author-banner
Yarnie
Yarnie
Author

Novels by Yarnie

Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Read
Chapter: Chapter 8
Namumula ang buong mukha niya, magulo ang buhok, sinabayan pa na maypagka-kulot at buhaghag ang buhok niya. “Hannah, alam mo namang buntis ako. Ayoko namang maging ganiyan kasabig magiging itsura ng anak ko,” sabi ko pagkatapos ko siyang abutan ng tubig. Matamlay siyang ngumiti tumingin sa akin. “Buntis ka nga pala. Bawal ka mag-inom.”Kumunot ang noo ko. “Nakita mo na ngang buntis ang tao.” Umupo ako sa tabi niya. “Si Lucas nga hindi pa ako pinapayagan bumili ng ubas at baka raw malasing ako. Hindi naman ang pagkain ng ubas ang nakakalasing. Para namang hindi dadaan sa proseso iyong ubas para maging alak.”Nginitian lang ako ni Hannah. Umalis din siya agad matapos kong magkwento. Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat ng pakiramdam ko sa awra niya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Teru. Hihikab-hikab pa siya ng sagutin niya ang tawag. “Ano ba ’yon? Kung sasabihin mong hindi ka pupunta sa kasal, bababa ko na ’tong tawag.”“Hindi! Tungkol ’to kay Hannah.”“Ano namang pro
Last Updated: 2025-05-23
Chapter: Chapter 7
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang lumipat ako rito sa bahay ni Lucas. Ganoon palagi ang set up namin. Gigisingin niya ako ng ala sais at bibigyan ng mainit-init na tubig. Pagkatapos ay yayayain niya akong mag-exercise na good for the pregnant people daw. If I know, sa TV niya lang naman natutuhan iyon. Sa loob ng dalawang linggo na iyon, inaayos na rin namin ang mga papel at mga dapat ayusin para sa kasal namin. Sa katapusan din ng buwan na ito kami ikakasal. Mas maaga, mas maganda. Dahil mabilisan, kakaunti lang din ang bisita namin. Sa akin, sina Hannah, Solene at Teru lang pagkatapos sa kaniya ay si Lois at si Clark. Sa office naman ay mga lima lang ang inimbitahan namin, tanging mga ka-close namin. “Morales! Bakit iba ang papel na hawak ni Ma'am? Mag-print ka ulit doon!” himig ang inis sa boses ng manager namin kay Anthony, isa sa mga bagong aplikante. Sabay-sabay kaming napailing-iling nina Cloe at Janeth na sinamahan pa niya ng pag-irap sa hangin. “Velasco, baka
Last Updated: 2025-05-23
Chapter: Chapter 6
Naalala ko ang sagutan nina Teruya at Solene noong una naming malaman na baka may nangyari sa amin ni Lucas. “Matanda na si Miya. Alam niya na ang gagawin kung sakali mang nangyari ’yon. Masiyado ka lang makaluma kaya hindi mo matanggap.”Mali ka, Solene. Hindi ko alam ang gagawin ko. Litong-lito na ako.Hindi ko mabilang kung pang-ilang buntong hininga na ang narinig ko mula kay Teruya na nakahalukipkip habang nakatingin sa akin. Sa kaliwa ko ay nakaupo si Solene habang naghahanda naman ng kape at salad si Hannah sa kusina. “Nagkausap na ba kayo ni Lucas?” tanong ni Teru pagkalapag ni Hannah ng kape at salad sa lamesita. Bumagtas sa alaala ko ang senaryo noong huli namin siyang nakita ni Lois. Umiling-iling ako. “May kausap siyang iba,” sagot ko at nilantakan ang salad. Umupo sa kanan ko si Hannah at binuksan ang laptop niya. “Kailangan niyo na mapag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal.”Ibinaba ko ang kutsara at inilagay ito sa mangkok. Tumingin ako kay Teru. “Bakit ba gustong-g
Last Updated: 2025-05-21
Chapter: Chapter 5
Pinanood ni Lois kung paano akong yumuko at humawak sa tiyan ko. “Buntis ka ba?”Itinaas ko ang tingin ko at ngumiti ng maliit. Nanlaki ang mata niya at napahawak sa bibig.“Magiging Tito na ako?” gulat niyang sabi. Tumango-tango ako. Masayang-masaya siyang tumayo at nagsisigaw. “Magiging Tito na ako!”Napangiti ako. Ang refreshing pakinggan. Dahil puro kasal ang narinig ko sa bahay nang malaman namin na buntis ako. “Alam na ba ’to ni kambal? Paniguradong matutuwa iyon kapag nalaman niya.” Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling-iling. Napakunot noo naman siya. “Huwag mong sabihing itatago mo ’yan?”“Hindi naman. Sa ngayon kasi hindi pa klaro ang pag-iisip ko. Gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip-isip.”Bumuntong hininga siya.“Mabuti kang tao, Miya. Alam kong pipiliin mo pa rin ang mas makakabuti kaysa ikapapahamak mo at ng magiging anak mo.”“Sa tingin mo ba magiging isa akong mabuting ina?”“Oo naman. Ngayon pa lang na
Last Updated: 2025-05-21
Chapter: Chapter 4
Nakatulala lamang ako sa kawalan, hinihiling na mahila rin ng malakas na hangin ang mga dalahin ko. Una, nag-propose ako kay Lois. Pangalawa, nalaman kong nagalaw pala ako ng kapatid niya. Pangatlo, gusto akong ipakasal ni Teruya kay Lucas at maghihiwalay din kami pagkatapos ng dalawang taon. Ano ba namang logic ‘yon? “Miya?”Nilingon ko ang maliit na boses na iyon. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Lois. Sigurado akong si Lois ito dahil mabango ang awra niya. Bagsak ang buhok at may suot na salamin kumpara kay Lucas na tuwing nagtatrabaho lang nagsasalamin at palaging magulo ang style ng buhok. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya nang makalapit. Uupo na sana siya sa tabi ko nang harangan ko ito ng kamay ko. “Sa iba ka umupo, huwag dito.”“Sungit.”Umupo siya sa katapat kong upuan. Nasa rooftop kami ng isang sikat na kainan dito. Dahil maaga pa ay walang masiyadong tao. “Kumusta pala? Nakausap mo ba si bal? Sabi niya kanina pupuntahan ka niya, e.”Hindi ako kumibo. “H
Last Updated: 2025-05-21
Chapter: Chapter 3
Kinuha ko ang cellphone ko at nahiga. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang chat sa akin ni Lucas. Lucas Chavez: BabeYou: Pinagsasabi mo?Lucas Chavez: usap tayoYou: Wala tayong pag-uusapanLucas Chavez: nalaman ko iyong nangyari kanina. Handa naman akong magpaliwanag at panagutan ka. Naibato ko ng ’di oras ang cellphone na hawak ko. Gumulong ito pababa sa kama. Dinidiliryo na ba ako? Bakit ganito nababasa ko? Anong panagutan? Nagtalukbong ako ng kumot at pilit na itinulog ang lahat ng ito. Kinabukasan maaga akong bumangon dahil sa paulit-ulit na busina sa labas. Pupungas-pungas pa ako nang buksan ko ang pinto para lang tumambad sa harapan ko si Lucas na bihis na bihis at may hawak pang bouquet. Pagkakita sa kaniya ay isinarado ko ulit ang pinto. Kay aga-aga mukha niya agad ang nasilayan ko. “Miya! Pagbuksan mo ako ng pinto! Marami pa tayong pag-uusapan bilang couple na ikakasal!”Marahas akong napakamot sa ulo ko at inis na inis na binalingan ang pinto. Binuksan ko ito at
Last Updated: 2025-05-21
You may also like
My Married Lover
My Married Lover
Romance · Jeadaya_Kiya18
9.9K views
Hiding Son Of Atlas Gilmore
Hiding Son Of Atlas Gilmore
Romance · Baddie_Cutie8
9.9K views
Revenge To My Ex Lover
Revenge To My Ex Lover
Romance · Midnight Lover
9.9K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status