Mag-log inHector Revamonte's beloved fiance runaway for another man. Kaya ang kapatid ng fiance niya ang dumating sa altar. Malamig si Hector kay Josephine. Wala itong pakialam sa asawa niya. He never treat her as his wife or appreciate her efforts for being a good housewife. Nagtiis si Josephine dahil kailangan ng pamilya nila Hector. Until their 3rd anniversary come. Doon natauhan si Josephine. Umalis siya ng bansa. Kasabay nang pag-iwan niya kay Hector ay nag-iwan din siya ng annulment paper. Sa muli pagbabalik ni Josephine sa bansa, ibang-iba na ito sa simpleng dalaga na napangasawa ni Hector. Kapag dumaraan ito, napapalingon ang mga tao sa paligid niya. Namamangha ang mga lalake at naiinggit naman ang mga babae kung gaano ito kaganda at sexy. She thought everything was settled. But she was wrong. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pinipirmahan ni Hector ang kanilang annulment.
view moreNabitawan ko ang cellphone habang nagrereplay sa isipan ko ang napanood na sex video nina Hector at Gabriella. Napatulala ako at nanginig.
Alam ko naman na kahit ako na ang asawa ngayon, si Gabriella pa rin ang nagmamay-ari sa puso ni Hector. And there's nothing I can do about it. Ni hindi nga niya ako tignan sa mga mata, ang ibigin pa kaya at itratong asawa? Nananaginip ako ng gising sa kaisipang maibabaling din ni Hector ang pagtingin nito kay Gabriella sa akin, kung magiging mabuting may-bahay ako para dito.
Tatlong taon na rin akong nagtitiis maging mabuting may-bahay ni Hector. Hindi ako pumapalya sa pananatiling malinis at maayos ang bahay namin. Naghahanda ng gamit niya at pagkain sa araw-araw. Pero ni minsan, hindi ako nakatanggap ng ‘thank you’ mula sa asawa ko.
Pagak akong natawa at napailing na pinahid ang tumulong luha na hindi ko namalayan. Para akong nauntog bigla at natauhan sa aking pinaggagagawa sa buhay.
Bakit nga ba ako nagtitiis maging asawa ng isang Hector Revamonte?
Wala naman akong napapala dito. Tanging ang mga magulang naming selfish ang nakikinabang sa pagiging may-bahay ko sa isang Revamonte. Kaya bakit pa ako magtitiis habang buhay kung pwede naman akong tumakbo at lisanin ang bahay na kinakukulungan ko.
Napatitig ako sa suot kong wedding ring. Napahaplos ako doon na may matabang ngiti sa mga labi. Nangilid ang luha ko na namigat ang dibdib habang marahang hinahaplos ang wedding ring ko.
“Ayoko na. Ayoko na sa titolong maging asawa niya,” usal ko.
Matapos kong mailabas ang sama ng loob ko, nakapagdesisyon na ako. Bumaba ako sa kama. Nagtungo sa closet ko at inabot ang dalawang malaking maleta ko sa taas ng closet. Dinala ko iyon sa gilid ng kama at binalikan ang closet. Binuksan ko iyon at kinuha lahat ng mga damit kong naroon. Wala naman kasing binili si Hector na damit ko. Maski isang panty ay wala akong natanggap mula sa asawa ko.
May hawak akong card na pag-aari ni Hector. Pero ginagamit ko lang iyon kapag naggo-grocery ako o nagbabayad ng bills namin sa bahay. Para hindi ko na siya inaabala.
Isa-isa kong isinilid ang mga damit na kinuha ko sa closet sa malaking maleta ko. Hindi ko rin maipaliwanag pero bawat pagsilid ko ng gamit sa maleta ko, unti-unting naiibsan ang bigat sa dibdib ko. Na parang ako na mismo ang kumakalas sa mga nakatali sa mga kamay at paa ko para makawala ako at tuluyang makalaya sa kinakukulungan ko.
Hanggang sa matapos na akong mag-empake. Pasado alasdose na rin ng gabi. Inabot ko muli ang cellphone ko at nagtungo sa tapat ng bintana. Tinawagan ko ang kaibigan kong si Erikson dahil ito lang naman ang maaasahan ko. Hindi naman nagtagal, sumagot ang binata mula sa kabilang linya.
“Bakit nanggagambala ka sa kalagitnaan ng gabi?” namamaos ang boses na saad ni Erikson mula sa kabilang linya.
Napalapat ako ng labi. Halata kasi sa boses ni Erikson na nabulabog ang pagkakahimbing nito. Napatikhim ako na huminga ng malalim bago nagsalita.
“I… I need your help, Erikson. Please help me… get out of this house,” sabi ko na napalunok.
Bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ang pangangatog ng mga tuhod na sa wakas ay naisatinig ko ang katagang iyon.
“Am I dreaming? Si Josephine Gomez Revamonte, nagpapatulong sa akin na makaalis na sa poder ng gagong asawa niya?” hindi makapaniwalang bulalas ni Erikson mula sa kabilang linya.
Mahina akong natawa at napailing. Napakamot pa ako sa kilay. Hindi ko na kasi mabilang kung ilang beses na akong sinabihan ni Erikson na iwanan na si Hector. Pero dahil sa pagmamahal ko sa aking mga magulang, hindi ko magawang sumuway sa mga ito. Dahil alam kong malaki ang magiging epekto nito sa family business namin.
“Pwede mo ba tawagan ang lawyer mo? Ipahanda mo ang annulment papers namin ni Hector as soon as possible. Gusto ko nang makaalis sa pamamahay na ito. It's time for me to choose myself and do what I want to do. Tama na ang tatlong taon kong pagtitiis at sakripisyo. Kung itatakwil ako ng mga magulang ko sa gagawin kong ito? Then so be it. Magiging masaya ako na makalaya sa kanilang lahat,” saad ko na puno ng determinasyon ang boses at mukha.
“Congratulations then. Finally, naimulat mo na rin ang mga mata mo at nagising ka na sa katotohanan. Huwag mo nang alalahanin ang annulment papers niyo, matagal na iyong nakahanda dahil alam kong darating din ang oras na ito. Na matatauhan ka, mapapagod at magigising sa katotohanan. Bukas na bukas ay dadalhin ng lawyer ko ang annulment papers niyo ni Revamonte diyan sa bahay niyo. Kaya ihanda mo na ang mga dapat mong dalhin, okay?” sagot ni Erikson sa akin na napangiti.
“Thank youn I owe you this,” maluha-luhang pasasalamat ko sa kaibigan. “Can you book me a flight tomorrow? Kahit saan... basta makaalis lang ako ng bansa. Gusto ko lang munang lumayo at mag-take ng short vacation para sa sarili ko. Dahil pagbalik ko, magfo-focus na ako sa dalawang trabaho ko.” Ani ko na napakalambing ng boses.
Napailing naman si Erikson na napangiti. Saka lang kasi ako naglalambing sa kanya kapag may favor akong hinihingi na malugod niya namang ipinagkakaloob sa akin.
“Ako nang bahala. Magkita tayo bukas sa airport. Eight o'clock in the morning,” anito na ikinatango-tango ko.
“Thanks again. Goodnight,” pamamaalam ko sa kaibigan.
“Goodnight.”
Kinabukasan, maaga akong bumangon at naligo. Inayos ko ang sarili at saka naghihintay sa sala. Baka sakaling uuwi si Hector para pormal akong makapagpaalam dito.
Naupo ako sa pangsolohang sofa na hinihintay ang pagdating ni Hector. Hindi pa man umiinit ang pwet ko mula sa pagkakaupo ay dinig kong bumukas ang gate namin at nagbusina si Hector.
Napalunok ako. Pinagsalinop ang mga palad at pinipigilan ang pangangatog ng aking mga tuhod. Kailangan kong ipakita kay Hector na seryoso ako sa sasabihin. Ayaw ko nang patagalin pa ang lahat sa amin. Tapos na ako sa pagiging sunod-sunuran sa asawa at mga magulang ko.
Bumukas ang front door namin at inuluwal no’n ang asawa ko. Gusot-gusot pa ang long sleeve white polo nito at nakabukas ang ilang butones no’n sa bandang dibdib. Halatang bagong gising lang din ito at sabog-sabog pa ang buhok. Hawak ang navy blue coat at briefcase ay naglakad ito palapit na hindi man lang sinulyapan ang asawang nakaupo sa sala. Akmang papasok na siya sa silid niya para maligo at makapagbihis nang tumayo ako at nagsalita na buong-buo ang boses.
“Maghiwalay na tayo. Sign our annulment papers so that you can marry the woman you really loved.” Ani ko na kalmado at buong-buo ang boses.
He was freezed at a seconds. Hanggang sa mag-sink-in sa utak niya ang sinaad ko. Pumihit ito paharap sa akin na blangko ang expression at malamig ang tinging iginawad sa asawa niya. Nagulat pa siya dahil sinalubong ko ang mga mata niya, katulad niya, napakalamig din ng mga titig ko at kita ang determinasyon sa mga iyon.
Sa isip-isip niya, nagtatampo lang ako. Dahil sinadya niyang hindi umuwi kagabi at alam niyang anniversary namin. Idagdag pang dumating si Gabriella, ang babaeng minamahal niya. Kaya hindi na siya umuwi at tumuloy sa hotel at sinulit ang tatlong taon nilang pagkakahiwalay ni Gabriella. Ilang araw lang kasi ang dalaga dito sa bansa. Kaya naman sinulit na niya ang gabi na kasama ito at buong magdamag ipinadama kung gaano niya ito kamahal at kung gaano siya nangungulila sa kanyang mahal.
“Wala akong oras para sa mga drama mo sa buhay, Josephine. Kung ginagawa mo ito para makuha ang attention ko? Pwes nagkakamali ka. Dahil nabubwisit lang ako sa kaartehan mo,” may diing pang-uuyam nito na matalim ang tinging ginagawad sa asawa nito.
Pero ni hindi ako nagpatinag. Humakbang pa ako palapit dito na napalunok. Ngayon ko lang kasi natitigan nang may katagalan ang mukha ng asawa ko sa nakalipas na tatlong taon. Dahil wala naman akong pakialam dito kahit nandidito siya sa kanyang pamamahay.
“Kung gano’n, pirmahan mo na ang annulment natin, Hector. Ako rin, pagod na ako. Itong titulo ng pagiging legal wife na ibinigay mo sa akin, three years ago? Ibinabalik ko na sa’yo. Ibigay mo ito sa babaeng nais mong magdala ng titolong ito. Dahil ako? Ibinabalik ko na. Pagod na akong maging asawa mo.” Madiing saad ko na matiim na nakatitig sa mga mata nitong napalunok.
“And this?” dagdag ko na ipinakita ang suot na wedding ring.
Napailing ako. Walang emosyon ang mga matang nakatitig sa aking asawa. Dahan-dahan ko iyong hinubad mula sa aking daliri na ikinasulyap ni Hector doon. Iniabot ko iyon kay Hector pero tinitigan lang iyon ng asawa ko. Kaya naman kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa palad ang singsing.
“Ibinabalik ko na ang simbolo ng pagiging legal wife ko sa’yo. Katulad nang sinabi ko kanina… maghiwalay na tayo. Pirmahan mo lang ang annulment natin. Tapos ang usapan, Mr Hector Revamonte.” Ani ko na may diin ang bawat salita.
Tinalikuran ko na siya. Pumasok ako sa silid na napasandal sa may pintuan. Napapikit ako na napabuga ng hangin. Para akong nabunutan ng tinik na nasabi ang mga gusto kong sabihin kay Hector.
Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi na para akong nakalaya sa aking ginawa. Napailing ako na naglakad sa harapan ng vanity mirror ko. Isa-isang isinilid sa bag ang mga gamit ko doon. Pagkatapos ay inayos ko muna ang sarili at saka lumabas ng silid dala ang mga gamit ko sa dalawang kamay.
Napalunok pa ako na makitang nandoon pa rin si Hector sa tapat ng pintuan ng silid niya. Napalingon si Hector sa akin nang lumabas ako pero tumalikod na ako.
Alam kong ito rin ang gusto ni Hector. Ang makalaya kaming dalawa sa kasal na hindi namin ginusto. At ngayon ay ibinibigay ko na ang favor dito. Katulad ko kasi, takot si Hector sa kanyang mga magulang. Kaya sumusunod ito sa anumang ipagawa sa kanya ng mga magulang niya. Kahit na labag iyon sa loob niya.
Napakuyom ng kamao ko habang nakatitig sa likuran ko. Bawat paghakbang ko patungo sa front door ng bahay namin hila sa dalawang kamay ang dalawang malalaking maleta ay para siyang kinukurot sa puso.
**
Nang magsarado ang pintuan paglabas ni Josephine, doon ako nahimasmasan. Ngayon lang nag-sink-in sa isipan ko ang tinuran niya. Na gusto ko niyang makipaghiwalay sa akin at ibinabalik na rin niya ang titulong ipinagkaloob ko sa kanya, tatlong taon na ang nakalipas.
Pagak akong natawa at napailing, saka pumasok sa silid na naligo. Pakiramdam ko ay binabangungot ako. Wala ibang mapupuntahan si Josephine. Tiyak na uuwi lang din siya pabalik dito sa bahay namin.
“Sige, Josephine. Umalis ka hangga’t gusto mo. Hindi kita hahabulin. Hindi ako magmamakaawa na bumalik ka rito sa bahay.”
Dalawang palapag ang bahay na may salamin na dingding ang binili ko sa BGC. Sa loob ay white at gold ang kulay ng mga gamit. Nagsusumigaw ang karangyaan nito at elegante tignan. Fully carpeted at may malaking chandelier pa sa gitna ng ceiling. Napakakintab din ng sahig na halos pwede ka nang magsalamin doon. Kumpleto sa appliances at may mga nakasabit pang paborito kong portrait na pinasadya talaga ni Erikson para sa akin.“Sir, pasensiya na, pero hindi po talaga pwede. Pribado po ang villa na ito at pakiusap, matatanggal kami sa trabaho sa ginagawa niyo.”Napadilat ako ng mga mata na mahagip ng pandinig na nagkakagulo sa labas ng bahay ko. Nangunot ang noo ko na bumangon. Napalingon ako sa labas at kita ko naman ang gate dahil salamin ang dingding.Lalong nagsalubong ang mga kilay ko na mapatitig sa tatlong guard ko na may hinaharang na lalaki sa labas ng gate at tila nagpupumilit itong pumasok.Isinuot ko ang aking stiletto na lumabas ng bahay. Napahawi pa ako sa wavy kong buhok at
Ninanamnam ko ang magkahalong init ng sikat ng araw at ang malamig na simoy ng sariwang hangin. Matapos kong lumisan sa bahay ni Hector, tumuloy ako sa airport. Doon ko na hinintay ang lawyer ni Erikson at pinirmahan muna ang annulment papers namin ni Hector bago ako tumuloy sa London.Dito kasi ako ini-book ng flight ni Erikson. Para magbakasyon muna at ipahinga ang isip at katawan ko mula sa nakaka-stressed na relasyon. Kahit paano ay nalilibang din ako sa pananatili sa London.Magmula nang dumating ako dito, tanging si Erikson lang ang nakakausap ko sa Pilipinas. Ni hindi na ako nag-abalang kausapin ang mga magulang ko at ipaalam ang tungkol sa pakikipaghiwalay ko kay Hector. Alam ko na rin namang hindi papayag ang mga iyon, lalo na ang ama ko. Dahil posibleng mag-pullout ng investment at shares ang mga magulang ni Hector sa kumpanya namin kapag mapag-alaman ng mga Revamonte na naghiwalay na kami ni Hector. Tiyak niyang ibabalik lang ako sa poder ni Hector. Kaya mas minabuti kong l
Nabitawan ko ang cellphone habang nagrereplay sa isipan ko ang napanood na sex video nina Hector at Gabriella. Napatulala ako at nanginig.Alam ko naman na kahit ako na ang asawa ngayon, si Gabriella pa rin ang nagmamay-ari sa puso ni Hector. And there's nothing I can do about it. Ni hindi nga niya ako tignan sa mga mata, ang ibigin pa kaya at itratong asawa? Nananaginip ako ng gising sa kaisipang maibabaling din ni Hector ang pagtingin nito kay Gabriella sa akin, kung magiging mabuting may-bahay ako para dito.Tatlong taon na rin akong nagtitiis maging mabuting may-bahay ni Hector. Hindi ako pumapalya sa pananatiling malinis at maayos ang bahay namin. Naghahanda ng gamit niya at pagkain sa araw-araw. Pero ni minsan, hindi ako nakatanggap ng ‘thank you’ mula sa asawa ko.Pagak akong natawa at napailing na pinahid ang tumulong luha na hindi ko namalayan. Para akong nauntog bigla at natauhan sa aking pinaggagagawa sa buhay.Bakit nga ba ako nagtitiis maging asawa ng isang Hector Revamon



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)














Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.