunod na pagputok ng baril. Lalo pang tumindi ang kan
“Ah—” napahagulhol si Selena sa matinding sakit, napahawak sa kanyang tagiliran habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Tahimik lamang siyang pinanood ni Axel. Sa likod ng malamig niyang ekspresyon, lihim na napakuyom ang kanyang kamao. Ang bawat hikbi ni Selena ay tila kutsilyong bumaon sa kanyang dibdib. Ngunit kailangan niya itong gawin—kailangan niyang saktan si Selena upang makumbinsi si Heather na wala na siyang balak suwayin ang mga gusto nito. Wala na siyang oras para magpaliwanag. Isang maling hakbang lang, at maaaring mapahamak ang mga anak nila. Kailangan muna nilang maging ligtas, mariing bilin ni Axel sa sarili. Ni siya man ay hindi tiyak kung hanggang saan kayang umabot ang kabaliwan ni Heather. Paano kung bigla nitong saktan sina Samuel at Asher? Tumalikod si Axel at naglakad palayo, nilampasan si Selena, diretso kay Heather. “Tara na, Heather,” malamig niyang sabi. Napangiti si Heather at tumango. “Sige. Tara na.” Ngunit bago tuluyang sumunod,
“Buhay ka pa pala,” natatawang sabi ni Klyde kay Heather.Tumaas ang kilay ni Heather. Kita sa mukha niya ang panunuya habang pinagmamasdan ang sinapit ni Klyde. “Naaawa ako sa ’yo, Klyde, pero nararapat lang naman ’yan sa ’yo.”Napangisi si Klyde. “Huwag kang mag-alala, Heather. Sasapitin mo rin ang kalagayan ko—maya-maya lang.”Nanginig ang buong katawan ni Heather sa sinabi ni Klyde. Sa namumulang mga mata niya ay bakas ang matinding galit.“Hinding-hindi ’yan mangyayari sa akin. Sa ’yo lang,” malamig niyang sagot.Pagkasabi nito, iniunat ni Heather ang kamay at walang pag-aatubiling pinaputukan si Klyde sa dibdib.Nabigla sina Selena at Axel sa ginawa ni Heather. Agad na napatingin si Axel kay Klyde at sinubukan pa itong agapan, ngunit nang suriin niya ang pinsan ay wala na itong buhay. Mababa na rin naman ang tsansa nitong mabuhay—masyado na itong nawalan ng dugo—kaya hindi na nakapagtataka na tuluyan itong namatay sa isa pang tama ng bala.Dahan-dahang binitiwan ni Axel si Klyde
Muling naramdam ni Selena ang matinding takot nang itutok muli sa kanya ang baril. Dahan-dahan siyang tumayo, hindi inaalis ang tingin sa sandata.“Kahit patayin mo pa ako ngayon,” mariing sabi niya, may panunuya sa tinig, “nariyan si Axel para ipaghiganti ako. Kahit anong gawin mo, Klyde—si Axel at si Axel pa rin ang tunay na tagapagmana ng mga Strathmore. Hindi ikaw!”“Hindi! Hindi ’yan mangyayari!” galit na sigaw ni Klyde. Nanginig ang kamay niyang may hawak ng baril. “Pagkatapos ko sa ’yo, isusunod ko si Axel—at ang huli, ang mga anak ninyo!”Napangisi siya, tumatawang parang baliw. “Doon na kayo sa kabilang buhay magkikita-kita at magsasama-sama!”Tumawa si Klyde nang tila nawawala na sa sarili, nilulunod ng kasiyahan ang isipin na mawawala na ang sinumang maaaring maging sagabal o hadlang sa kanyang mga plano.Nang makita ni Selena na papindot na ang daliri ni Klyde sa gatilyo ng baril, napapikit na lamang siya at tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang mukha.Ngunit sa halip na







