Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
View MoreNapahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit na nararamdaman. Dahan-dahan akong umupo sa higaan ngunit napapikit lang ako ng mariin dahil sa sakit na nararamdaman lalo na sa pribadong parte ng katawan ko. Napatingin ako sa direksyon nina Teruya nang magsalita ito.
“Tangina,” malutong na saad ni Teruya habang mahigpit ang hawak sa cellphone niya. “Hoy! Sabi ko huwag ka na magmumura ’di ba? Matthew chapter five verse twenty-two states that you shall not say any cursing words!” pagkontra ni Hannah sa kaniya. Inirapan lang siya ni Teruya at tinuon ulit ang pansin sa cellphone niya na malapit na nga yatang masira. “May siraulo kasing nag-set ng relationship status namin sa F******k. Nakalagay pa na anniversary namin ay ngayon. Tangina talaga.” Humingang malalim si Hannah. “Puwede ka naman magsalita ng hindi nagmumura. Puwede ka naman magreklamo ng walang minumurang tao.” Nang hindi siya pansinin ng lalaki ay lumingon sa akin si Hannah at dali-dali akong nilapitan. “Maya! Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Dadalhan kita ng hangover soup mo!” Hindi pa ako nakakasagot ay nagtatakbo na siya palabas ng kwarto. Isinandal ko lamang ang ulo ko sa headboard ng kama. Ramdam na ramdam ko ang sakit, nanunuot hanggang buto. Ano bang pinaggagawa ko kagabi at ganito kasakit ang katawan ko? Pagkalabas niya ay siya namang pagpasok ni Solene. Nakasuot ito ng dress na pink na tinernuhan niya ng pink na hairclip. Pagpasok na pagpasok pa lang niya ay kunot na kunot na ang noo niya at tinalakan agad ako. “Ano? Hilong talilong ka ngayon? Kaya palagi ko ngang sinasabi sayo na huwag kang uminom! Tatlong maliit na baso nga lang ay puwede na sayo! Pero anong ginawa mo?” Bumuntong hininga siya at umupo sa dulo ng higaan. “Hindi ka na nadala. Pinilit mo pa si Lucas na ihatid ka pauwi!” Natulala ako at pilit na inintindi ang sinabi niya. Tama ba ang pagkakarinig ko? “Ano?” “Hindi mo ba naalala nangyari kagabi?” singit ni Hannah matapos niyang ilapag ang mangkok na puno ng mainit na sabaw sa side table ko. Umiling-iling ako. “Ano bang ginawa ko?” “Katangahan,” sabat ni Teruya. Sinamaan siya ng tingin ni Hannah at binato ng unan. Ayan nagsalita ka pa kasi. Solene's frown changed into grin. “Wow! Malaking eksena ’to. Mukhang kailangang kong pumasok mamaya, a.” Binatukan naman siya ni Hannah. “Akala ko ba hindi ka papasok?” nagtatakhang tanong ni Teruya kay Solene na palabas na ngayon ng kwarto ko. She shrugged. “I changed my mind. I want to watch the scene that will happen later in the office, byei!” And just like that, she disappeared. I'm now more curious about what I just did when I was so drunk. “May masakit ba sayo?” Dahan-dahan akong tumango. Sobrang sakit lalo na sa private part ko,” sagot ko sa kaniya at inabot ang dala niyang sabaw. “Ano?!” Muntik ko nang mabitawan ang hawak na mangkok sa pagkagulat dahil sa reaksyon ni Teruya. “Huwag mong sabihing naisuko mo na ang perlas?!” Napakurap-kurap ako. “H-hindi ko alam. Wala akong maalala.” “Lintik na ’yan. Si Lucas lang ang naghatid sayo rito pauwi! Alas tres ka na niya inuwi rito sa bahay! Sabi na nga ba may kakaibang nangyari nang iuwi ka niya nang ganoong oras, e!” Pabalik-balik siya ng paglalakad. Mas balisa pa siya kaysa sa akin. Nakakuyom din ang kamao niya at anumang oras ay handang manapak. Ihahatid pa sana niya ako sa trabaho pero hindi na ako pumayag. Baka bigla niya lang sugurin si Lucas. Hindi naman din kami sigurado kung may nangyari nga ba sa amin. Magkahalong kaba at hilo ang nararamdaman ko nang pumasok. Ayoko namang mag-absent. Kapag nagpasa ako ng letter of absence ay paniguradong makakaltasan lang ang sweldo ko. Nakahawak pa rin ako sa ulo ko habang hinihintay na magbukas ang elevator. “You're sobber now, aren't you?” alanganing tanong ni Lucas nang humarap ako sa kaniya. Katabi niya lang akong naghihintay din sa pagbukas ng elevator. “May nangyari ba sa atin?” Umubo siya bigla habang nakatingin sa akin, nanlalaki ang mata at tila ba hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ko. “Lasing ka pa ba?” Bumuntong hininga ako. “Wala akong maala—” Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang mag-flashback sa akin ang nangyari kagabi. Nasa isang kwarto kami at mapusok kong hinahalikan ang lalaking nakayapos sa akin. Pinalibot ko pa ang binti ko sa bewang niya habang lumilikot naman ang kaliwang kamay niya sa likod ko at tinatanggal ang bra ko. Hanggang sa mapunta kami sa kama at gumawa ng milagro... Napahawak ako sa bibig ko at nanlalaki ang matang tumingin sa katabi ko ngayong gulong-gulo sa reaksyon ko. “Siraulo, anong nangyari kagabi?!” natatakot kong tanong sa kaniya. “Hindi mo talaga naalala?” naguguluhan niyang tanong. Umiling-iling ako. “Nangisda ka lang naman sa kanal. Pinahanap mo pa ako ng tali tapos nangupit ka pa ng stick sa walis tingting doon sa mga bahay-bahay. Pagbalik ko nagulat na lang ako may inuupuan ka na, ni hindi ko alam kung saang lupalop mo nakuha.” Bumukas na ang elevator at pumasok na kami. Siya na ang pumindot lalo na at sa iisang floor lang din naman ang pupuntahan namin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kung ayon pala ang ginawa ko kagabi, ano iyong nag-flashback sa utak ko? “Ang malala pa, dahil sa kabaliwan mo, 3 am na tayo nakauwi!” sabi niya. “For your sake, madaling araw na tayo nakauwi sa inyo! Hindi ako nagpupuyat ng ganoon katindi pero dahil sayo napilitan akong gawin.” Napahawak siya sa buhok niya at marahang ginulo ito. “Gusto ka na nga naming iwan, especially when you cried in front of the emergency entrance because of someone’s family!” Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Wala akong maalalang ganoon. Ang naalala ko lang ay iyong...bigla akong kinilabutan dahil para kong nararamdaman ang mainit na haplos sa katawan ko. Napahawak ako sa braso ko at hinimas ito. “Okay ka lang ba?” “Sure ka bang iyon lang ang nangyari, Lucas?” tanong ko ulit dito. “Lucas? Hindi ako si Lucas.”Namumula ang buong mukha niya, magulo ang buhok, sinabayan pa na maypagka-kulot at buhaghag ang buhok niya. “Hannah, alam mo namang buntis ako. Ayoko namang maging ganiyan kasabig magiging itsura ng anak ko,” sabi ko pagkatapos ko siyang abutan ng tubig. Matamlay siyang ngumiti tumingin sa akin. “Buntis ka nga pala. Bawal ka mag-inom.”Kumunot ang noo ko. “Nakita mo na ngang buntis ang tao.” Umupo ako sa tabi niya. “Si Lucas nga hindi pa ako pinapayagan bumili ng ubas at baka raw malasing ako. Hindi naman ang pagkain ng ubas ang nakakalasing. Para namang hindi dadaan sa proseso iyong ubas para maging alak.”Nginitian lang ako ni Hannah. Umalis din siya agad matapos kong magkwento. Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat ng pakiramdam ko sa awra niya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Teru. Hihikab-hikab pa siya ng sagutin niya ang tawag. “Ano ba ’yon? Kung sasabihin mong hindi ka pupunta sa kasal, bababa ko na ’tong tawag.”“Hindi! Tungkol ’to kay Hannah.”“Ano namang pro
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang lumipat ako rito sa bahay ni Lucas. Ganoon palagi ang set up namin. Gigisingin niya ako ng ala sais at bibigyan ng mainit-init na tubig. Pagkatapos ay yayayain niya akong mag-exercise na good for the pregnant people daw. If I know, sa TV niya lang naman natutuhan iyon. Sa loob ng dalawang linggo na iyon, inaayos na rin namin ang mga papel at mga dapat ayusin para sa kasal namin. Sa katapusan din ng buwan na ito kami ikakasal. Mas maaga, mas maganda. Dahil mabilisan, kakaunti lang din ang bisita namin. Sa akin, sina Hannah, Solene at Teru lang pagkatapos sa kaniya ay si Lois at si Clark. Sa office naman ay mga lima lang ang inimbitahan namin, tanging mga ka-close namin. “Morales! Bakit iba ang papel na hawak ni Ma'am? Mag-print ka ulit doon!” himig ang inis sa boses ng manager namin kay Anthony, isa sa mga bagong aplikante. Sabay-sabay kaming napailing-iling nina Cloe at Janeth na sinamahan pa niya ng pag-irap sa hangin. “Velasco, baka
Naalala ko ang sagutan nina Teruya at Solene noong una naming malaman na baka may nangyari sa amin ni Lucas. “Matanda na si Miya. Alam niya na ang gagawin kung sakali mang nangyari ’yon. Masiyado ka lang makaluma kaya hindi mo matanggap.”Mali ka, Solene. Hindi ko alam ang gagawin ko. Litong-lito na ako.Hindi ko mabilang kung pang-ilang buntong hininga na ang narinig ko mula kay Teruya na nakahalukipkip habang nakatingin sa akin. Sa kaliwa ko ay nakaupo si Solene habang naghahanda naman ng kape at salad si Hannah sa kusina. “Nagkausap na ba kayo ni Lucas?” tanong ni Teru pagkalapag ni Hannah ng kape at salad sa lamesita. Bumagtas sa alaala ko ang senaryo noong huli namin siyang nakita ni Lois. Umiling-iling ako. “May kausap siyang iba,” sagot ko at nilantakan ang salad. Umupo sa kanan ko si Hannah at binuksan ang laptop niya. “Kailangan niyo na mapag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal.”Ibinaba ko ang kutsara at inilagay ito sa mangkok. Tumingin ako kay Teru. “Bakit ba gustong-g
Pinanood ni Lois kung paano akong yumuko at humawak sa tiyan ko. “Buntis ka ba?”Itinaas ko ang tingin ko at ngumiti ng maliit. Nanlaki ang mata niya at napahawak sa bibig.“Magiging Tito na ako?” gulat niyang sabi. Tumango-tango ako. Masayang-masaya siyang tumayo at nagsisigaw. “Magiging Tito na ako!”Napangiti ako. Ang refreshing pakinggan. Dahil puro kasal ang narinig ko sa bahay nang malaman namin na buntis ako. “Alam na ba ’to ni kambal? Paniguradong matutuwa iyon kapag nalaman niya.” Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling-iling. Napakunot noo naman siya. “Huwag mong sabihing itatago mo ’yan?”“Hindi naman. Sa ngayon kasi hindi pa klaro ang pag-iisip ko. Gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip-isip.”Bumuntong hininga siya.“Mabuti kang tao, Miya. Alam kong pipiliin mo pa rin ang mas makakabuti kaysa ikapapahamak mo at ng magiging anak mo.”“Sa tingin mo ba magiging isa akong mabuting ina?”“Oo naman. Ngayon pa lang na
Nakatulala lamang ako sa kawalan, hinihiling na mahila rin ng malakas na hangin ang mga dalahin ko. Una, nag-propose ako kay Lois. Pangalawa, nalaman kong nagalaw pala ako ng kapatid niya. Pangatlo, gusto akong ipakasal ni Teruya kay Lucas at maghihiwalay din kami pagkatapos ng dalawang taon. Ano ba namang logic ‘yon? “Miya?”Nilingon ko ang maliit na boses na iyon. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Lois. Sigurado akong si Lois ito dahil mabango ang awra niya. Bagsak ang buhok at may suot na salamin kumpara kay Lucas na tuwing nagtatrabaho lang nagsasalamin at palaging magulo ang style ng buhok. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya nang makalapit. Uupo na sana siya sa tabi ko nang harangan ko ito ng kamay ko. “Sa iba ka umupo, huwag dito.”“Sungit.”Umupo siya sa katapat kong upuan. Nasa rooftop kami ng isang sikat na kainan dito. Dahil maaga pa ay walang masiyadong tao. “Kumusta pala? Nakausap mo ba si bal? Sabi niya kanina pupuntahan ka niya, e.”Hindi ako kumibo. “H
Kinuha ko ang cellphone ko at nahiga. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang chat sa akin ni Lucas. Lucas Chavez: BabeYou: Pinagsasabi mo?Lucas Chavez: usap tayoYou: Wala tayong pag-uusapanLucas Chavez: nalaman ko iyong nangyari kanina. Handa naman akong magpaliwanag at panagutan ka. Naibato ko ng ’di oras ang cellphone na hawak ko. Gumulong ito pababa sa kama. Dinidiliryo na ba ako? Bakit ganito nababasa ko? Anong panagutan? Nagtalukbong ako ng kumot at pilit na itinulog ang lahat ng ito. Kinabukasan maaga akong bumangon dahil sa paulit-ulit na busina sa labas. Pupungas-pungas pa ako nang buksan ko ang pinto para lang tumambad sa harapan ko si Lucas na bihis na bihis at may hawak pang bouquet. Pagkakita sa kaniya ay isinarado ko ulit ang pinto. Kay aga-aga mukha niya agad ang nasilayan ko. “Miya! Pagbuksan mo ako ng pinto! Marami pa tayong pag-uusapan bilang couple na ikakasal!”Marahas akong napakamot sa ulo ko at inis na inis na binalingan ang pinto. Binuksan ko ito at
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments