Share

Chapter 2

Author: Rachel
last update Last Updated: 2025-06-17 11:21:23

Nagpatuloy si Amadeus sa pagle-lecture hanggang sa matapos ito. May kasunod pang klase si Allaina kaya agad siyang lumabas matapos ang klase sa Ninong niya.

Maya-maya, inaya siya ng kaklase niyang goalkeeper ng football team para pumunta sa mall. Gwapo rin naman si William kaya hindi na niya tinanggihan.

"Allaina!"

Napahinto siya sa paglabas ng pinto ng classroom nang marinig ang pagtawag sa kanya. Kaya bumalik siya at lumapit dito habang nakaupo pa ito sa mesa. Hinintay pa ni Amadeus na makalabas ang lahat ng kaklase niya bago ito nagsalita.

"How do you feel now? I left food on your dining table, did you eat it?"

Iba na ang mood nito ngayon, hindi tulad kanina. Naalala niya ang pagkaing iniwan nito sa unit niya. Palagi naman siyang iniiwanan ni Amadeus ng pagkain, pero kahit na parte iyon ng pagiging guardian niya, hindi pa rin mapigilan ni Allaina ang kiligin.

"Opo, Ninong. Thank you po. I'm fine na po." Ngumiti siya nang matamis dito. Lalo siyang natuwa nang makita ang ngiti nito na para bang kinikilig.

"Please don't drink if you have class the next day, like what you did last night. Estudyante ka pa lang. Dapat nga hindi ka umiinom ng alak. You must be a responsible student," mahinahong sabi ni Amadeus.

"Ha? Eh..." Hindi siya sigurado kung magagawa nga ba niya iyon. "Thank you, Ninong, for taking care of me last night," sambit niya habang naaalala ang pag-aasikaso nito sa kanya. Kahit naiinis siya kagabi na sinundo siya sa bar at pinilit pauwiin, thankful pa rin siya. Halos hindi na siya makalakad sa sobrang kalasingan kaya binuhat siya nito. Kung hindi siya sinundo, hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya.

"That's fine. Your Mom and Dad told me to look after you, so you're my responsibility."

"Okay po." Ngumiti siya muli. Alam naman niyang ginagawa lang nito ang lahat ng iyon bilang tagapangalaga niya, gaya ng bilin ng mga magulang niya.

"So please be responsible too. The next time this happens again, I will definitely tell your Dad about it. This will be your last warning, okay?"

"Po?" Napaisip siya. Ganito rin ang sinabi nito noong unang beses siyang uminom at nalasing, pero hindi pa rin siya isinusumbong kay Dad. Siguro ayaw rin ni Amadeus na mapagalitan siya o baka ayaw nito na ibalik siya ni Dad sa Canada kung malalaman ang mga ginagawa niya rito.

"Do you understand?"

Malalim ang titig ni Amadeus sa mga mata niya. Yung klase ng tingin na parang wala na siyang ibang magagawa kundi ang sumunod.

"Opo, Ninong."

Pumasok na naman sa isip niya ang mga pinag-usapan nila kagabi. Hindi niya alam kung panaginip lang ba iyon o totoong nangyari. Itatanong ba niya iyon dito? Paano kung totoo at hindi lang panaginip? Ngayon pa lang parang gusto na niyang lamunin ng lupa sa hiya sa mga nasabi niya.

"Eh Ninong..." Nagdadalawang-isip siya pero gusto niyang malaman.

"Yes?" tanong nito. Nakatingin ito sa kanya kaya biglang parang umurong ang dila niya.

"Ano po... ahm... I'll go to my next subject na," tuluyan niyang sambit. Baka panaginip lang talaga ang nangyari kagabi. Kung totoo iyon, sana binanggit na iyon nito.

"Alright." Ngumiti ito.

Tumalikod na siya at didiretso na sanang lalabas ng pinto nang tawagin ulit siya ni Amadeus.

"Allaina!" Tumayo ito at lumapit.

"Po?"

"Your last subject is at 5 PM, right?" tanong nito.

"Yes po," sagot niya habang nakatingin at nakatingala sa Ninong niya. Sa height niyang 5'4", para siyang nanliit sa 6'0" height ni Amadeus.

"Let's go home together. I'll wait for you." Tumingala siya sa lalaki. Tinitigan niya ito sa mga mata nitong kulay light brown na parang tumatagos sa kaluluwa niya, para bang sinusubukan siyang basahin.

"Ahm... just text or call me when your class is over. Let's just meet at the parking or... sunduin n’yo na lang po ako sa classroom ko."

"Po?" Napalunok siya. Ilang beses na rin naman silang sabay umuwi, pero bakit parang may kakaiba ngayon? Parang may iba rin sa tono at titig nito. Pakiramdam niya nanlalambot siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya.

Ikinibit niya ang balikat, sinusubukang alisin sa isip ang kung ano man iyon. Kahit gusto niya si Amadeus, alam naman niyang imposibleng magustuhan siya ng Ninong niya kaya tinanggap na lang niya sa sarili na hindi ito ang lalaking para sa kanya.

Bigla niyang naalala ang usapan nila ni William.

"Eh, Ninong, kasi po may pupuntahan pa po ako mamaya..."

Hindi siya makatingin nang diretso dito.

"Where? With whom?" agad na tanong nito. Nag-clench ang panga nito. Nakakunot-noo rin habang nakatitig sa kanya. Yung tingin na katulad kanina habang galit ito kay William.

"Kasi ano po... si Elizabeth po nagyaya sa mall," sagot niya. Sigurado siyang hindi siya papayagan kung malalaman nito na si William ang kasama niya. Isa sa mga bilin ni Dad ay huwag siyang hayaang sumama sa lalaki at magka-boyfriend. For sure, ikagagalit iyon ni Amadeus. Alam din nito na si William ang ka-condo unit nila.

Doon din nakatira si Elizabeth ero nasa ibang floor kaya siya ang idinahilan niya. Umiwas siya ng tingin kay Amadeus, baka mahalata na nagsisinungaling siya.

Napahaplos ito sa batok. "Okay. May pupuntahan din ako sa mall. I'm going to buy something. Isabay na lang natin si Elizabeth.

"What?" Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin. Mukhang pursigido talaga ang Ninong niya sabay silang umuwi. Baka nakakahalata na rin ito na si William ang kasama niya kaya binabantayan siya.

Nakatitig lang ito sa kanya, naghihintay ng sagot.

"Okay po," sabi niya nang nakayuko. Wala siyang choice kundi sumama.

"Alright, you can go now to your next class." Ngumiti ito.

Nagbago na ang mood ni Amadeus. Dumating na rin ang mga estudyante para sa susunod nitong klase kaya tuluyan nang lumabas si Allaina sa classroom.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SEDUCING NINONG AMADEUS    Chapter 4

    "Good morning, my handsome Ninong!" Malambing ang ngiti ni Alliana habang binati si Amadeus.Tumitig ito sa kanya. Hindi nakaligtas kay Alliana ang paraan ng pagkakatitig nito na para bang hinahagod ng paningin ang buo niyang katawan. Suot niya ang puting spaghetti strap crop top at maikling shorts. Karaniwan na iyon sa kanya kapag nasa bahay, pero kahit ganoon ay tila hindi pa rin nasasanay si Amadeus. Umiwas ito ng tingin at binaling ang atensyon sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Umupo ito, itinukod ang mga siko sa mesa at hinilot ang sentido.Sinalinan ni Alliana ng kape ang tasa nito at inilapag iyon sa harap niya bago umupo sa tapat nito."Bakit dun ka sa kabilang kwarto natulog, Nong? Hinihintay kita sa kwarto mo, pero hindi ka naman pala dun matutulog," sambit ni Alliana habang nakaawang ang labi at nakasimangot.Tumitig si Amadeus sa kanya saglit saka ibinaling ang tingin sa tasa ng kape. Kinuha niya ito, humigop, at saka nagsalita."I don't know what else to do with you, Alli

  • SEDUCING NINONG AMADEUS    Chapter 3

    "Alliana, is William your boyfriend?" tanong ni Amadeus pagpasok nila sa loob ng kotse. Tinanong na ito kanina at nasagot na rin niya, pero siguro dahil sa nakita nito kanina kaya naulit ang tanong. Naisipan na ni Alliana na sabihin na rin ang totoo."Ninong, kasi po... kami, pero hindi rin talaga kami," sagot niya habang hindi makatingin dito."Can you please make it clear?" Nakakunot-noong tugon ni Amadeus."Eh kasi... naging kami po ni William. dahil sa... sa game naming magkakaibigan. Dare nila sa akin na maging kami ni William for one month. Nakakadalawang linggo na kami." Umiwas ng tingin si Alliana. Sigurado siyang mapapagalitan siya nito.Nagulat si Alliana nang marahang hampasin ni Amadeus ang manibela ng kotse.“Alliana, ganyan ka na ba mag-isip ngayon? I didn’t expect you to act this way! Sa Canada mo ba natutunan yan? O dahil sa barkada mo dito?” Aninag sa mukha nito ang pagkadismaya habang paulit-ulit na humahaplos sa batok.“Wala naman yun, Ninong. Alam din naman ni Will

  • SEDUCING NINONG AMADEUS    Chapter 2

    Nagpatuloy si Amadeus sa pagle-lecture hanggang sa matapos ito. May kasunod pang klase si Allaina kaya agad siyang lumabas matapos ang klase sa Ninong niya.Maya-maya, inaya siya ng kaklase niyang goalkeeper ng football team para pumunta sa mall. Gwapo rin naman si William kaya hindi na niya tinanggihan."Allaina!"Napahinto siya sa paglabas ng pinto ng classroom nang marinig ang pagtawag sa kanya. Kaya bumalik siya at lumapit dito habang nakaupo pa ito sa mesa. Hinintay pa ni Amadeus na makalabas ang lahat ng kaklase niya bago ito nagsalita."How do you feel now? I left food on your dining table, did you eat it?"Iba na ang mood nito ngayon, hindi tulad kanina. Naalala niya ang pagkaing iniwan nito sa unit niya. Palagi naman siyang iniiwanan ni Amadeus ng pagkain, pero kahit na parte iyon ng pagiging guardian niya, hindi pa rin mapigilan ni Allaina ang kiligin."Opo, Ninong. Thank you po. I'm fine na po." Ngumiti siya nang matamis dito. Lalo siyang natuwa nang makita ang ngiti nito n

  • SEDUCING NINONG AMADEUS    Chapter 1

    "Ninong, ayaw ko pa umuwi!" reklamo ni Alliana sa kanyang Ninong Amadeus."You have an exam tomorrow but you drank. Prelim pa lang, bababa na ang grades mo kapag binagsak mo yung exam. I'll tell your Dad lahat ng kalokohan mo dito para ibalik ka nila sa Vancouver," sabi ni Amadeus habang binuhat siya papasok sa elevator ng condo.Sinundo siya ni Amadeus sa bar at pinilit siyang pauwiin kahit ayaw pa niya. Hindi alam ni Alliana kung bakit lahat ng lakad niya ay nalalaman nito."Ninong, bakit hindi mo na lang sabihin kung ano ang sagot sa exam para makapasa ako. Para hindi ka na rin mahirapan at mapahiya.""Hell no, that's cheating," protesta ng lalaki. "I have taught you everything. All you have to do is review.""You haven't taught me everything yet, Ninong." Binigyan niya ito ng mapang-akit na ngiti. Agad namang iniwas ni Amadeus ang tingin at tumingin sa pinto ng elevator.Pagbukas ng elevator ay lumabas sila. Narinig ni Alliana ang pagbukas niya ng pinto ng condo. Pumasok si Amadeu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status