
SEDUCING NINONG AMADEUS
Simula pagkabata, humahanga na si Alliana sa Ninong niyang si Amadeus isang propesor. Kaibigan ito ng kanyang mga magulang at isa sa mga taong naging sandigan ng pamilya niya noong bata pa siya. Kahit noon pa man, alam na ni Alliana sa sarili niya na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa kanyang Ninong. Tahimik niyang pinangarap na balang-araw, kapag siya’y ganap nang dalaga, baka sakaling mapansin din siya nito.
Lumipat ang pamilya nila sa Vancouver Canada, at doon siya lumaki. Nang bumalik siya sa Pilipinas, isa na siyang kolehiyala. Dahil hindi na makakauwi sa Pilipinas ang kanyang mga magulang, ipinagkatiwala siya kay Amadeus na hindi lang ngayon ay guardian niya, kundi isa rin sa magiging propesor niya sa unibersidad. Sa tabi mismo ng condo unit ni Amadeus siya nanirahan.
Mula nang magkita silang muli, hindi nawala ang pagkamangha ni Alliana sa kanya. Hindi pa rin ito nag-asawa. May dalawampung taon ang agwat ng edad nila, pero lalong lumalim ang damdamin ni Alliana sa araw-araw na kasama niya ito. Nakikita niya kung paano ito igalang ng mga estudyante, kung gaano ito ka-organisado at katalino, at kung gaano ito ka-dedicated sa trabaho.
Ngunit gaano man siya lumapit, tila may dingding pa rin sa pagitan nila. Turing pa rin sa kanya ni Amadeus ay isang bata. Isang inaanak na kailangang alagaan at ituwid. Nagpasya siyang akitin ito sa kahit paanong paraan na alam niya, at kung hindi pa rin ito bumigay sa kanya tutuluyan na niya itong kakalimutan talaga at ibabaon ang damdamin para rito.
อ่าน
Chapter: Chapter 4"Good morning, my handsome Ninong!" Malambing ang ngiti ni Alliana habang binati si Amadeus.Tumitig ito sa kanya. Hindi nakaligtas kay Alliana ang paraan ng pagkakatitig nito na para bang hinahagod ng paningin ang buo niyang katawan. Suot niya ang puting spaghetti strap crop top at maikling shorts. Karaniwan na iyon sa kanya kapag nasa bahay, pero kahit ganoon ay tila hindi pa rin nasasanay si Amadeus. Umiwas ito ng tingin at binaling ang atensyon sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Umupo ito, itinukod ang mga siko sa mesa at hinilot ang sentido.Sinalinan ni Alliana ng kape ang tasa nito at inilapag iyon sa harap niya bago umupo sa tapat nito."Bakit dun ka sa kabilang kwarto natulog, Nong? Hinihintay kita sa kwarto mo, pero hindi ka naman pala dun matutulog," sambit ni Alliana habang nakaawang ang labi at nakasimangot.Tumitig si Amadeus sa kanya saglit saka ibinaling ang tingin sa tasa ng kape. Kinuha niya ito, humigop, at saka nagsalita."I don't know what else to do with you, Alli
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-17
Chapter: Chapter 3"Alliana, is William your boyfriend?" tanong ni Amadeus pagpasok nila sa loob ng kotse. Tinanong na ito kanina at nasagot na rin niya, pero siguro dahil sa nakita nito kanina kaya naulit ang tanong. Naisipan na ni Alliana na sabihin na rin ang totoo."Ninong, kasi po... kami, pero hindi rin talaga kami," sagot niya habang hindi makatingin dito."Can you please make it clear?" Nakakunot-noong tugon ni Amadeus."Eh kasi... naging kami po ni William. dahil sa... sa game naming magkakaibigan. Dare nila sa akin na maging kami ni William for one month. Nakakadalawang linggo na kami." Umiwas ng tingin si Alliana. Sigurado siyang mapapagalitan siya nito.Nagulat si Alliana nang marahang hampasin ni Amadeus ang manibela ng kotse.“Alliana, ganyan ka na ba mag-isip ngayon? I didn’t expect you to act this way! Sa Canada mo ba natutunan yan? O dahil sa barkada mo dito?” Aninag sa mukha nito ang pagkadismaya habang paulit-ulit na humahaplos sa batok.“Wala naman yun, Ninong. Alam din naman ni Will
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-17
Chapter: Chapter 2Nagpatuloy si Amadeus sa pagle-lecture hanggang sa matapos ito. May kasunod pang klase si Allaina kaya agad siyang lumabas matapos ang klase sa Ninong niya.Maya-maya, inaya siya ng kaklase niyang goalkeeper ng football team para pumunta sa mall. Gwapo rin naman si William kaya hindi na niya tinanggihan."Allaina!"Napahinto siya sa paglabas ng pinto ng classroom nang marinig ang pagtawag sa kanya. Kaya bumalik siya at lumapit dito habang nakaupo pa ito sa mesa. Hinintay pa ni Amadeus na makalabas ang lahat ng kaklase niya bago ito nagsalita."How do you feel now? I left food on your dining table, did you eat it?"Iba na ang mood nito ngayon, hindi tulad kanina. Naalala niya ang pagkaing iniwan nito sa unit niya. Palagi naman siyang iniiwanan ni Amadeus ng pagkain, pero kahit na parte iyon ng pagiging guardian niya, hindi pa rin mapigilan ni Allaina ang kiligin."Opo, Ninong. Thank you po. I'm fine na po." Ngumiti siya nang matamis dito. Lalo siyang natuwa nang makita ang ngiti nito n
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-17
Chapter: Chapter 1"Ninong, ayaw ko pa umuwi!" reklamo ni Alliana sa kanyang Ninong Amadeus."You have an exam tomorrow but you drank. Prelim pa lang, bababa na ang grades mo kapag binagsak mo yung exam. I'll tell your Dad lahat ng kalokohan mo dito para ibalik ka nila sa Vancouver," sabi ni Amadeus habang binuhat siya papasok sa elevator ng condo.Sinundo siya ni Amadeus sa bar at pinilit siyang pauwiin kahit ayaw pa niya. Hindi alam ni Alliana kung bakit lahat ng lakad niya ay nalalaman nito."Ninong, bakit hindi mo na lang sabihin kung ano ang sagot sa exam para makapasa ako. Para hindi ka na rin mahirapan at mapahiya.""Hell no, that's cheating," protesta ng lalaki. "I have taught you everything. All you have to do is review.""You haven't taught me everything yet, Ninong." Binigyan niya ito ng mapang-akit na ngiti. Agad namang iniwas ni Amadeus ang tingin at tumingin sa pinto ng elevator.Pagbukas ng elevator ay lumabas sila. Narinig ni Alliana ang pagbukas niya ng pinto ng condo. Pumasok si Amadeu
ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-17