Chapter: CHAPTER 65 => Accepting the heartbreaking truth.Dahan-dahang dumilat si Yukisha. Napatingin kay Xayvier. Mahinang ngumiti. “Xay…” bulong nito, halos walang lakas. Tumango siya. Lumuhod sa tabi ng kama. Hinalikan ang palad nito. “Yuki…” "Ang baby natin…?" Hindi agad siya sumagot. Tumingin siya sa mga mata nito, mga matang puno ng inaasam na sagot. Pag-asa. Pero alam niyang ang isasagot niya ay isang bagyong hindi nito inaasahan. Tumingin siya sa sahig. Napapikit. Nanginginig ang boses. “Hindi siya... hindi siya naka-survive.” Tahimik. Tahimik ang buong silid. Napahawak si Yukisha sa tiyan niya. Walang galaw. Hindi rin siya umiyak agad. Para bang hindi totoo. Para bang inisip niya’y baka nananaginip lang siya. “Hindi…” mahinang bulong nito. “Hindi, Xay…” Napatakip ng bibig si Delilah at Donatella habang lumalayo sa kama. Ang nurse ay tahimik na lumabas. Si Xayvier ay nanatiling nakaluhod, pinipilit yakapin si Yukisha. “Yuki… I’m sorry… They did everything…” "Umalis ka," mahina pero mariin na utos ni Yukis
Huling Na-update: 2025-07-01
Chapter: CHAPTER 64 => The baby is Gone?.“We are sorry for your loss, Mr. Juaquin.” Parang isang guhit ng kidlat sa gitna ng tahimik na gabi ang mga salitang iyon. Wala siyang narinig pagkatapos noon. Wala na siyang naramdaman kundi ang biglang paglubog ng mundo. Tumigil ang lahat. Ang bawat segundo ay parang tumatama sa dibdib niya gaya ng mga suntok na siya mismo ang nagpapatama. Nagtagpo ang paningin nila ng doktor. Tila may gusto pa itong sabihin, ngunit wala nang lumabas na salita. Marahang tumango ito at bumalik sa loob ng operating room, iniwang bukas ang pintuang sa isang sandali lang ay puno ng pag-asa—ngunit ngayo'y mistulang bukas na kabaong. “Anak ko…” mahina at halos hindi marinig na bigkas ni Delilah. Napatakip ito ng bibig at saka tuluyang napaluhod. Nabitawan niya ang hawak na rosaryong kanina pa niya kinakapit. Bumagsak sa sahig kasabay ng pagkabagsak ng puso niya. Wala siyang maisip. Wala siyang maramdaman. Wala siyang masabi. “Hindi totoo ‘to…” bulong ni Xayvier. Pilit niyang iniiling ang ulo ni
Huling Na-update: 2025-06-30
Chapter: CHAPTER 63 => Bad News"Ano sinabi 'yon ng doktor? Hala, anong gagawin natin? Anong sinabi mo sa doktor, pumili ka ba sa kanilang dalawa?" tanong ni Delilah sa kanya, bakas sa mukha nito ang kaba at pag-aalala. Umiling siya, "Hindi po, hindi po ako namili. Sinabi ko na kailangan niyang iligtas ang asawa at ang magiging anak ko," saad ni Xayvier habang nakayuko. Ang boses niya'y halos hindi na marinig, parang sinasakal ng emosyon. Ang mga kamay niyang malamig, pinipigilan pa ring manginig habang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang huling tanong ng doktor "Sino ang pipiliin mo?" Hindi niya kailanman inakala na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Isang desisyong hindi niya pinangarap gawin kahit kailan. Buong akala niya ay sapat na ang pagmamahal, sapat na ang panalangin, sapat na ang presensya para maiwasan ang ganitong sakit. Ngunit ngayon, nakaupo siya sa labas ng emergency room, hindi alam kung mabubuo pa ba ang mundong sinimulan nilang buuin ni Yukisha. "Huminga ka ng malalim," bulong ni
Huling Na-update: 2025-06-30
Chapter: CHAPTER 62 => Save them Both.Walang nagawa ang doktora dahil mukhang disidido na talaga si Xayvier at hindi na mag babago pa ang isip nito. Nag paalam na lamang ang doktor at saka pumasok muli sa loob ng emergency room. Huminga siya ng malalim at saka mariing ipinikit ang mga mata, 'Almighty god please save my Wife and my child, I want to spend my life with both of them in it.' habang nasa gitna ng malalim na pag-iisip si Xayvier ay may naramdaman siyang mainit na kamay na humaplos sa kanyang balikat. "Xayvier anak ano ang nangyari gusto kong malaman ang pinagmulan ng aksidenteng sinasabi mo, pero kung hindi ka pa handa sa ngayon na magkwento, ayos lang naman. Gusto lang namin na iparamdam sayo na nandito lang kami para sayo, sabay-sabay nating ipagdasal ang mag- ina mo." na palingon si Xayvier sa pinagmulan ng boses at bumungad sa kanya ang kanyang ama at ina ngumiti sa kanya ang kanyang ama.' iho ng ma-receive namin ng mama mo ang mensaheng ipinadala mo ay agad kaming pumunta rito nag-aalala kami sa inyo anak
Huling Na-update: 2025-06-30
Chapter: CHAPTER 61 => Between Yukisha & Their ChildPilit niyang inangat ang kanyang tingin sa doktor, namumugto ang kanyang mga mata. Nanlalamig ang katawan ni Xayvier. Parang tinanggalan siya ng hangin. dahil sa narinig."Teka, mali ata ang pagkakarinig ko. Anong... ibig mong sabihin na You could only save one? Ililigtas mo silang dalawa, 'di ba?"Tumahimik ang doktora. Napatingin ito sa sahig, saka bumuntong-hininga muli."Kung pareho po silang lalagyan ng intervention, may mataas pong posibilidad na mawala silang pareho. Kailangan po naming ituon ang atensyon namin sa isa—""Hindi pwede. HINDI AKO PWEDENG PUMILI!""Sir, alam kong mahirap. Pero kailangan po natin ng desisyon. Hindi po sapat ang oras natin. Kailangan naming simulan ang emergency procedure sa loob ng tatlong minuto. Please makisama po kayo, kasi habang mas tumatagal ang proseso ay mas lalong nagiging komplikado ang lagay ng buhay ng pasyente..."Umikot ang paningin ni Xayvier. Hindi niya alam kung paano pipili. Ang babae na hindi niya pa ganap na asawa, pero ito ang b
Huling Na-update: 2025-06-30
Chapter: CHAPTER 60 => Sorry I can only save one."Margot, go and text my mother. Tell her what happened here. Sabihin mong ipasa ang balita sa mga magulang ni Yukisha. Kailangan nilang malaman kung ano ang nangyari."Mabilis naman na hinalughog ni Miss Margot ang kanyang telepono mula sa kanyang bag. Kahit na nanginginig ang kanyang mga kamay ay pinilit niya pa ring makuha ang kanyang telepono mula sa loob. Nanginginig parin ang kanyang katawan at sobra ang nararamdamang kaba sa kanyang dibdib, hindi pa rin siya makapaniwala sa galit na nakita niya kay Xayvier kanina. Ngunit kahit natatakot siya, mas nangingibabaw ang pagnanais niyang makatulong. Walang oras para sa takot ngayon.Napansin niyang may mantsa pa ng dugo sa kaniyang manggas, bakas mula sa pagkakaalalay niya kanina kay Yukisha habang tinutulungan itong buhatin papasok sa emergency room. Nangingilid ang luha niya habang tinatype ang mensahe, pilit pinipigilan ang pag-iyak.To Mrs. Joaquin:'Magandang araw po, si Margot po ito, Ma'am. Magandang tanghali ho. Inutusan po ako
Huling Na-update: 2025-06-30

BIDDING FOR HER (She was His to Win)
Mabait. Inosente. Mapagmahal.
Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan.
Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya.
Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan.
Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon.
Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw.
"Isang daang bilyon. Para sa kanya."
Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat.
Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon.
Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya?
Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya?
Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
Basahin
Chapter: Kabanata 15 => First Night Together.Kakaiba ang dulot ng init ng yakap ni Lucien, na animoy pinoprotektahan siya. Animoy ayaw siya nitong maagaw ng iba, at masaktan. Nakakapanibago. Nakakatakot. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero ramdam niyang may malalim na dahilan ang yakap na iyon. Hindi ito bastos, hindi mapang-angkin. Sa halip, para itong alon ng damdaming pinilit ikulong ni Lucien sa matagal na panahon at ngayo’y kusa nang bumubulwak. Habang tumatagal ang pagkakayakap nito, lalo lang siyang natutulala. Napasinghap siya nang maramdaman niyang dahan-dahang gumuhit ang mga daliri nito ang kanyang likod, hindi para takutin o paiyakin siya, kundi para aluin. Para bang sinasabi nitong, “Narito lang ako. Salamat, at hinayaan mo akong hagkan ka.” Napalunok si Megan. Hindi niya alam kung anong gagawin ng mga kamay niya. Nasa kandungan lang niya ito, nakatiklop, nanginginig. Gusto niyang itulak ito, o kaya’y tumayo. Pero sa bawat segundo ng paglalapit nila, mas lalo siyang natatali sa kakaibang init na hatid ng bin
Huling Na-update: 2025-07-06
Chapter: Kabanata 14 => Kilig?Tahimik. Walang ibang maririnig kundi ang mahinang ugong ng aircon at ang tiktak ng orasan sa pader. Ngunit para kay Megan, ang pinakamatunog sa lahat ay ang mabilis na tibok ng puso niya. Parang gusto nitong kumawala mula sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Hindi siya makagalaw. Naka-upo siya sa gilid ng kama, habang si Lucien ay dahan-dahang isiniksik ang sarili sa katawan niya at niyakap. Mahigpit ngunit marahan siya nitong niyakap, walang puwersa, walang panggigipit. Isang yakap na tila ba nangungusap, na pagod ito, na kailangan lang nito ng katahimikan, ng pahinga, at ng isang taong hindi manghuhusga, at handang damaya siya sa mga ganitong pag kakataon. Ramdam ni Megan ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang batok. Magsasalita sana siya, ngunit parang natuyuan ng laway ang kanyang lalamunan. Wala siyang lakas. Lahat ng lakas niya kanina ay naubos na sa paglalaba, paglilinis, at pag-aayos. At ngayon… nauubos na naman siya sa kakaibang emosyon na pilit niyang nilalabanan.
Huling Na-update: 2025-07-03
Chapter: Kabanata 13 => Yakap.Matapos maligo at mag ayos ay mabilis na nag linis si Megan sa silid ni Lucien, winalisan niya ito, minop, pinunasan ang lamesa, upuan, shelves, libro, bintana, at ang iba pang bagay roon, pinagpag niya rin ang malaking kama nito at pinalitan ng kobre ang kama, pinalitang ng punda ang mga unan, ang mga kurtina ng malaking bintana, inilagay niya na rin sa laundry room ang mga nasa laundry basket ng binata saka siya saglit na nahiga sa kama dahil sa pagod. Nagisijg na lang siya ng makaradam ng malambot na bagay sa kanyang labi. Mabilis siyang bumangon mula sa pag kakahiga at agad na inilibot ang tingin, dumako iyon sa pintuan ng kwarto kung saan mukhang kapapasok lang nang nakatayong si Lucien.Natatarantang tumayo siya at inayos ang nagusot na kobre ng kama. "Nako pasensya na ho naka tulog ako rito sa kwarto niyo, hindi ko ho sinasadya, lahat ho gagawin ko huwag niyo lamang ho akong parusahan." Kinakabahang aniya ni Megan habang patuloy na pinaplansa ang kama gamit ang kanyang kamay up
Huling Na-update: 2025-06-23
Chapter: Kabanata 12 => Her Pain.hindi siya nagrereklamo. Hindi siya umiyak sa harapan ng mga ito kahit na pinagtatawanan nila siya at kahit na gusto nang bumagsak ng mga luha niya. Hindi siya pu-pwedeng umiyak o sumumangot, wala siyang karapatang magalit, kailangan niyang ngumiti, kailangan palaging may ngiti sa kanyang labi. Kahit na masakit ang pwetan, mga gasgas, at basang-basa si Megan pinilit niyang tumayo at muling sinimulan ang pag lilinis ang sahig na basang-basa, matapos ay naglalampaso ng hagdan, matapos iyon ay saka pa lamang siya naka alis sa lugar na iyon. Pag pasok na pag pasok niya sa janitors room, kung saan nila inilalagay ang mga gamit pang linis ay saka palamang niya inilabas ang luhang kanina pa niya pinipigil."Ti-tig-nan *sob* m-o Me-gan o-oh a-ang du-dumi-du-mi *sob* mo-mo n-a, *sob* hin-hi-ndi ka ka-kasi na-g i-ing-at e-eh. *sob." Sa bawat salitang lumalabas sakaniyang bibig ay kasunod ng mga hindi mapigil na pag hikbi, marahan niyang hinaplos ang kaiyang dibdib na nag sisimula nanamang mana
Huling Na-update: 2025-06-23
Chapter: Kabanata 11 => Being Bullied.Tahimik ang mga araw na lumipas sa loob ng malaking bahay. Simula nang maging abala si Lucien ilang gabi na ang nakalilipas, tila mas lumamig pa ang paligid. Wala siyang alam kung bakit bigla na lang itong hindi nagpapakita. Pero hindi iyon tinanong ni Megan. Wala siyang karapatang magtanong. Isa lang siyang tagalinis. Isa lang siyang binili upang utusan hangang sa malaman daw ni Lucien kung karapat-dapat ba siya sa isang bagay na hindi rin naman niya alam kung ano.Araw-araw, tinatanggap niya ang schedule na iniiwan ni Manang Nelda sa ibabaw ng mesa sa kusina. Maayos na nakasulat sa papel, may petsa, may oras, may mga tungkuling kailangan niyang gampanan. Maaga siyang gumigising para matapos ang lahat bago magtanghali, dahil hindi niya alam kung kailan darating si Lucien. Minsan madaling-araw, minsan gabi, minsan hindi talaga siya dumarating. May usap-usapan ang mga katulong na baka raw may nobya na ang kanilang amo kaya raw hindi na madalas napaparito, baka raw doon na sa bahay ng b
Huling Na-update: 2025-06-23
Chapter: Kabanata 10 => Ikalawang araw.Sa bawat hakbang ni Lucien palayo, parang kasabay din niyon ang unti-unting pagbalik ng hangin sa baga ni Megan. Hindi siya napagalitan. Isa iyong tagumpay sa kanya. Medyo oa man pero napakalaking halaga na niyon sa kanya. Dahil sa mundo na kinalakihan niya, ang isang araw na walang sigaw, walang pananakit, ay isa nang himala. Hindi niya alam kung ano ang tingin sa kanya ni Lucien. Malamang wala. Isa lamang siyang bahagi ng utos, isang kagamitan sa mansyon na binili nang Señorito. Hindi niya makalimutan ang malamig na tingin nito noong araw ng auction. Habang ang ibang mayayaman ay tumatawa at namimili na parang nasa palengke ng tao, si Lucien ay tahimik lamang. Na nakatayo, seryoso, wala siyang emosyon. Hanggang sa iangat nito ang kamay at ipako ang halagang hindi na nasundan ng iba.Pagkatapos niyon, hindi na siya muling tinapunan ng tingin. At simula noon, tinanggap na ni Megan ang kanyang bagong kapalaran, isang malaking bahay na tahimik pero puno ng malamig na anino. Parang bawat
Huling Na-update: 2025-06-21