
Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss
Pagdilat ng mga mata ni Aurora mula pagkamatay, parang muling isinilang ang kanyang sarili—anim na taon ang lumipas, wala siyang alaala, ngunit muli siyang nabuhay na may bagong pamilya. May asawa siya ngayon, si Samuel Castillo, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang yaman, tapang, at malamig na ugali. Mayroon din silang dalawang anak na siya lamang ang tinatawag na “Mama.” At sa bawat araw na kapiling niya ang kanyang bagong pamilya, lalo niyang nararamdaman ang misteryo at bigat ng bagong mundong kanyang kinabibilangan.
Ngunit sa anino ng kanyang nakaraan, may isa pang lalaking nagtataglay ng kanyang puso—si Lucas, isang makapangyarihang Mafia Boss na minsang minahal ng Aurora bago siya mawalan ng alaala. Para sa nakaraang Aurora, si Lucas ang lahat; ngunit para sa kasalukuyan, tila si Samuel ang pinipili ng kanyang puso, kahit pa puno ng sugat, kapangyarihan, at kontrol ang kanilang relasyon.
Magsisimula ang isang laban na hindi niya hiniling—isang tunggalian ng dalawang makapangyarihang lalaki, parehong handang gawin ang lahat upang angkinin siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at pagnanasa, matutuklasan ni Aurora na siya ang magiging gantimpala at sanhi ng isang digmaan ng pag-ibig, pagkasuklam, at pagnanais na maghari sa kanyang puso. Ngunit sa dulo ng lahat, kanino nga ba tunay na kikiling ang kanyang damdamin—sa pagmamahal ng kanyang nakaraan, o sa bagong buhay na pilit bumabalot sa kanya?
Basahin
Chapter: Chapter 160Maaga pa lang ay ramdam na ni Aurora ang kakaibang lamig sa paligid ng mansyon. Ang hangin ay tila mas mabigat kaysa karaniwan, at ang mga ibon na dati’y masiglang umaawit sa hardin ay tahimik na ngayon. Nakatayo siya sa may veranda, hawak ang tasa ng kape, habang pinagmamasdan ang nag-aalimpuyong ulap na parang nagbabadya ng bagyo.Pagkalipas ng ilang sandali, lumabas si Samuel mula sa kanilang silid. Suot pa nito ang puting polo na bahagyang nakabukas sa leeg, at sa likod ng mga mata nitong laging matatag ay may bakas ng pagod. Lumapit siya kay Aurora at marahang hinaplos ang balikat nito.“Hindi ka nakatulog?” tanong ni Samuel, sabay lingon sa madilim na kalangitan.“Hindi ako mapakali,” sagot ni Aurora, hindi inaalis ang tingin sa labas. “Mula nang dumating ang babaeng iyon, parang may hindi na tama. Para bang may nagmamasid sa atin, kahit sa gitna ng katahimikan.”Tahimik lang si Samuel sa una. Ngunit alam niyang tama ang pakiramdam ng asawa. Ilang araw na rin niyang napapansin n
Huling Na-update: 2025-11-09
Chapter: Chapter 159Lumipas ang ilang araw mula nang muling maramdaman ni Aurora ang katahimikan sa piling ni Samuel. Ngunit tulad ng karaniwang kapalaran ng mga taong matagal nang nakipagsapalaran sa dilim, may mga aninong hindi basta-bastang nawawala. Sa araw na iyon, sa malaking opisina ni Samuel, pumasok ang isang babae—matangkad, maputi, may matalim na titig at mahinhing ngiti. May kakaibang aura ito, isang halong karisma at panganib. Suot niya ang itim na corporate suit na lalong nagbigay diin sa kanyang pagiging misteryosa. “Mr. Cortez,” magalang niyang bati, sabay abot ng kamay. “Ako si Celeste Navarro—ang bagong consultant na ipinadala ng board para tumulong sa expansion ng kumpanya.” Bahagyang nagtaas ng kilay si Samuel. Ang boses nito ay malambing ngunit may tono ng awtoridad. “Consultant? Hindi ko naalala na may ipapadala silang bago. Pero… welcome, Ms. Navarro.” Ngumiti si Celeste, ngunit ang titig niya ay tumigil sa mga mata ni Samuel—parang may hinahanap, o baka may kinikilala. “Mataga
Huling Na-update: 2025-11-06
Chapter: Chapter 158Ang gabi ay tahimik, ngunit may kakaibang kapayapaan sa hangin. Sa ilalim ng malambot na ilaw ng buwan, makikita sina Aurora at Samuel sa veranda ng kanilang bahay. Ang hangin ay malamig ngunit hindi nakakapanlamig—parang paalala na kahit matapos ang lahat ng unos, may mga gabi pa ring ganito, mapayapa at puno ng katahimikan. Tahimik silang dalawa, parehong nakatingin sa langit. Sa pagitan ng katahimikan, ramdam ni Aurora ang malalim na paghinga ni Samuel, tila ba bawat pagbuga ng hangin ay may dalang pag-asa. “Hindi ko inakalang mararanasan natin ‘to ulit,” mahina niyang sabi, hindi inaalis ang tingin sa mga bituin. “Yung tahimik lang, walang sigawan, walang gulo.” “Ni hindi ko rin alam kung karapat-dapat pa tayo,” tugon ni Samuel, nakatingin din sa langit. “Pero siguro, minsan, hindi na mahalaga kung karapat-dapat ka. Ang mahalaga, pinili mong ayusin kahit mahirap.” Napatingin si Aurora sa kanya, bahagyang napangiti. “Hindi ka pa rin talaga marunong maging simple, no? Laging may
Huling Na-update: 2025-11-04
Chapter: Chapter 157Ang umaga ay sumikat nang may dalang bagong simula. Ang mga sinag ng araw ay malumanay na dumampi sa kurtina ng silid nina Aurora at Samuel, unti-unting binubuksan ang panibagong araw para sa kanila. Tahimik ang paligid, tanging mga huni ng ibon at mahinang hampas ng hangin sa mga dahon ng puno ang maririnig.Sa kama, nakahiga pa si Aurora, nakapikit ngunit gising na. Ramdam niya ang braso ni Samuel na nakayakap sa kanya—mainit, mahigpit, at puno ng kasiguruhan. Sa sandaling iyon, naisip niyang ito na siguro ang tinatawag na katahimikan pagkatapos ng bagyo. Walang sumpa, walang sigawan, walang galit. Isa lamang tahimik na umagang may kasamang paghinga ng taong mahal mo.Marahang iminulat ni Aurora ang kanyang mga mata at tinitigan si Samuel. Tulog pa ito, bahagyang nakakunot ang noo. Hindi niya napigilang mapangiti. Ilang taon na rin ang lumipas, ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila—ang mga sugat, pagtataksil, at kasinungalingan—naroon pa rin siya. Naroon pa rin ito.Lumapit
Huling Na-update: 2025-10-31
Chapter: Chapter 156Ang araw ay unti-unting lumulubog sa likod ng bundok, at ang ginintuang liwanag nito ay sumasalamin sa mga bintana ng mansyon. Sa loob ng malawak na sala, tahimik lamang si Aurora habang pinagmamasdan ang mga bata na abala sa pagguhit sa lamesa. May bahid ng ngiti sa kanyang labi, ngunit sa kanyang mga mata, may lalim ng pag-iisip—parang may gustong itanong sa sarili na hanggang ngayon ay hindi niya masagot.Tahimik na lumapit si Samuel, bitbit ang dalawang tasa ng mainit na tsaa. Inilapag niya iyon sa mesa sa tabi ni Aurora at saka naupo sa tabi niya. Hindi niya agad kinausap ang babae; nanatili lang siyang tahimik, pinagmamasdan din ang mga bata.“Mukhang mas tahimik ang gabi ngayon,” mahinang sambit ni Samuel.Tumango si Aurora, bahagyang napangiti. “Tahimik… pero hindi ibig sabihin ay payapa.”Tumingin si Samuel sa kanya, sinusuri ang ekspresyon nito. “May bumabagabag pa rin sa’yo.”“Hindi mo naman maaalis iyon agad, Samuel,” tugon niya, hindi inaalis ang tingin sa mga anak. “Ang
Huling Na-update: 2025-10-28
Chapter: Chapter 155Ang umaga ay dumating na may kakaibang katahimikan. Hindi na ito ‘yung uri ng tahimik na may banta, kundi tahimik na may kasamang paghinga ng bagong simula. Sa loob ng bahay, ang mga kurtina ay bahagyang sumasayaw sa ihip ng hangin, at sa unang pagkakataon, may amoy na ng tinapay at kape — hindi ng dugo o usok.Nasa kusina si Aurora, nakasuot ng simpleng daster, habang pinagmamasdan ang nag-aalab na apoy sa kalan. Tahimik ang lahat maliban sa huni ng ibon sa labas. Pagkatapos ng lahat, ganoon lang pala kasimple ang hinahanap niya — kapayapaan.Lumapit si Samuel, bagong gising at bahagyang magulo pa ang buhok. Wala na sa mukha nito ang dating lamig. Sa halip, may bakas na ng pagod na gustong magpahinga.“Ang bango,” sabi niya habang naupo sa mesa. “Hindi ko akalaing mararanasan ko ulit ‘to — amoy ng kape, amoy ng bahay.”Ngumiti si Aurora. “Mararanasan mo pa rin ‘yan, kung titigilan mo na ang pag-iisip ng nakaraan.”“Hindi ko kayang kalimutan,” sagot niya habang pinagmamasdan ang tasa
Huling Na-update: 2025-10-25

Bound to the Billionaire's Desire
Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon.
Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito:
“Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.”
Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro.
Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan.
Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Basahin
Chapter: Chapter 15Lumipas ang ilang araw mula nang muling maramdaman ni Aurora ang katahimikan sa piling ni Samuel. Ngunit tulad ng karaniwang kapalaran ng mga taong matagal nang nakipagsapalaran sa dilim, may mga aninong hindi basta-bastang nawawala.Sa araw na iyon, sa malaking opisina ni Samuel, pumasok ang isang babae—matangkad, maputi, may matalim na titig at mahinhing ngiti. May kakaibang aura ito, isang halong karisma at panganib. Suot niya ang itim na corporate suit na lalong nagbigay diin sa kanyang pagiging misteryosa.“Mr. Cortez,” magalang niyang bati, sabay abot ng kamay. “Ako si Celeste Navarro—ang bagong consultant na ipinadala ng board para tumulong sa expansion ng kumpanya.”Bahagyang nagtaas ng kilay si Samuel. Ang boses nito ay malambing ngunit may tono ng awtoridad. “Consultant? Hindi ko naalala na may ipapadala silang bago. Pero… welcome, Ms. Navarro.”Ngumiti si Celeste, ngunit ang titig niya ay tumigil sa mga mata ni Samuel—parang may hinahanap, o baka may kinikilala. “Matagal na
Huling Na-update: 2025-11-09
Chapter: Chapter 14Umaga pa lang, tahimik na ang paligid ng lungsod. Sa loob ng mamahaling sasakyan, tahimik lang si Elena habang pinagmamasdan ang mga gusaling minsan ay naging saksi sa kanyang tagumpay—at sa kanyang pagbagsak.Ang salamin ng kotse ay malinaw na nagpapakita ng sariling repleksyon niya: mas elegante, mas maamo ang mukha, ngunit sa likod ng mga matang iyon ay nag-aalab pa rin ang galit na pilit niyang pinipigilan.“Miss, gusto niyo po bang hintayin ko kayo rito?” tanong ng driver.Umiling siya. “Hindi na. Hindi ako magtatagal.”Nang bumaba siya, sinalubong agad siya ng malamig na hangin at ng pamilyar na amoy ng kape mula sa café sa tapat ng gusali. Arguelles Media Studios — iyon ang nakasulat sa malaking signage sa harapan, ang kumpanyang dati niyang pinasukan.Ngayon, hindi na siya empleyado rito. Isa na siyang bisita. Isang multong bumabalik sa pinagmulan.Marahang pumasok si Elena sa loob ng building, suot ang isang simpleng beige dress at sunglasses. Halos walang nakakakilala sa kan
Huling Na-update: 2025-11-05
Chapter: Chapter 13Pagkatapos ng mahabang hapon ng katahimikan, unti-unti nang dumilim ang langit. Ang mansyon ni Nathan ay tila nababalot ng gintong liwanag mula sa mga chandelier, bawat sulok ay amoy mamahaling alak at halimuyak ng puting rosas.Nakaharap si Elena sa salamin ng kanyang silid, suot ang pulang bestida na iniutos ni Nathan. Ang tela ay malambot, dumadaloy sa balat niya na parang apoy na nabubuhay. Sa unang tingin, isa siyang reyna—matapang, elegante, ngunit sa ilalim ng pulang tela, isang babae pa ring gulong-gulo sa larong pinasok niya.“Magsuot ka ng pula.”Ang mga salitang iyon ay muling umalingawngaw sa isip niya. Parang utos. Parang babala.Ngunit bakit tila may kakaibang init na dulot ang boses na iyon?Isang malakas na katok ang nagpagising sa kanya sa pag-iisip. “Ma’am Elena,” tawag ng isa sa mga maid. “Hinahanap na po kayo ni Mr. Arguelles. Nasa dining hall na raw po siya.”Huminga nang malalim si Elena bago lumabas. Ang bawat hakbang niya pababa sa hagdan ay may kasamang tibok
Huling Na-update: 2025-11-01
Chapter: Chapter 12Ang araw ay tila mas maliwanag kaysa karaniwan, ngunit para kay Elena, ang liwanag ay may kasamang bigat. Sa paglabas niya ng mansyon, sinalubong siya ng mga taong abala—mga tauhan, mga bodyguard, at mga empleyado ni Nathan. Lahat ay kumikilos na parang isang eksaktong orkestra, bawat isa ay alam kung kailan tatayo at kailan luluhod sa presensya ng kanilang amo.At sa gitna ng courtyard, may isang bagay na agad na pumukaw sa kanya.Isang itim na kotse. Hindi basta-basta kotse, kundi isang Aurelio Centurion Limited Edition, isang modelong umaabot sa bilyon ang halaga, gawa pa sa purong titanium at carbon glass finish. Ang logo nito ay kumikislap sa ilalim ng araw, at ang bawat detalye ay parang sumisigaw ng salitang kapangyarihan.“Do you like it?”Bumaling siya, at naroon si Nathan. Naka-itim na suit, walang kasing linis, at may hawak na maliit na kahon sa kamay. Ang ngiti nito ay kontrolado, pero may kung anong init sa likod ng malamig na anyo.“Anong… ibig sabihin nito?” tanong ni E
Huling Na-update: 2025-11-01
Chapter: Chapter 11Mainit ang sikat ng araw nang maisipan ni Elena na lumabas. Wala siyang ibang intensyon kundi ang gumala, magpahinga, at pansamantalang kalimutan ang mga gumugulo sa isip niya — si Nathan, ang mga salita ni Adrian, at ang mga hinalang hindi mawala sa isipan niya. Pero sa likod ng lahat ng ito, may isa siyang malinaw na direksyon: ang hustisya at paghihiganti. Suot niya ang simpleng blouse at high-waist jeans, at isang pares ng dark glasses na halos magtago sa kalahati ng mukha niya. Nasa loob siya ngayon ng isang kilalang mall sa siyudad, naglalakad sa kahabaan ng corridor habang tumitingin sa mga display. Pero bago pa man siya makalayo, biglang napatigil si Elena. Sa di-kalayuan, sa isang tindahan ng mga mamahaling pabango, nakita niya ang isang pamilyar na mukha. Si Vanessa. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Para bang bigla siyang binalikan ng lahat ng sakit at pang-aapi na naranasan niya noon sa kumpanya. Ang mga ngiting mapanghamak, ang mga lihim na bulungan, ang araw n
Huling Na-update: 2025-10-28
Chapter: Chapter 10Mula pa kagabi, hindi mapakali si Elena. Halos hindi siya nakatulog, puro tanong ang bumabalot sa isip niya. Ang bawat kilos ni Nathan, bawat ngiti, bawat salita—lahat ay tila may kahulugan. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, wala pa rin siyang konkretong patunay. Puro hinala. Puro tanong na walang kasagutan.Kaya nang dumating ang umaga, nagpasya siyang kumilos. Tahimik niyang sinuyod ang mansyon, tila isang multo na naglalakad sa pagitan ng mga lihim.Bawat hakbang ay may tunog ng kaba.Bawat pintong binubuksan ay parang bitag.Hanggang sa makarating siya sa opisina ni Nathan—isang silid na bihira niyang pasukin. Laging naka-lock, at tanging si Nathan lang ang may susi. Ngunit kagabi, bago sila matulog, napansin niyang naiwan nitong bukas nang bahagya ang pinto.“Perfect,” bulong niya sa sarili, at marahang binuksan iyon.Sa loob ay malamig, masyadong tahimik. Amoy mamahaling pabango, halong leather at usok ng tabako. Sa gitna ng mesa ay may mga dokumento, folders, at isang laptop n
Huling Na-update: 2025-10-28