Share

Chapter 3

Author: Rachel
last update Last Updated: 2025-06-17 11:46:40

"Alliana, is William your boyfriend?" tanong ni Amadeus pagpasok nila sa loob ng kotse. Tinanong na ito kanina at nasagot na rin niya, pero siguro dahil sa nakita nito kanina kaya naulit ang tanong. Naisipan na ni Alliana na sabihin na rin ang totoo.

"Ninong, kasi po... kami, pero hindi rin talaga kami," sagot niya habang hindi makatingin dito.

"Can you please make it clear?" Nakakunot-noong tugon ni Amadeus.

"Eh kasi... naging kami po ni William. dahil sa... sa game naming magkakaibigan. Dare nila sa akin na maging kami ni William for one month. Nakakadalawang linggo na kami." Umiwas ng tingin si Alliana. Sigurado siyang mapapagalitan siya nito.

Nagulat si Alliana nang marahang hampasin ni Amadeus ang manibela ng kotse.

“Alliana, ganyan ka na ba mag-isip ngayon? I didn’t expect you to act this way! Sa Canada mo ba natutunan yan? O dahil sa barkada mo dito?” Aninag sa mukha nito ang pagkadismaya habang paulit-ulit na humahaplos sa batok.

“Wala naman yun, Ninong. Alam din naman ni William na game lang yun.”

“Stay away from him from now on. Huwag mo na ituloy yan, please lang. Paglalaruan ka lang ni Kalix. Wala ka bang alam sa mga babaeng sinasamahan niya?”

“Ano?” nagtatakang tanong ni Alliana.

“Alliana, baka i-take advantage lang niya yung sitwasyon ninyo. Huwag ka nang sumama sa kanya. Or baka naman…” Natigilan ito at napatingin sa kanya. Parang nababasa na ni Alliana ang iniisip nito.

“Ninong, bukod sa kiss... wala nang iba pang nangyari sa amin. Parati niya akong niyayaya sa condo niya pero hindi ako pumapayag.” Mabilis na paliwanag ni Alliana. Tumitig sa kanya si Amadeus na para bang binabasa ang kanyang mga mata.

“But you still let him kiss you,” mariin nitong sabi. Ibinaling nito ang tingin sa labas ng bintana. Hindi na ito kagaya ng kanina na parang isang tatay o tiyuhin ang dating ng pagsaway, ngayon ay may halong panibugho ang ekspresyon ng mukha nito.

“Lumayo ka na sa kanya. Tapusin mo na yan bago pa siya may gawin sayo.”

Hindi alam ni Alliana kung ano ba talaga ang sinasabi ni Amadeus. Mukha namang okay si William at ramdam niyang seryoso ito sa kanya. Pero ayaw rin niyang magtiwala agad. Wala rin naman siyang planong seryosohin si William. Ayaw rin niyang sumuway kay Amadeus, kaya mas mabuting sundin na lang ito.

“Okay po,” sagot niya.

Medyo kumalma ang mood nito sa sinabi ni Alliana. Inistart na nito ang sasakyan at pinaandar. Hindi na sila nag-usap pa hanggang sa makarating sa condo. Diretsong umakyat si Alliana sa sariling unit.

Agad siyang naligo. Matapos magpatuyo ng buhok ay pumwesto na siya sa kama, sumandal sa headboard at kinuha ang cellphone.

Ngayon lang niya na-realize ang kalokohang pinasok niya, at iyon ay dahil sa sinabi ni Amadeus.

May narinig siyang katok sa pinto ng kwarto niya. Si Amadeus agad ang naisip niya kaya agad niya itong binuksan.

“Alliana, are you going to sleep na? Hindi ka pa kumakain. Come, let’s eat!” nakangiting sabi nito.

“Eat?” Biglang nakaramdam ng gutom si Alliana sa sinabi nito. Naalala niyang tanghali pa siya huling kumain, at hindi pa siya naghahapunan.

Lumabas siya ng kwarto. Nakahawak si Amadeus sa kamay niya habang lumalabas sila ng unit at pumasok sa unit nito.

Pagkapasok pa lang nila, naamoy na agad niya ang paborito niyang carbonara.

“Wow! Luto mo ’to, Ninong?” Namamangha niyang tanong pagdating nila sa dining table. Alam niyang masarap itong magluto, pero hindi niya inasahang mag-eeffort pa ito ngayong gabi. Bukod sa carbonara, may crispy baked chicken wings pa—paborito rin niya.

"Pasensya ka na, kinulang ako sa oras kaya ‘yan lang muna ang nailuto ko. Baka kasi makatulog ka na kaya nagmadali ako." Parang nahihiya ang tinig ni Amadeus. Napatingin si Alliana sa bouquet ng bulaklak na nasa mesa. Kinuha iyon ni Amadeus at iniabot sa kanya.

"Para sa'yo. Happy Valentine's Day." Bahagyang namula ang mukha nito habang iniaabot iyon.

"Wow, Ninong… salamat po. Diba binigyan n’yo na po ako ng flower kanina?" tanong niya habang naaalala ang rose na una nitong inabot.

"Yeah, pero iba ‘yan."

"Iba?"

"Yeah. Umupo ka na rito."

Inalalayan siya ni Amadeus paupo. Umupo naman ito sa tapat niya at nilagyan ng pagkain ang plato niya. Hindi maipaliwanag ni Alliana ang nararamdaman niya. Kinikilig siya, nalilito kung bakit ganito ito sa kanya ngayong gabi. Para silang nagde-date, silang dalawa lang, at sobrang saya ng puso niya.

"Para tayong nagde-date, Ninong." Hindi niya napigilang sabihin.

"Uhm, yeah. Maraming nagde-date ngayon na couple."

"Kaso hindi naman tayo couple, eh," sambit niya.

"Couple lang ba ang pwedeng mag-date? I'm your godfather and you're like a… like a daughter to me. So, it's a father and daughter date."

"Ha?" Magulo ang paliwanag nito pero tinanggap na lang niya. Kahit father-daughter date iyon para dito, masaya pa rin siya.

"Diba, Ninong, magkasama kayo kanina ni Sarah? Nag-date din kayo?" Parang may tumusok sa puso niya sa tanong na ‘yon.

"Nag-date? Sarah?" Nagtataka ang tono nito. "Nakita n’yo kami sa cafeteria kanina? Binigyan ko raw siya ng flower?"

Tumango si Alliana, hindi mapigilan ang sumimangot habang nakatingin dito.

"Flower? Wait, nakasabay ko lang siya pagpasok sa cafeteria kanina."

"Nakasabay?"

"Yeah," sagot nito habang patuloy sa pagkain. "Wait, ‘yun lang ‘yun tapos nag-assume na agad kayo?"

"May nakita raw na bumaba siya sa car n’yo last week. Kaya nag-assume kaming may something kayo."

"Bumaba sa car ko?" Napaisip si Amadeus. "Ah, yeah. Naalala ko. Pinapara ko ‘yung kotse ko kasi rush hour noon. Maraming estudyanteng stranded sa sakayan ng bus kaya pinasakay ko ‘yung ilan. Isa na doon si Sarah."

"Talaga? So hindi lang siya ‘yung sinakay mo?" Parang nabunutan ng tinik si Alliana.

"Yeah. Pinagchi-chismisan n’yo ba ‘ko?"

"Hindi po... napag-usapan lang namin."

Hindi na ito nagsalita pa kaya tumahimik na rin si Alliana. Nakahinga siya nang maluwag. Wala pala siyang dapat ipag-alala tungkol kay Sarah. Mas lalo siyang naging masaya sa gabing ‘yon.

May mga pinag-usapan pa sila ni Amadeus, at sa ilang sandaling iyon, masaya silang dalawa. Ilang beses na rin silang kumain nang magkasama pero kakaiba ang gabing ‘yon. Parang espesyal. Tingin niya ay masaya rin ito. First time niyang may nakadate sa Valentine's Day... at si Amadeus pa.

"Are you happy?" tanong nito habang naghuhugas ng pinggan. Hindi siya nito pinayagang tumulong kaya tumayo na lang siya sa tabi at pinanood ito.

"Sobra!" sagot niya. Ngumiti ito. "Ngayon lang ako nagka-Valentine’s date. Tapos ikaw pa. I'm so happy!"

Mas lalo itong natuwa sa sinabi niya.

"But I remember you said na meron kang naging dalawang boyfriend sa Canada," sambit nito. Naalala niyang naikuwento nga niya iyon dati.

"Ilang araw lang naman ‘yon, Ninong. Kasi pinipilit nila akong makipag... ano... sa kanila, kaya inayawan ko."

"But you like to do that with me," seryosong sabi nito habang nakatitig sa kanya.

"Eh… kasi po, ano... nalasing lang po ako kaya ganun ang mga pinagsasabi ko," nahihiyang sagot niya.

"What if I say let's do it now? Aangkinin na kita ngayon."

"Po?" Napatingin siya dito.

"Oh, diba natakot ka ngayon?" Bahagya itong tumawa. "Kaya huwag kang magpakalasing kung hindi mo kayang dalhin ang sarili mo. Sa tiyan nilalagay ang alak, hindi sa utak," panenermon nito sa kanya.

Hindi naman talaga siya natatakot sa sinabi nito. Ang totoo, parang gusto pa nga niya. Naalala niyang sinabi niya kanina sa mga kaibigan na hindi niya haharutin si Amadeus, pero ngayon parang hindi niya kaya panindigan iyon.

Pinisil ni Amadeus ang ilong niya. May sabon pa ang kamay nito kaya natawa siya nang malagyan ang ilong niya. Sinamaan niya ito ng tingin.

"You're so cute when you're angry!" tumatawa itong sabi. Kumuha rin siya ng sabon at ipinahid sa pisngi nito.

Pagkatapos maghugas ni Amadeus ng pinggan, pinauwi na siya nito.

"Ninong, kasi po, diba sira ‘yung aircon ng kwarto ko? Sobrang init, kaya ayoko munang matulog doon," sambit niya nang maalala ang aircon.

"May electric fan ka naman."

"Mainit pa rin po kahit may electric fan. Pawis na pawis nga ako kanina habang nakaupo kahit bagong ligo ako."

"Sleep here tonight if you want. Ibibili kita bukas ng aircon."

"Talaga po!" tuwang-tuwa niyang sagot. "Eh Ninong, ano kaya kung tabi na lang tayo matulog." Nabigla siya sa sinabi niya. Parang gusto pa niyang matuwa na nasira ang aircon niya. Pero sigurado siyang hindi ito papayag.

"No. You can't sleep next to me. Kahit malakas pa ang aircon, magiging mainit pa rin kung tatabi ka sa’kin," mariing sagot nito.

"It's okay, gusto kitang katabi, Ninong," pagpilit niya. Pakiramdam niya'y tuluyan na siyang nababaliw. Gusto talaga niyang makasama ito. Kahit may mangyari pa sa kanila, ayos lang sa kanya.

"Alliana," mariin ulit nitong sabi.

Natahimik si Alliana at nag-isip kung anong isasagot.

"Basta gusto kong matulog sa kwarto mo, katabi ka, Ninong." Mabilis siyang umalis sa kinatatayuan at tinungo ang kwarto nito habang humahagikhik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SEDUCING NINONG AMADEUS    Chapter 4

    "Good morning, my handsome Ninong!" Malambing ang ngiti ni Alliana habang binati si Amadeus.Tumitig ito sa kanya. Hindi nakaligtas kay Alliana ang paraan ng pagkakatitig nito na para bang hinahagod ng paningin ang buo niyang katawan. Suot niya ang puting spaghetti strap crop top at maikling shorts. Karaniwan na iyon sa kanya kapag nasa bahay, pero kahit ganoon ay tila hindi pa rin nasasanay si Amadeus. Umiwas ito ng tingin at binaling ang atensyon sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Umupo ito, itinukod ang mga siko sa mesa at hinilot ang sentido.Sinalinan ni Alliana ng kape ang tasa nito at inilapag iyon sa harap niya bago umupo sa tapat nito."Bakit dun ka sa kabilang kwarto natulog, Nong? Hinihintay kita sa kwarto mo, pero hindi ka naman pala dun matutulog," sambit ni Alliana habang nakaawang ang labi at nakasimangot.Tumitig si Amadeus sa kanya saglit saka ibinaling ang tingin sa tasa ng kape. Kinuha niya ito, humigop, at saka nagsalita."I don't know what else to do with you, Alli

  • SEDUCING NINONG AMADEUS    Chapter 3

    "Alliana, is William your boyfriend?" tanong ni Amadeus pagpasok nila sa loob ng kotse. Tinanong na ito kanina at nasagot na rin niya, pero siguro dahil sa nakita nito kanina kaya naulit ang tanong. Naisipan na ni Alliana na sabihin na rin ang totoo."Ninong, kasi po... kami, pero hindi rin talaga kami," sagot niya habang hindi makatingin dito."Can you please make it clear?" Nakakunot-noong tugon ni Amadeus."Eh kasi... naging kami po ni William. dahil sa... sa game naming magkakaibigan. Dare nila sa akin na maging kami ni William for one month. Nakakadalawang linggo na kami." Umiwas ng tingin si Alliana. Sigurado siyang mapapagalitan siya nito.Nagulat si Alliana nang marahang hampasin ni Amadeus ang manibela ng kotse.“Alliana, ganyan ka na ba mag-isip ngayon? I didn’t expect you to act this way! Sa Canada mo ba natutunan yan? O dahil sa barkada mo dito?” Aninag sa mukha nito ang pagkadismaya habang paulit-ulit na humahaplos sa batok.“Wala naman yun, Ninong. Alam din naman ni Will

  • SEDUCING NINONG AMADEUS    Chapter 2

    Nagpatuloy si Amadeus sa pagle-lecture hanggang sa matapos ito. May kasunod pang klase si Allaina kaya agad siyang lumabas matapos ang klase sa Ninong niya.Maya-maya, inaya siya ng kaklase niyang goalkeeper ng football team para pumunta sa mall. Gwapo rin naman si William kaya hindi na niya tinanggihan."Allaina!"Napahinto siya sa paglabas ng pinto ng classroom nang marinig ang pagtawag sa kanya. Kaya bumalik siya at lumapit dito habang nakaupo pa ito sa mesa. Hinintay pa ni Amadeus na makalabas ang lahat ng kaklase niya bago ito nagsalita."How do you feel now? I left food on your dining table, did you eat it?"Iba na ang mood nito ngayon, hindi tulad kanina. Naalala niya ang pagkaing iniwan nito sa unit niya. Palagi naman siyang iniiwanan ni Amadeus ng pagkain, pero kahit na parte iyon ng pagiging guardian niya, hindi pa rin mapigilan ni Allaina ang kiligin."Opo, Ninong. Thank you po. I'm fine na po." Ngumiti siya nang matamis dito. Lalo siyang natuwa nang makita ang ngiti nito n

  • SEDUCING NINONG AMADEUS    Chapter 1

    "Ninong, ayaw ko pa umuwi!" reklamo ni Alliana sa kanyang Ninong Amadeus."You have an exam tomorrow but you drank. Prelim pa lang, bababa na ang grades mo kapag binagsak mo yung exam. I'll tell your Dad lahat ng kalokohan mo dito para ibalik ka nila sa Vancouver," sabi ni Amadeus habang binuhat siya papasok sa elevator ng condo.Sinundo siya ni Amadeus sa bar at pinilit siyang pauwiin kahit ayaw pa niya. Hindi alam ni Alliana kung bakit lahat ng lakad niya ay nalalaman nito."Ninong, bakit hindi mo na lang sabihin kung ano ang sagot sa exam para makapasa ako. Para hindi ka na rin mahirapan at mapahiya.""Hell no, that's cheating," protesta ng lalaki. "I have taught you everything. All you have to do is review.""You haven't taught me everything yet, Ninong." Binigyan niya ito ng mapang-akit na ngiti. Agad namang iniwas ni Amadeus ang tingin at tumingin sa pinto ng elevator.Pagbukas ng elevator ay lumabas sila. Narinig ni Alliana ang pagbukas niya ng pinto ng condo. Pumasok si Amadeu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status