INICIAR SESIÓNPagdilat ng mga mata ni Aurora mula pagkamatay, parang muling isinilang ang kanyang sarili—anim na taon ang lumipas, wala siyang alaala, ngunit muli siyang nabuhay na may bagong pamilya. May asawa siya ngayon, si Samuel Castillo, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang yaman, tapang, at malamig na ugali. Mayroon din silang dalawang anak na siya lamang ang tinatawag na “Mama.” At sa bawat araw na kapiling niya ang kanyang bagong pamilya, lalo niyang nararamdaman ang misteryo at bigat ng bagong mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit sa anino ng kanyang nakaraan, may isa pang lalaking nagtataglay ng kanyang puso—si Lucas, isang makapangyarihang Mafia Boss na minsang minahal ng Aurora bago siya mawalan ng alaala. Para sa nakaraang Aurora, si Lucas ang lahat; ngunit para sa kasalukuyan, tila si Samuel ang pinipili ng kanyang puso, kahit pa puno ng sugat, kapangyarihan, at kontrol ang kanilang relasyon. Magsisimula ang isang laban na hindi niya hiniling—isang tunggalian ng dalawang makapangyarihang lalaki, parehong handang gawin ang lahat upang angkinin siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at pagnanasa, matutuklasan ni Aurora na siya ang magiging gantimpala at sanhi ng isang digmaan ng pag-ibig, pagkasuklam, at pagnanais na maghari sa kanyang puso. Ngunit sa dulo ng lahat, kanino nga ba tunay na kikiling ang kanyang damdamin—sa pagmamahal ng kanyang nakaraan, o sa bagong buhay na pilit bumabalot sa kanya?
Ver más“Takbo, Aurora!”
Sumisigaw ang utak ng dalaga habang humahangos sa madilim na kalsada. Pawis at dugo ang dumadaloy sa kanyang mukha, habang halos mawalan na siya ng lakas sa bawat hakbang.
Sa likuran niya, may lalaking nakamaskara. Hawak nito ang baseball bat, mabigat at matigas ang bawat yabag na tila umaalingawngaw sa tahimik na gabi.
“Hindi ka makakatakas!” bulyaw ng lalaki. Malalim at nakakatindig-balahibong tinig.
Nanghina ang mga tuhod ni Aurora. Ang dibdib niya’y mabilis ang kabog, parang gustong sumabog.
Pak!
“Arghhh!” Napaigik siya nang dumapo ang bat sa kanyang balikat.
Bago pa man siya makabangon, isa pang hampas ang sumalubong. Mas malakas. Mas mabigat. Diretso sa kanyang ulo.
“Ahhh!”
Bumagsak siya sa sementadong daan. Ramdam niya ang mainit na dugo na dumaloy sa kanyang sentido. Unti-unti niyang naramdaman ang pagkawalan ng lakas. Dumidilim ang kanyang paningin.
Ito na… katapusan ko na.
Ngunit nang dumilat siya, hindi na madilim ang paligid.
Puting kisame ang una niyang nakita. Mabigat ang ilaw sa mata, maliwanag, nakakasilaw. Amoy gamot ang paligid. May naririnig siyang mahinang tugtog ng makina—beep, beep, beep—tila musika ng ospital.
Naguluhan siya.
Hospital?
Napakurap si Aurora. Dahan-dahan siyang umupo, nanginginig ang mga kamay. Mabigat pa rin ang ulo, tila nabasag. Hinaplos niya ang sentido ngunit natagpuan lang ang benda.
Bakit siya buhay? Hindi ba’t tinamaan siya sa ulo… at namatay?
Mula sa gilid ng kwarto, isang malamig at matalim na tinig ang umalingawngaw.
“Aurora, ituloy na natin ang divorce. Ayon na rin sa iyong kagustuhan.”
Parang biglang nanigas ang buong katawan niya. Dahan-dahan siyang napalingon.
Isang lalaki ang naroon—matangkad, matikas, naka-itim na suit. Mahigpit ang panga, malamig ang titig, tila walang bahid ng emosyon. Sa kanyang kamay, may hawak na papel.
Lumapit ito at iniabot sa kanya. Nanginginig ang daliri ni Aurora nang kunin iyon. At doon niya nakita ang nakasulat na pangalan.
Samuel Castillo.
Nanlaki ang mga mata niya.
Si Samuel…
Kilala niya ito. Ang batang CEO, ang perpektong tagapagmana ng Castillo Empire. Pinakabatang negosyanteng sa buong Manila City. Kinaiinggitan, hinahangaan, pinapangarap ng lahat. Bata pa lang sila, kilala na niya ang pangalang iyon—seryoso, matalino.
Pero ngayon… asawa niya?
“Di… divorce?” mahina niyang bulong, halos hindi makapaniwala.
Napaangat ang tingin niya kay Samuel. Ang malamig na ekspresyon nito, parang matagal na siyang hindi mahalaga.
Bago pa siya makapagsalita ulit, may humawak sa laylayan ng kanyang damit.
“Mama…”
Napalunok si Aurora, nanigas sa kinauupuan.
Isang batang babae, limang taong gulang marahil, nakatingala sa kanya. Malambot ang mukha ngunit may halong takot sa mga mata. Nanginginig ang tinig nito.
“Mama, huwag mo kaming iwan ni Papa at Kuya. Magiging masunurin na ako.”
Nanlaki ang mga mata ni Aurora. Ma… ma?
Hindi pa siya nakakabawi nang isa pang bata ang humarap. Mas matanda, seryoso, malamig ang titig na para bang galit sa kanya.
“Selene, huwag kang magpauto,” mariin na sabi ng batang lalaki. “Hindi ba’t siya mismo ang dahilan ng lahat ng ‘to?”
Napatitig si Aurora sa bata.
Kuya? Anak ko rin? bulong niya sa isip.
Hindi siya makapaniwala.
Kagabi lang, labing-walong taon pa lang siya. 18 years old! Pero ngayon… may dalawang bata siyang anak?
Anim na taon ang lumipas… at siya’y muling nagising.
Na-rebirth ba ako sa sarili kong katawan—pero anim na taon sa hinaharap? Ano ito? Reincarnation? Ako pa rin si Aurora pero 24 years old at may asawa’t anak?
Hinahabol siya ng mga alaala ng nakaraan.
Labing-walong taon (18 years old) pa lang siya kagabi. Aurora Salazar—bata, spoiled, mayaman, walang pakialam kundi gala at saya. Alam niya kung sino si Samuel, alam niya kung sino si Lucas Mariano, ang lalaking minsan niyang pinili ng puso. Kilala rin niya si Eva Ramirez, ang matalik niyang kaibigan na lagi niyang kaagapay.
Pero ngayon… bakit may buhay siyang hindi maalala?
Bakit may dalawang batang tumatawag sa kanya ng “Mama”?
At bakit galit na galit sa kanya si Samuel, na para bang siya ang may pinakamalaking kasalanan sa mundo?
“Aurora.”
Naputol ang iniisip niya nang muling magsalita si Samuel. Lumapit ito, kinuha ang batang lalaki—si Calix. Niyakap niya ito ng mahigpit, puno ng proteksyon.
Ngunit nang tumingin siya kay Aurora, malamig at puno ng lungkot ang mga mata nito.
“Bukas pupunta tayo sa Civil Affairs Bureau. Magdi-divorce na tayo.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang puso ni Aurora. Divorce.
Hindi niya alam kung paano mapapaniwala ang sarili na asawa niya nga ang lalaking ito.
Naiwan siyang tulala. Nang mag-isa na lang siya, kinuha niya ang cellphone na nasa mesa. Binuksan niya ito.
Contacts. Dalawang pangalan lang ang nakalista: Lucas Mariano at Eva Ramirez.
Nanigas siya.
Lucas… Eva… nandito pa rin sila sa buhay niya kahit anim na taon na ang lumipas?
Pero bakit wala siyang maalala? Bakit parang may nawawalang piraso ng kanyang pagkatao?
Kinagabihan, bumalik si Samuel. Tahimik, dala ang maleta at mga dokumento.
“Ito ang kabayaran sa divorce,” malamig nitong sabi. “Mga ari-arian, sasakyan, bilyon-bilyon na halaga. Pirmahan mo na lang.”
Tinitigan ni Aurora ang papel. Nanlalamig ang mga kamay niya. Divorce? Pera? Ari-arian?
Wala siyang maalala. Para bang pinaparusahan siya sa kasalanang hindi niya naiintindihan.
Hinawakan niya ang pluma pero agad ding binitiwan.
“Samuel… hindi ko maintindihan,” mahina niyang bulong, nanginginig ang boses.
Nanlaki ang mga mata ng lalaki, para bang hindi sanay sa ganitong tono mula sa kanya.
Sanay ito na puro galit at malamig na salita ang naririnig mula sa Aurora ng nakaraang anim na taon. Pero ngayon, puno ng pagkalito at kahinaan.
Matagal siyang tinitigan ni Samuel. Halos mabasag ang pader na itinayo niya, pero mabilis din niya itong pinatigas.
“Huwag mong gamitin ang kalituhan mo para manipulahin kami. Bukas, tapos na tayo.”
Iniwan niya si Aurora, walang lingon, walang pakialam
Ngunit nang makatulog siya sa sofa, bumalik si Samuel. Tahimik.
Maingat nitong kinuha ang kumot at itinakip sa kanya. Pinagmasdan niya ito, matagal, halos hindi kumikilos.
“Aurora…” bulong niya, mahina, para bang hindi niya kayang pigilan. “Bakit kahit kailan, hindi kita maintindihan?”
***
KINABUKASAN, isang malakas na sigaw ang gumising kay Aurora.
“Aurora! Nasaan si Selene?!”
Nakatayo si Calix, galit na galit, nanlilisik ang mga mata. Inihagis nito ang isang papel sa kanyang kandungan.
Nakasulat doon, sa kamay ng bata:
“Kuya, hindi ko hahayaang maghiwalay si Mommy at Daddy. Pupunta ako para iligtas ang ating pamilya.”
Natigilan si Aurora. Nanlamig ang kanyang katawan at di pa rin makapaniwala.
Tahimik ang hallway.Ngunit sa loob ni Samuel—parang sabay-sabay na gumagalaw ang lahat.Ang lockdown.Ang pagkawala nina Aurora at Marco.At ngayon—isang miyembro ng council mismo ang nasa harap nila.Hindi na ito haka-haka.Hindi na ito anino.Totoo na sila.Ang babae sa screen ay kalmado lamang na nakatingin.Parang wala siyang pakialam sa kaguluhang nangyayari.At marahil—iyon ang pinakanakakatakot.“Samuel,” sabi niya, mahinahon ang boses. “Mas matagal kang nakarating kaysa inaasahan ko.”Napakunot ang noo niya.“Kilala mo ako.”Bahagyang ngumiti ang babae.“Mas matagal ka na naming kilala kaysa sa iniisip mo.”Nanlamig ang pakiramdam niya.“Nasaan sila?” malamig niyang tanong.“Safe,” sagot ng babae.“Sa ngayon.”“Kapag may nangyari sa kanila—”“Hindi ka nasa posisyon para magbanta,” putol niya.Hindi siya sumigaw.Hindi siya nagtaas ng boses.Ngunit sapat iyon para patahimikin ang buong hallway.Tahimik ang lalaking kasama ni Samuel.Halatang tensyonado.Napatingin ang babae
Habang papalapit ang sasakyan sa foundation, lalong bumibigat ang pakiramdam ni Samuel.Hindi siya sanay matakot.Pero ngayon—iba ito.Dahil hindi niya alam kung ano ang maaabutan niya.At mas lalong delikado iyon.Tahimik ang lalaki sa tabi niya.Pareho silang nakatingin sa daan.Parehong may iniisip.“Kapag dumating tayo doon,” sabi ng lalaki, “huwag kang gagalaw agad.”Hindi sumagot si Samuel.“Makinig ka sa’kin,” dagdag nito. “Kapag council ang may hawak ng operasyon, hindi simple ang objective nila.”“Anong objective?” malamig na tanong ni Samuel.Tahimik siya sandali.“Pressure.”Napakunot ang noo ni Samuel.“Hindi sila agad pumapatay,” dagdag niya.“Sinisira muna nila.”Tahimik.“At paano mo alam?”Bahagyang ngumiti ang lalaki.Walang saya.“Dahil nakita ko na.”Pagdating nila malapit sa foundation, agad nilang napansin ang kakaiba.Masyadong tahimik.Wala na ang sirena.Wala ring masyadong tao sa labas.Parang—nilinis ang eksena.“Hindi maganda ito,” sabi ni Samuel.Huminto
Parang bumigat ang buong silid.Hindi dahil sa takot.Kundi dahil sa katotohanang ngayon lang tuluyang luminaw:hindi sila ang tunay na naglalaro.Tahimik si Samuel habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harap niya.Sa unang pagkakataon—pareho silang walang kasiguraduhan.“Anong nangyari sa foundation?” tanong niya ulit.Mas madiin.Mas desperado.Huminga nang mabigat ang lalaki.“Hindi ko alam ang buong detalye,” sagot niya. “Pero kung council ang gumalaw…”tumigil siya sandali.“…hindi iyon simpleng warning.”Nanlamig si Samuel.“Aurora…”Agad siyang kumilos palabas ng silid.Ngunit bago siya makalayo—hinawakan siya ng lalaki sa braso.“Kapag basta ka lang sumugod,” sabi nito, “mamamatay ka.”Biglang napatingin si Samuel sa kanya.“Bitawan mo ako.”“Makinig ka muna.”Tahimik.Mabigat ang bawat segundo.“At bakit ako maniniwala sa’yo?” malamig na tanong ni Samuel.Unti-unting bumitaw ang lalaki.“Dahil kahit ako…” mahina niyang sabi, “…hindi ko kontrolado ang susunod nilang gagawin
Tahimik ang silid.Ngunit sa loob ni Samuel—parang may bagyong unti-unting lumalakas.Ang makita si Aurora sa live feed ay hindi lamang pananakot.Isa iyong paalala.Na kahit gaano siya kahanda magsakripisyo—may mga taong hindi niya kayang isama sa pagbagsak.“Ano ang gusto mo?” tanong niya.Diretso.Malamig.Ngumiti ang lalaki.“Finally,” sabi niya. “Iyan ang tamang tanong.”Lumapit siya sa screen at pinatay ang feed.Biglang nagdilim muli ang silid.Mas tahimik.Mas mabigat.“Hindi ko gustong saktan siya,” dagdag niya.“Pero kailangan mong maintindihan…”tumigil siya sandali.“…na hindi mo kayang kontrolin ang lahat.”“Hindi mo rin,” sagot ni Samuel.Bahagyang ngumiti ang lalaki.“Mas kaya ko kaysa sa’yo.”Tahimik.“Kung gusto mo talagang matapos ito…” dagdag niya, “…sumama ka sa’kin.”Napakunot ang noo ni Samuel.“Ano?”“Hindi bilang kalaban,” sabi niya.“Kundi bilang taong nakakaintindi.”Tahimik ang hangin.“Akala mo ba gusto ko ito?” tanong ng lalaki.“Akala mo ba gusto kong m
Hindi naging payapa ang mga sumunod na araw.Bagama’t nagpapatuloy ang mga programa ng foundation—ang mga klase, outreach, at meetings—may kakaibang bigat na nakasabit sa bawat sandali. Hindi na ito simpleng pagod. Hindi na rin ito pressure mula sa responsibilidad.Ito ay ang pakiramdam na may papa
Sumunod na mga araw ay tila naging mas abala kaysa dati ang foundation. Dumadami ang email, tawag, at mga komunidad na gustong makipag-partner. Ngunit kasabay ng paglaki ng kanilang ginagawa, may kung anong pakiramdam si Samuel na hindi niya maipaliwanag.Isang gabi, habang nasa opisina pa siya at
Maaga pa lamang ay gising na si Elena.Hindi dahil sa ingay ng ospital o sa pagpasok ng mga nurse, kundi dahil sa bigat ng mga bagay na bumabalik sa kanyang isip. Kahit nakapikit siya sa kama, malinaw pa rin sa kanyang alaala ang simbolo ng Aegis na lumitaw sa screen ng laptop kagabi.Isang bilog n
Lumipas ang ilang buwan matapos ang forum na iyon, at tila mas naging malinaw ang direksyon ng foundation nina Samuel at Aurora. Hindi na lamang ito isang organisasyon na nagbibigay ng tulong—unti-unti na itong nagiging komunidad ng mga taong naniniwala sa pagbabago.Isang umaga, habang abala si Au






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñas