MasukSi Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Lihat lebih banyak“Majesty Designs…” mahinang bulong niya, tila ba sinusubukang paniwalaan ang sariling hindi pa tuluyang naglaho ang lahat.
Isang linggo palang ang nakalipas mula ng pinagtaksilan siya ng mga taong pinaniwalaan niya. Si Adrian De Leon, ang lalaking akala niya’y mamahalin siya habang buhay; si Vanessa Alcaraz, ang best friend na naging kaagaw; at ang boss niyang walang habas gamitin ang kanyang talento para sa sariling ambisyon at pera sa kumpanya. Pinunasan niya ang luha sa gilid ng kanyang mata habang naiisip ito. Ngunit bago pa siya makagalaw paalis, isang mabigat at malamig na presensya ang naramdaman niya sa loob ng atelier. Hindi iyon hangin. Hindi rin guni-guni. Parang may mga matang matagal nang nakatingin sa kanya… matalim, malalim, at mapanganib. Dahan-dahan siyang lumingon. At sa pintuan, sa gitna ng madilim mula sa labas, ay naroon ang isang matangkad na lalaki. Nakaitim, eleganteng porma, at tila hindi man lang nababasa ng ulan. “Sino ka?” mahina pero matigas niyang tanong na may halong takot. Ngumiti ito ng bahagya. Hindi ngiti ng isang kaibigan… kundi ng isang lalaking alam kung gaano siya kalakas. “This is what I’ve been waiting for, Elena.” mababa at malambing ang boses nito, ngunit may dalang kapangyarihan na nagpatayo ng balahibo niya. “At ngayon nandito kana sa harap ko...” Nang marinig niya ang pangalan niya mula sa bibig ng lalaki, napaatras siya ng isang hakbang. “Paano mo ako nakilala? paano ka nakapasok sa atelier ko?” Lumapit ito nang mabagal, parang isang leon na nagmamasid sa biktima. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya o mananatili. Ngunit may kakaibang bigat sa bawat hakbang nito, na para bang may sariling utos ang kanyang katawan na huwag gumalaw. “Kasi binabantayan kita” bulong nito. “Sa mahabang panahon, Elena.. Alam ko kung gaano ka ka-brilliant. Alam ko kung paano ka sinira ng mundong ‘to… at alam ko kung gaano sila kalupit sa’yo.” “Wala akong kailangan sa’yo,” madiin niyang sagot, pilit tinatago ang kaba. “Umalis ka sa property ko.” Ngunit bago pa siya makagalaw palayo, hinawakan ng lalaki ang doorframe. Isang galaw na tila nagkulong sa kanya sa loob ng sariling atelier. Sapat na ang presensya nito para maramdaman niya ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. “Huwag kang matakot sa’kin, Elena,” aniya, mababa ang boses. “Hindi ako narito para sirain ka… narito ako para ibalik ang ninakaw nila sa’yo.” Napasinghap siya. Hindi niya alam kung paano nito nalaman. Pero sa bawat salitang binibitawan nito, para bang mas lumalalim ang bitag na hindi niya alam kung paano tatakasan. “Who the hell are you?” ulit niya, mas mahina na ngayon, pero puno ng panginginig. Lumapit pa ito hanggang halos magtama ang kanilang mga hininga. Sa dilim ng atelier, nasilayan niya nang malinaw ang mga mata nitong kulay abo, malamig pero may lalim na hindi niya maipaliwanag. “Nathan,” mahinang sabi nito, “Nathan Arguelles.” Parang bumigat ang paligid. Kilala niya ang pangalang iyon, isang pangalan na paulit-ulit na naririnig ng mga nasa mundo ng fashion at negosyo. Ang pinaka-mayamang lalaki sa industriya. Isang billionaire na halos hindi nakikita sa publiko, ngunit kayang galawin ang merkado sa isang pirma lang. “Bakit… bakit ako?” tanong niya, halos hindi lumalabas ang boses. Tinitigan siya nito nang matagal, para bang sinasaliksik ang kaluluwa niya. At sa isang mababang bulong, inilapit niya ang kanyang labi sa tainga nito. ”Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Parang huminto ang oras. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o matatakot. Kasal? Sa isang lalaking hinding hindi niya mapapantayan sa yaman? “Are you insane?” mabilis niyang sagot, pero ramdam niyang nanginginig ang kamay niya. Hindi siya sinagot ni Nathan, bagkus ay iniabot nito ang isang itim na sobre. “Ang lahat ng kinuha nila sa’yo, maibabalik ko. Ang impluwensiya, ang respeto, pangalan, pati seguridad mo. Pero may kapalit ang lahat.” Bumilis ang tibok ng puso niya. “I want you,” dagdag nito, malamig pero puno ng pagnanasa at determinasyon. “As my wife.” Gusto niyang sabihing hindi. Gusto niyang itulak ito at sabihing wala itong karapatang basta siyang angkinin. Pero sa ilalim ng galit, may isang maliit at madilim na bahagi ng puso niya ang bumulong… Paano kung? Kung magamit niya ang kasunduang ito para muling bumangon? Kung ito ang paraan para makapaghiganti sa lahat ng sumira sa kanya? “You’re insane,” bulong niya ulit. Ngumiti ito. “Siguro? at isa ang sigurado ako…nakukuha ko ang lahat.“ At sa isang iglap, naalala niya ang bawat gabing umiiyak siya mag-isa, bawat pagyukod sa mga taong pinaniwalaan niyang kakampi niya. Kung wala nang natira sa kanya ngayon, bakit pa siya matatakot sa kasunduang ito? Ang tanging naririnig niya ngayon ay ang patak ng ulan sa labas at ang mabagal na tibok ng kanyang dibdib. “Think about it,” sabi ni Nathan habang unti-unti itong lumayo. “This isn’t just a marriage, Elena. It’s your revenge… wrapped in gold.” Pagkasara ng pinto, iniwan siyang mag-isa sa dilim. Ngunit sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo, may apoy na muling nabuo sa kanyang dibdib, isang apoy na hindi pag-ibig… kundi isang kasunduan sa tatanggapin niya para sa paghihignati. “Tatanggapin ko ang kagustuhan ni Nathan…para sa aking sarili” bulong nito bago tuluyang matapos ang gabi.Sa unang tingin, parang ordinaryong umaga lang ang sumunod na araw. Pero para kay Elena, ito ang araw na magbabago ng direksyon ng buong industriya. Hindi ito ang araw para lumaban ng ingay—kundi ang araw na ilalatag niya ang pundasyon ng laban na hindi nila maririnig, pero mararamdaman nila sa bawat sulok ng entertainment world.Pagpasok niya sa opisina, ramdam kaagad ang tensyon. Tahimik ang hallway, ngunit bawat empleyado ay tila nakatingin sa kanya nang may halong pag-aalala at pag-asa. Alam nilang may malaking nangyayari. Alam nilang may paparating na bagyo—pero alam din nilang kasama nila si Elena sa gitna nito.Agad siyang dumiretso sa conference room kung saan naghihintay ang core team. Kumpleto sila. PR head, marketing lead, creative director, analytics manager, at si Mia na punong-puno ng notes at reports.Pagdating ni Elena, tumayo silang lahat. Hindi dahil sa takot—dahil sa respeto.“Sit,” sabi ni Elena, nakapamulsa ang isang kamay, calm pero authoritative.Umupo ang lahat
Kinabukasan, pagmulat pa lang ng mga mata ni Elena, ramdam niya na kakaiba ang hangin. Hindi man siya nag-scroll agad, naramdaman niyang may nangyari. May nagbago. May gumalaw sa industriya. Para bang sa mismong hangin ng kwarto niya, may mabigat pero hindi nakakasakal—isang alertong tahimik pero malakas.Bumangon siya, naghilamos, nag-ayos ng buhok, at diretso sa kusina para gumawa ng kape. Hindi pa man niya naisasara ang cup, tumunog ang phone niya ng sunod-sunod—notifications, mentions, email alerts, PR flags. Hindi pa man siya nakaupo, narinig na niya ang sarili niyang huminga nang malalim.Ngunit hindi dahil sa panic—kundi dahil kailangan niyang maging handa.Pagbukas niya ng phone, isang headline agad ang bungad:Naka-attach ang video. May milyon-milyong views within an hour. May comments na nagwawala. May reposts na may patama. May mga tag na naka-focus sa tatlong pangalan: Veronica. Vanessa. Elena.May ibang comments na halatang galing sa troll farms o orchestrated teams:“Si
Kinabukasan, maaga pa lang ay magulo na ang digital world.Hindi pa sumisikat nang husto ang araw, pero trending na agad ang tatlong pangalan:Veronica, Vanessa, at… Elena.Hindi pa ilalabas ang teaser until Thursday, pero may “accidental leak” na agad kumalat sa ilang entertainment blogs. A typical tactic. Too polished to be an accident, too perfectly timed to be coincidence.Pagkagising ni Elena, hindi muna niya tiningnan ang phone niya. Tumayo siya, nag-inat, naglagay ng tubig sa baso, at huminga nang malalim. Na-sense na niya ang shift sa hangin—parang may biglaang pressure, pero hindi iyon sumisiksik sa dibdib niya tulad dati. Now she was ready. Solid. Grounded.Pagkapasok niya sa sala, sumilip siya sa phone niyang nakahiga sa table. Doon pa lang siya napatingin: 163 notifications.Tahimik lang siyang napangiti.“Ang aga nila.”Binuksan niya.Mga headlines:• “Alleged Preview of Veronica x Vanessa Project Leaks—Is This the Dethroning Moment?”• “The Collaboration of the Year—Indu
Pagkadating ni Elena sa apartment ay tila may mabigat na ulap na unti-unting lumalabas sa balikat niya. Hindi dahil sumusuko siya—kundi dahil sa buong araw na kalmado niyang pagkontrol sa sarili, sa mga tao, at sa narrative ng labas. Ang katahimikan ng unit niya ang unang yumakap sa kanya. Hindi ito masikip, hindi rin malungkot. Ito ang lugar kung saan bumababa ang pulso niya mula sa bilis ng mundo.Hinubad niya ang blazer, mabagal, parang ritwal. Inayos niya ito sa sofa, pinatong ng maayos—dahil kahit pagod siya, disiplinado ang kilos niya. Lumapit siya sa kusina, kinuha ang malamig na tubig, at umupo sandali para lang maramdaman ang bigat ng araw na dumadaan sa dibdib niya habang umiinom.Nagtagal ang mata niya sa mesa. May mga dokumentong naka-compile, may mga proposal na naka-flag ng pula, may analytics na naka-ready sa tablet niya. Alam niyang kailangan niyang tingnan iyon. Pero hindi muna. Hindi ngayong gabi. Hindi sa estado niyang maraming iniisip pero mabigat ang puso.Pagkaku


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)









Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan